Chapter Twenty-Seven

3.3K 73 0
                                    

-27-

Pagkarating ni Lyka sa kanilang taguan o kampo, agad na lumapit ang lahat ng lobo sa kanya. Dahan-dahan niyang inaabot ang bangkay ni Tristan ang pinuno ng isang pangkat sa grupo ni Raul.

Ang lahat ay malungkot dahil sa nangyari. May mga umiiyak, nagagalit at may mga lobong agad na tumakbo palayo para makapaghiganti.

Maayos nilang inilibing ang bangkay ni Tristan. Lahat ay nagdasal na sana maging payapa ang kanyang paglalakbay at sana'y maayos ang kanyang magiging buhay sa panibagong katawan.

Matapos ang kanilang pagdadasal, agad na nagpaalam si Lyka upang sundan sina Franco.

"Lyka! sandali!" nahinto si Lyka nang biglang siyang tawagin ng isang matandang lobo. Si Amang Pardos.

"Bakit po Amang Pardos?" pagtataka ni Lyka.

"Dalhin mo ito. Makakatulong ito sa inyo." saad ni Amang Pardos at may inabot sa kanya na isang papel.

"Ano po ito?" tanong muli ni Lyka nang mahawakan niya na ang papel. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Iyan ang magdadala sa inyo sa mundo ng mga mortal kung sakaling nabuksan na ito ng mga bampira. Sa oras na mabuksan 'yon, magsasara agad ito kapag may nakapasok na. Kaya gamitin niyo yan para mahabol sila." paliwanag ni Amang pardos.

Nanlaki ang mga mata ni Lyka dahil sa kanyang nalaman at narinig. Tila nabuhayan ito at napangiti.

"Salamat Amang Pardos, gagamitin po namin ito. Hindi po namin hahayaan na malagay sa kapahamakan ang mga mortal." nakangiting turan ni Lyka. Kinagat niya ang papel at saka muling nagpaalam.

"Mag-iingat kayo!" pahabol pa ni Amang Pardos.

Pagkatalikod ni Lyka ay agad na nagbago ang kanyang anyo.

---

"Ano'ng balak mo Ama?" tanong ni Franco sa kanyang ama na si Raul. Tumatakbo sila nang napakabilis para maabutan nila ang binabalak na pagpasok ni Thana sa mundo ng mga mortal.

"Kailangan natin silang pigilan. Kung hindi, manganganib talaga ang mga mortal. Manganganib ... Basta ang mahalaga ngayon ay mapigilan natin sila Franco." sagot ni Raul. Naisip niya ang isang mortal, ang mortal na inaalala niya araw-araw.

"Pinuno!" sigaw ng isang lobo.

Agad silang huminto nang biglang may sumulpot sa kanilang harapan. Napakarami nila at ang nakakagulat, kalahi nila ang mga ito.

"Saan kayo pupunta mga kalahi? hindi niyo ba kami babatiin? hahaha!" si Primero, ang lobong nag-alsa sa kanilang lahi dahil hindi niya na talaga ang gusto ang pamumuno ni Raul. Ayaw na ayaw niya na isa lang siyang taga-sunod nito. At higit sa lahat, matindi ang kanyang pagka-inggit.

"Ano'ng ginagawa mo Primero?" humakbang palapit si Rufino sa mga kalahing nakaharang sa kanilang daanan.

"Huwag mong sabihin na ikaw ang pakana nang lahat nang ito?" galit na tanong naman ni Silvero.

"Hahaha! alam niyo naman pala e, mga hangal kayo. Nabihag kayo sa ginawa kong patibong. hahaha!" pang-aasar pa ni Primero at lahat ng kanyang kasama ay nagsitawanan din.

"Huwag kang hangal Primero. Umalis ka na sa daraanan namin. Hindi namin kayo lalabanan." mahinahong pakiusap naman ni Gregorio.

"Hindi raw nila tayo lalabanan mga kasama? hahaha! mayayabang talaga ang mga 'to." natawa na lamang si Primero. "Awoo!" agad siyang umungol.

Maya-maya pa ay nagbago na kanyang anyo pati ang kanyang mga kasama.

"Aaargh!" agad na umatake si Primero.

Ang lahat ng mga kasama ni Primero ay inatake na rin ang grupo ni Raul.

"Walanghiya ka Primero! traydor ka!" galit na turan ni Gregorio.

"Tumabi ka d'yan Gregorio, hindi ikaw ang gusto kong makaharap!" bakas din sa kanyang mukha ang pagkagalit. Isa lang ang nasa isip niya at 'yon ay mapatay niya ang taong sumira sa mga pangarap niya.

"Ikaw ang nagsimula nito Primero, kaya tapusin natin ito!" matapang na turan ni Gregorio. "Humanda ka sa pagkahangal mo!" agad na n'yang inatake si Primero.

"Sayang lang oras natin mo Raul! mabuting umalis na kayo! kami na ang bahala sa mga 'to!" sigaw ni Silvero. Kinagat niya sa leeg at tinanggalan niya ng balat ang lobong nakaharap niya. "Sige na Raul! umalis na kayo ni Franco! susunod na lamang kami!" utos n'yang muli.

Natauhan naman si Raul. Dapat siyang magmadali, kung hindi, mawawala ang lahat at mabibigo siyang mailigtas ang mga mortal.

"Tara na Ama!" tawag ni Franco na akma nang tatakbo palayo. "Ama!" tawag n'yang muli.

"Awooo!" sumenyas muna si Raul sa kanyang mga kasama na maging matatag. Ayaw niya sanang iwanan ang kanyang mga kasama. Pero ano ang magagawa niya? may kailangan din siyang iligtas.

Agad na tumakbo sina Raul at Franco palayo. Kahit na dalawa lang sila, lakas loob nilang pupuntahan ang mga kalaban.

"Huwag ka nang humabol pa Primero, nasa harap mo ang kalaban." agad na kinalmot ni Gregorio ang mukha ni Primero. "Hangal ka! pagbabayaran mo ang lahat ng 'to!"

"Awoo!"

Tila huminto ang lahat nang makarinig sila ng mga ungol. Papalapit ito sa kanila.

Naamoy nila Gregorio, Silvero, Rufino at Alfonso kung sino ang mga parating.

"Si Lyka! at may mga kasama pa siya!" sigaw ni Rufino nang masilayan na niya ang mga parating.

"Umatras na tayo Primero!" sigaw ng isang traydor na lobo.

Napalingon muli si Rufino sa lobong sumigaw.

Agad niya itong kinagat sa leeg at halos maputol ang ulo nito dahil idiniin niya ang kanyang mga ngipin dito.

"Tara na!" sigaw pa ng isa at agad na tumakbo.

"Hayaan mo na si Rufino!" pinigilan siya ni Silvero. "Siya na ang bahala sa mga traydor na katulad nila." dagdag pa ni Silvero.

"Masuwerte ka pa rin Primero, pero malas mo pa rin pala kapag nakaharap mo siya. Hahaha!" pananakot pa ni Gregorio sa traydor na lobo na halos hindi na maidilat ang kabilang mata dahil sa kagat at kalmot na ginawa niya.

Agad na tumakbo palayo si Primero at pati na rin ang mga kasama niyang hangal.

---

"Huli ka na Raul! nakapasok na si Lady Thana. Hahaha!" bungad ni Adolfo na nasa harap ng pintong lagusan.

Nanlumo si Raul. Hindi niya inaaasahan ang nangyari. Ang akala niya ay mapipigilan niya si Thana.

"Ama! Ama!" tinatawag siya ni Franco pero tila wala itong naririnig. Nakatingin lang ito sa lupa at unti-unting humihina ang kanyang paghinga.

"Paalam na sa inyo!" nagawa pang magpaalam at ngumiti si Adolfo at tuluyan nang pumasok sa pintong lagusan.

"Hindi!!" hinabol pa ni Franco si Adolfo ngunit bigo ito.

Agad na nagsara ang pintong lagusan.

"Hindi!! Awooo!!" si Raul na inis na inis sa nangyari.

---

"Napakasarap ng amoy. Sa wakas!" saad ni Thana at humalakhak.

Kitang-kita sa mga nila ang pagkasabik sa amoy na 'yon. Ang sariwang dugo ng mga mortal. Ang mga sariwang balat ng mga babae na ninanais ng mga bampirang lalaki.

"Sige na mga kasama! humayo na kayo at gawin niyo na ang lahat nang gusto niyo! Hahahaha!" utos ni Lady Thana. Tuwang-tuwa ito pati ang mga kanyang mga kasama.

Lahat ay nagsipagtalunan at liparan palayo. Kanya-kanya silang pulasan patungo sa mga una nilang mabibiktima.

---

Biglang namula ang mga mata ni Ciro. Ramdam niya na dumating na ang kanilang hinihintay.

"Narito na sila Ama!"

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon