A/N: Pichure ni Gail ang nasa gilid. Ang pumukaw ng pansin ni Ciro. Hehe. At pati na rin sakin. :3
Pasensya na kung papalit palit ng POV. Hehe
______
-12-
Yuki
"Yuki! mga girls, sumama na kayo sa amin. Mamasyal lang tayo." hinawakan pa ang kamay ko nitong mokong na to. Manliligaw kong si James, pero hindi ko siya pinayagang manligaw. Ewan ko ba kung bakit nagpupumilit ito. Nakakabwisit!
"Pwede ba James, may klase pa kami eh. Kaya binitawan mo na nga yung kamay ko." pagtataray ko pa at pilit na kinakalas ang paghawak niya sa braso ko.
"Ayan ang mahirap sa inyo eh. Kailangan pang pinipilit." sabi nung isang tropa nito.
"Sige na naman Yuki, ang tagal ko nang nanliligaw sayo. Wala man lang akong napapala sayo." aba ang kulit talaga nito, nangonsensya pa. tss.
"Bitiwan mo nga ako, tatawag ako ng guard dito!!" pagbabanta ko. Ayaw talaga niyang bitiwan ang braso ko. Grrr! masasampal ko na to.
"Tara na, tara na boys! pilitin niyo sila!!" pagpupumilit pa nito at hinila na ako pati ang iba ko pang kasama. Si Gail naman inakbayan pa ng isa, nakakabwisit.
Sa sobrang inis ko kinagat ko ang kamay ni James at ayun ang mokong halos mangiyak sa sakit. Nagulat naman ang mga kasama nito kaya nagkaroon ng pagkakataong makakalas sila Gail at tumakbo agad papalapit sakin.
"Aray! punyeta! bakit mo yun ginawa? Fuck!" reklamo pa ni James. Dapat lang sa kanya yan. Walang galang sa babae. Tss.
"Umalis na kayo!! Tigilan niyo na kami! utang na loob naman James. Itigil mo na to!" halos magmakaawa na ako. Para lang matigil na ito, pero wala talaga. Wala talaga sa isip niya ang lubayan kami.
Papalapit sa akin si James at hindi lang siya, pati ang kamao niya ay papunta rin sa mukha ko.
"James!! huwag!!" nasigaw ko na lang at ng mga kasama ko. Katapusan ko na ata.
"Sa . . sandali sino ka?" boses nalang ni James ang narinig ko na tila nauutal pa ito. Napayuko kasi ako at napapikit dahil ayokong makita ang kamao ni James na tatama sa akin.
"Tss. Ganyan ba ang dapat itrato sa mga babae? Tss." pamilyar ang boses na iyon. Kaya dinilat ko na ang mga mata ko. Tama nga ang hinala ko. Siya na naman ang nagligtas ng buhay ko. Aww!
Ciro
Tss. Akala ko kaya niya yung lalaking yun. Pero hindi pala, sakin lang pala siya madaldal. Aba hindi ata patas to.
"Sino ka ba ha? bakit ka nakaharang diyan? Umalis ka na kung ayaw mong sayo ito tumama." pangalawa na tong taong to na nagtanong ng ganito sakin. bakit ba ganito mga tao dito? puro nalang din ba galit ang nasa isipan ng mga ito? Tss.
Gusto ko nang umalis sa harap ng mga ito kasama si Yuki. Kaya hinawakan ko na ang kamay nito para ayain na umuwi na lamang.
"Sandali saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos. Itong sayo!!" Pinigilan pa ako para lang suntukin ako sa mukha? Tss.
Binitawan ko muna ang kamay ni Yuki para himas-himasin ang tama ko banda sa panga. Medyo masakit, pero walang kwenta.
"Parang ikaw lang yung sumuntok nung nakaraang gabi sakin, walang kwenta. Tss." pang-aasar ko pa dito. At ayan na naman ang kamao niya na papalapit sakin. Walang kadala-dala. Tss.
Sinalag ko lang pagsuntok niya, salo ko ang buong kamao niya. Hindi ko alam kung anong naisip ko at bigla ko siyang nasipa sa maselang bahagi ng katawan niya. Paano kasi, hindi ako sanay makipag-away sa tao. Paumanhin na lang sa kanya.
