-15-
Ciro
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Parang wala na ako sa katinuan. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Gusto kong gisingin si Yuki para pigilan niya ako, pero tila may pumipigil din sa akin para gawin ko yun.
Makakagat ko na si Yuki. Hindi! hindi!
"Nandito na mga anak!" si Ama. Sa wakas dumating din siya. Sana mapansin niya kami agad. Dahil hindi ko na to kaya.
"Nasaan kayo?" Ama nandito, nandito sa upuan. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.
Dinig ko ang tunog ng tungkod niya. Papalapit na siya samin.
"Sige pa Ama, nandito kami. Tulungan mo si Yuki Ama." sa sarili ko na lamang iyon nasasabi.
Hindi ko na ata kaya. Patawad Ama, Patawad Yuki.
"Ciro? Ciro huwag!!!!!" dinig kong sigaw ni Ama at ramdam ko ang pagkayakap niya sa akin ng mahigpit at pilit na inilalayo kay Yuki. "Tumigil ka Ciro! gising Ciro!!"
Hindi ko alam kung ano ang inilagay ni Ama sa ilong ko at bigla akong kumalma. Bumalik ako sa normal.
Dahil sa nangyari, dumiretso ako ng banyo para gisingin ang sarili.
"Ama? nandito ka na pala. Ano pong nangyari sa inyo at tila pawis na pawis kayo?" nagising na pala si Yuki. Buti na lamang ay dumating agad si Ama. Tss.
Pumasok na ako ng banyo at hinarap ang sarili ko sa salamin.
"Anong ginawa mo kanina? Sino ka ba ha?!!" para akong timang, kinakausap ang sarili.
Naghilamos ako para kumalma nang sandali. Gusto kong malaman kung ano yung nangyari kanina.
Alam kong may alam si Ama tungkol sa tunay kong katauhan.
Yuki
Nagising ako sa ingay na narinig ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Ama na nakaupo sa sahig at tila pagod na pagod. Napansin ko din na nakakumot ako, pero - baka si Ama naglagay nito.
"Nandito ka na pala Ama, ano pong nangyari sa inyo at tila pawis na pawis ka?" tanong ko kay Ama na bakas sa mukha niya ang pag-alala at takot. Bakit kaya?
Bigla naman siyang tumayo at saka pinulot ang kanyang tungkod. "Ah, eh wala ito anak. May dumapo kasi sa iyong ipis kaya ayun. Hehe." Ipis? ewan! pinagpawisan siya dahil sa ipis. Si Ama talaga nagpapatawa.
"Ano ba yung ingay na narinig ko?" bigla namang lumabas si Vincent mula sa kanyang kwarto. Nagmumuta pa ito. Nakita ko naman kay Ama ang pagkagalak niya ng makita si Vincent.
"Siya nga pala Ama, si Vincent. Kanina lang namin nalaman na nandito na pala siya. Kung hindi pa niya nabunggo si Ciro eh hindi to makakarating rito. Hehe." baka kasi nakalimutan na niya si Vincent.
"Ama?" tanong ni Vincent. Ama rin kasi ang tawag niya dito. Pero hindi ko alam kung mag-ama ba sila o apo.
"Vincent! iho? ang laki mo na. Masaya ako at napadalaw ka." tuwang tuwa naman si Ama at nagyakapan sila.
"Kumain na po muna tayo, nakapagluto na ako kanina." niyaya ko na sila kumain para makapag-usap o makapagkwentuhan kami ng maayos.
Ilang minuto pa ay magkakasama na kami sa hapag-kainan at handa ng maghapunan. Napansin kong wala pa si Ciro. Inisip kong baka tulog pa ito kaya hinayaan ko na lang.
Matapos ang pagdadasal ay nagsimula ng magtanong si Ama.
"Kamusta ang maynila iho?"
"Ayun, medyo mahirap po. Lalo na sa pera. Sabi nila madali lang daw pera doon hindi naman pala." sagot naman ni Vincent. Kahit ako gusto kong makarating sa manila. Kaya lang walang pera. Hehe.
