Chapter Seven

6.3K 129 10
                                        

A/N: Dalawa o Tatlong beses po ang update dito. Nagre-rent lamang kasi ako. Pasensya na sa mga naghihintay. (Kung meron nga. Hehe) pero salamat sa mga naglagay nito sa RL niyo. :)) So, eto na po. Saka na ang pichure.

Eto na ang POV ni Vamolf/Ciro at ang litrato niya sa gilid.

_______

-7-

Takbo lang ng takbo sa Ciro sa kagubatan. Lumilipas ang mahabang panahon ay nagbibinata na ito. Ito lamang ang kanyang paraan para mabuhay sa mundo ng mga mortal. Kailangan ay di siya makita ng mga tao. Pero paano na lamang kung naisipan niyang gawin ang ginagawa ng mga mortal? Anong sakripisyo ang magagawa ng matandang mortal para kay Ciro?

Pinagmamasdan lang ng matandang mortal si Ciro habang seryoso itong nagpapalakas. Takbo dito, akyat ng puno, Talon dito at bumubuhat ng mga kahoy. Ginagawa ni Ciro ang lahat ng gusto ng matandang mortal. Paano kung dumating yung araw na humiling din ito sa kanya?

"Ang tanging hindi mo lang pwedeng gawin Ciro ay ang magmahal sa tulad naming mga mortal. Sana ay hindi mo yun maramdaman. Hilingin mo na sana ang lahat, huwag lang ang bagay na iyon. Dahil yun ang sisira sayo at sisira sa mundo namin." sabi ng matandang mortal sa kanyang sarili.

-YEAR 2013-

Ciro's Pov

llang taon na ang lumipas simula nang manirahan ako dito sa mundo ng mga mortal. Inaamin kong napakahirap ito para sa akin. Pero wala akong magawa dahil kailangan kong sundin ang payo ni Ama.

Itong napakalaking punong to ang lagi kong tambayan. Dahil tanaw ko mula sa tuktok nito ang buong siyudad. Napakasarap ng hangin, maaliwalas at tahimik. Sa sobrang tahimik wala na akong kilala kundi si Ama at ang babaeng madaldal na si Yuki. Nakakasawa na nga at iritang irita na ako sa kaingayan ng babaeng yun. Sinasabi ni Ama na magkapatid kami? Asa! ibang iba ang ugali niya kesa sa akin.

"Hoy Ciro, yung pinagkainan mo nga ligpitin mo!!"

"Ciro!!! ano ba tong kwarto mo ang kalat kalat!!! paano na lang kung dumating ang anak ni Lolo?!!

"Ciro naman eh!"

"Hoy Ciro!!!"

Haay! yan lang naman ang naririnig ko mula sa kanya pag nasa bahay ako. Nakakarindi at ang sakit sa tenga.

"Ciro!!" ayan na naman. Parang nakatatak na sa utak ko yung maingay niyang boses. Pumikit nalang ako at pinupokpok ko ng kamay ang ulo ko.

"CIRO!!!" ayan na naman. Ayaw talaga maalis. Bwisit na babaeng yun. Isinumpa na ata niya ako.

"CIRO! ANO BA? KANINA PA KITA TINATAWAG! BUMABA KA NA DIYAN!!!" Lalo pang lumakas ang boses niya. Sandali, parang nanggaling lang sa baba yung boses na yun. Baka kinain na siya ng lupa. Hahaha! "Aray!" loko yung bumatong yun ah. Nagpalinga linga na ako sa malayo at pati sa baba. Shit! nasa baba nga ang maingay. Galit na galit na at halos pumutok na ang lumulubo nitong pisngi at nakahawak pa ang kamay niya sa magkabilang bewang. Bumaba na ako at baka akyatin pa ako. Kasalanan ko pa nagdisgrasya. Tss.

"Kanina ka pa hinahanap ni Ama!! kung saan saan ka nagpupunta!! hindi ka ba nag-aalala sa kanya ha? Naku! Naku!" ayan na naman ang bunganga niya. Oo nga pala, Ama na rin ang tawag niya. Dahil sa sinabi sakin noon ni Ama. Kaya nga pinipilit niyang ituring ko tong kapatid. Tss!

Pinasok ko ang isang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at sinampa ko na lamang ang damit ko sa balikat habang hawak ito. Baka kung anong magawa ko dito sa babaeng to. "Oo na! uuwi na! pwede bang huwag ka nang maingay? ang sakit sa tenga eh." pang-aasar ko dito at tuluyan nang iniwan siya.

Tinarayan lang niya ako at mabilis na sumunod sa likod ko.

"Mag-ingat ka diyan sa likod mo, baka may humila sayo. Kaya itikom mo yang bibig mo." pananakot ko pa sa kanya. Para manahimik na habang naglalakad kami.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon