Chapter Forty-Seven

2.5K 62 4
                                        

 Chapter  Forty-Seven

Hanggang saan hahantong ang labanan sa pagitan ng mga lobo at ng mg bampira? Nagsisimula na ring kumilos ang sandatahan ng mga mortal upang puksain ang mga ito. Handa nga ba silang lumaban hanggang sa huli?

“Bilisan natin, huwag natin hayaan ang mga ‘yon. Hindi nila dapat biktimahin ang mga mortal.” Saad ni Rodolfo habang sila’y tumatakbo kasama sina Bryl at Argos upang habulin ang mga lobong may balak atakihin ang mga mortal.

“Alam  kaya ni Raul ito?” tanong ni Argos.

“Hangal siya kung hindi niya alam ito, dahil sila ang magkakasama na pumasok sa mundong ito. Nasaan ba sila at ano ang kanilang ginagawa? Bakit nila hinayaan ang mga ‘yon na humiwalay sa kanila? Tss.” Pagtataka ni Rodolfo na may halong pagkainis.

“Marahil ang mga ‘yon ay hindi kaanib sa grupo nila Raul. Dahil alam naman natin na sa ating lahi ay hindi magkakasundo ang bawat grupo. Ilan lamang siguro sila sa mga lobong may sariling pinuno.” Saad ni Bryl.

“Tama! Mga kalaban ni Raul ang mga lobong ‘yon o sa ibang grupo sila. Hahaha. Humanda talaga sila sa akin.” Nananabik na saad ni Argos.

Samantala, hindi pa rin maiwasang isipin ni Rodolfo na maaaring may alam si Raul sa nangyayari. Maaaring inutusan ni raul ang mga lobong iyon na salakayin ang mg mortal. Kaya naman muling nanumbalik ang galit nito kay Raul.

“Sana hindi tama ng ang kutob ko.” Bulong ni Rodolfo.

Nang makarating sina Rodolfo, Bryl at Argos sa siyudad, kumilos sila na parang normal dahil hindi nila matanaw kung saan nagtungo ang mga lobong hinahabol nila.

“Tila nag-anyong tao sila. Gamitin na lang natin ang ating pang-amoy upang mahanap natin sila.” Mungkahi  ni Bryl.

“Mag-ingat na lamang tayo.” Saad ni Argos.

Habang naghahanap ang tatlo, bigla namang dumating sina Yana, Atos at Sato upang hanapin din ang mga lobong hinahabol nila. Kumilos na rin sila ng normal n aprag isang tunay na mortal.

Habang pinamamasdan nila ang mga tao, napansin nila na miag din silang pinagmamasdan ng mga ito.

“Bakit ganyan sila makatitig sa atin?” pagtataka ni Atos.

“Hindi ko alam. Basta huwag na lamang tayo magpahalata na may hinahabol tayo. “ kalmadong sagot ni Yana.

Maya-maya  pa ay may bigla silang narinig n malakas na boses na tila ba nanggaling sa ilalim ng lupa o yungib.

“Teka, ano ba ang ingay na iyon?” nanririnding tanong ni Sato.

“Parang galing sa ilalaim ng lupa. H-hindi kaya...” Naputol sa pagsasalita si Atos ng biglang tumakbo si Yana sa patungo sa kinaroroonan ng malaking boses.

“Yana!” sigaw nila Atos at Sato at agad nila itong sinundan.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon