Chapter Forty-Two

2.7K 58 0
                                        

"Franco, okay ka lang?" tanong ni Lyka.

Labis ang pag-alala ni Lyka sa sinapit ni Franco sa kamay ni Ciro. Lubha siyang nasaktan ni Ciro kaya agad siyang nawalan ng malay kamakailan.

Nasa loob sila ng bahay ni Yana kasama sina Atos at Sato. Wala doon si Yana kaya si Lyka na lamang ang gumamot kay Franco. Mga halamang gamot na nakatago sa isang silid na iyon ang kanyang ginamit.

Mabilis namang naghilom ang mga sugat ni Franco dahil sa kakaibang halamang gamot na ginamit ni Lyka. Kaya naman ay napilitan si Franco na bumangon. Ngunit agad naman siyang pinigilan ni Lyka.

"Huwag muna. Magpahinga ka muna, Franco," saad ni Lyka na nakaalalay kay Franco upang ihiga ulit.

"P-pero... kailangan natin --" natigil sa pagsasalita si Franco nang dumampi sa kanyang bibig ang palad ni Lyka.

"Huwag ng matigas ang ulo, sumama ako dito para bantayan at alagaan ka. Bayad na rin ito sa mga nagawa mo sa'kin noon, Franco," mahinang saad ni Lyka.

Natulala si Franco at diretso ang pagtitig kay Lyka. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dahil nabigla siya sa sinabi ni Lyka.

"Huy, iwanan na natin sila," pabulong na saad ni Atos kay Sato na nakatayo pa rin sa likod nina Lyka at Franco.

"Ehem. Paumanhin, magmamasid lang muna kami sa labas at baka dumating na rin si Yana," biglang sabi ni Sato kina Lyka at Franco na nakatulala sa isa't isa.

Napaatras agad si Lyka at inayos ang sarili. "Ah... eh., tama... sa labas muna kami--" natigil sa pagsasalita si Lyka at naramdaman niyang may dumamping malambot sa kanyang labi.

Nanlaki na lang ang mga mata ni Lyka ng makita niyang magkalapit na ang kanilang mukha ni Franco at nakapikit pa ito. Biglang nag-init ang mukha ni Lyka at ipinikit na lang din niya ang kanyang mga mata.

Nagpasipol-sipol na lang sina Atos at Sato habang lumalabas at iwan ang dalawa nilang kasama na nagmamahalan pa.

Paglabas nina Sato at Atos ay agad namang bumungad sa kanila si Yana.

"Oh ano'ng ginagawa niyo dito?" pagtataka ni Yana at halata sa kanyang mukha ang pagkagulat ng makita niya sina Atos at Sato.

"Teka, saan ka ba nanggaling? Nagkakagulo na! Si Ciro, hinabol nila Rodolfo dahil bigla na lang daw tumakbo palayo," saad ni Atos.

"Muntik na niyang masaktan ng husto si Franco, yung kasama ng anak ni Rodolfo. Ayun, nagpapahinga na dahil si Lyka na nga ang gumamot sa kanya," paliwanag naman ni Sato.

Naguluhan si Yana sa pinagsasabi ng kambal. "Teka, nandyan sina Franco at Lyka? At si Ciro? Nasaan na? Si... si Bryl? Nasaan?" sunud-sunod pang tanong ni Yana.

"Magkakasama silang lahat para hanapin si Ciro, Yana. Hindi pa namin alam kung ano ang sunod naming gagawin. Dahil ayaw naman naming iwan ang dalawang iyon na nasa loob," saad ni Atos na napakamot pa sa kanyang ulo.

"Ano ba ginagawa nila?" tanong ni Yana.

Dalawang kamay ang inangat ni Sato na para bang may sinisenyas.

Napatango na lang si Yana at ngumiti ng maliit.

"Ano'ng gagawin natin ngayon? tanong ni Atos at napaupo na lang sa kanyang kinatatayuan. "Teka lang. Nasaan yung babaeng binabantayan mo?" pagtataka ni Atos.

Nanlaki ang mga mata ni Yana. Nawala sa isip niya si Yuki na pinababantay sa kanya ng matandang mortal.

"Pagbalik ko kasi kanina dun sa bahay nila, wala na siya. Lumabas lang ako sandali dahil may nakita akong isang lalaki na papalapit samin. Ayoko namang makita niya ako kaya lumabas at nagtago muna ako. Pagbalik ko, wala na siya," paliwanag ni Yana.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon