-22-
Ciro
"Ama! Ina! Huwag!!" kitang-kita ko kung paano sugurin nina Ama at Ina ang mga Vampires at Wolves.
Sinubukan ko silang pigilan pero hindi sila nag paawat. Tinuloy pa rin nila ang pag-atake.
Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tila nanghihina ako tuwing makikita ko sila Ama at Ina na nasasaktan. Wala akong magawa, nanginginig lang ako sa takot. Alam kong kaya ko, pero wala akong lakas ngayon. Bakit?
Mga dugong nagtatalsikan, mga butong nagbabalian, at bawat kagat ay may katawang bumabagsak.
Natulala ako ng mawalan na ng buhay ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Hindi! Kailangan kong kumilos!
Ngunit huli na ang lahat. Naramdaman kong may masakit banda sa puso ko. Umaagos ang dugo, at tanging isang braso ang nahawakan ko.
"Kailangan mong mamatay . . . Vamolf!"
"Hindi !!!" nasigaw ko na lamang.
Yuki
Ilang araw na ba ang lumipas? bakit ang tagal ko atang nahimbing? Argh!
Nakapagtataka naman na nandito lang ako sa aking silid. Ang gulo na ng isip ko, parang kailan lang may nakita akong malaking hayop na nakatitig sa akin ng matalim.
Sarap guluhin ng buhok ko, Haay!
"Hindi!!!"
Sandali! si Ciro yun. Ano na naman kaya nangyari sa kanya?
Dali-dali akong lumabas at nagtungo sa sala. Nakapagtataka lang at sa sahig lang siya natulog. Hindi kaya nalaglag siya mula sa sofa? Haha!
"Ciro! Ciro! gumising ka! nananaginip ka!" sinubukan ko siyang gisingin ngunit hindi pa rin siya natigil sa pagsigaw.
"Ama! Ina! Humanda kayo mga hangal!"
Ama? Ina? mukhang masama ito, pag hindi siya nagising . . baka . . baka. Naku hindi ito maaari.