Ciro
Hindi ako mapakali. Tila paparating na ang kinakatakutan ni Tanda at ni Ama. Mukhang may madugong labanan ang nangyayari sa mundo namin. Si Lyka, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Sana hindi siya mapahamak.
"Ciro, anak, humanda ka." bungad ni Ama na bigla na lang lumitaw sa tabi ko.
"Pero Ama, sapat na ba ang lakas ko para labanan sila?" tanong ko. Gusto kong malaman kung kaya ko na ba. Dahil alam kong kahit si Ama ay tinalo ng mga nilalang na iyon.
"Ciro, magtiwala ka lang. Hindi ka nag-iisa. Nandito ako, sila." sagot ni Ama na ikinagulat ko. Sinong sila?
Biglang umungol si Ama na tila may tinatawag. "Awooo!!"
Maya-maya pa ay may narinig na akong na tila may tumatakbo. Isa, hindi! Dalawa, Tatlo, Anim na lobo ang humarap sa akin.
"Ama, sino sila?" tanong ko. Nagulat talaga ako dahil hindi ko akalain na hindi lang pala si Ama ang nakapunta sa mundong ito.
"Sila ang mga nakasama ko nung panahon na hinahanap kita Ciro. Hindi ko nga akalain na may nabubuhay na kalahi natin dito sa mundong ito." nakangiting sagot ni Ama.
Ibig sabihin nito, marami pa sila. Marami pa silang naninirahan dito. Paano?
"Sato, at ang kakambal kong si Atos. Kinagagalak ka naming makilala, Ciro."
"Argos at ang anak kong si Venice. Kinagagalak ka naming makilala Ciro."
"Ako nga pala si Yana. Kinagagalak kitang makilala Ciro."
"Bryl."
Tss. Hindi ko gusto ang kilos nang isang 'to.
Mukhang matagal na nga sila sa mundo ng mga mortal. Nagagawa pa kaya nila ang nagagawa ni Ama. Siguro naman, dahil hindi naman sila sasama kay Ama kung hindi. Tss!
"Ramdam namin ang mga kakaibang nangyayari sa mundo natin. Isang digmaan ang nagaganap." sabi ni Argos. Matanda na rin ito. Pero malakas pa kung titignan dahil sa matikas na katawan.
"Anumang oras ay maaari silang makapasok dito. Kaya naisipan namin na magsama-sama para labanan ang grupo nila Thana." sabi ni Sato.
"Kinagagalak ko kayong makilala. Salamat sa tulong niyo." nasabi ko na lang. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.
"Anak, sila din ang tutulong sayo para mailabas mo ang pagiging lobo." tugon ni Ama. Hindi ko pa nagagamit ng lubos ang pagiging bampira ko, gusto agad ni Ama na ilabas ang pagiging lobo ko. Tss.
"Hindi pa naman sa ngayon Ciro, naamoy ko na may halo ang dugo mo ng pagiging bampira. Mahihirapan ka kapag pinagsabay mo ang bagay na iyon." paliwanag ni Argos.
"Tss. Isang bampira? hahaha! nakakatawa dahil may isang bampira pala sa lahi natin." pang-aasar nung Bryl.
Tss. May gana pang tumawa ang isang nito. Sa tingin ko ay puro yabang lang naman ito.
"Tumigil ka na Bryl! mas makabubuti sa atin na nandito si Ciro. Dahil kapag napalakas niya ang pagiging bampira, malamang ay matalo ka pa niya." pang-aasar naman ni Atos.
"Manahimik ka!" suway niya. Tss. Wala din pala.
Masaya ako dahil hindi lang kami nila Ama ang nandito. Marahil ay marami pa sila. Pero may posibilidad na sila'y kalaban o kakampi. Kaya mahirap na kapag nagpadalos-dalos.
"Narito na pala kayo!" si Tanda. Alam niya siguro ito. "Ramdam ko ang nangyayari sa mundo niyo. Isang digmaan ang nagaganap. Ang hiling ko lang huwag n'yong pababayaan ang mga mortal." paalala ni Tanda.
Tama! hindi sila dapat madamay at iyon ang gagawin ko.
---
"Raul!! ano na ang gagawin niyo? Handa na ba kayong mamatay?" pang-asar na tanong ni Adolfo.
"Mamatay na kung mamatay Adolfo. Handa na kami sa bagay na yan! Awoo!"
matigas na tugon ni Raul.
Kanya-kanyang atake ang ginawa ng mga lobong kasama ni Raul. Nagsimula na ang kanilang laban. Kaninong lahi kaya ang mananaig?
Habang ang lahat ay nakikipaglaban. Ilang batang lobo ang nakapasok sa kinaroroonan nila Franco at Lyka. Dali-dali nilang inatake ang mga bantay. Sa bilis nila, hindi na nagawang lumaban ng mga bantay.
"Salamat sa inyo. Si Ama? nasaan si Ama?" Tanong ni Franco na tila nag-aalala.
"Nasa baba sila, nakikipaglaban!" sagot ng isang batang lobo.
"Sige, bumalik na kayo!" utos ni Franco.
Hindi pa man nakakalayo ang batang lobo, ilan sa kanila ay bigla na lamang tumumba at nawalan ng buhay.
"Hindi!!" sigaw ni Franco. Agad nagbago ang kanyang anyo sa galit na naramdaman. "Humanda kayo!!" mabilis niyang sinugod ang mga bampira na pumatay sa mga batang lobo.
Marami pang bampira ang lumabas para harangan sila Franco.
"Arrrgh!" nagbago na rin ng anyo si Lyka at agad na umatake sa mga bampirang nasa harap niya.
"Raul! huli na ang lahat! Kami ang nagtagumpay!" pagyayabang ni Adolfo.
Napatigil si Raul sa kanyang pag-atake. Naisip niya na baka bukas na ang pintong lagusan.
"Nasaan si Thana? Nasaan!?" galit na tanong ni Raul.
"Tss. Nakikita mo ba siya dito? Hangal ka Raul!" pang-alipusta pa ni Adolfo.
"Aarrgh! hindi maaari ito! Awooo!" sa galit ni Raul. Umungol ito ng malakas senyales na umatras na lamang sila.
"Hahaha! Paalam na sa inyo Raul!" umatras si Adolfo at tila lilipad palayo. Ganun din ang ginawa ng iba pang bampira.
"Anong nangyayari Raul?" pagtataka ni Rufino.
"Si Thana, nabuksan na niya ang pintong lagusan! Hindi!" sagot ni Raul na may halong galit.
"Ama!!" sigaw ni Franco. "Sundan natin sila! huwag tayong sumuko Ama!" dagdag pa ni Franco.
Tinignan siya ng kanyang Ama. Tumango at saka muling nagbigay ng senyales.
Ang lahat ng mga lobo na nasa loob ay nagsilabasan agad. Ngunit, isang nakakalungkot na pangyayari ang tumambad sa kanila.
"Pinuno, si Tristan. . ." bakas ang lungkot sa mukha ng mga lobong nakipaglaban sa labas templo.
Ang batang pinuno nila ay pumanaw.
"Awooo!" lahat sila ay nagbigay ng paggalang sa kanilang kalahi. Ang ungol na pakikiramay ang nagpaingay sa buong paligid.
"Magbabayad sila!" sambit ni Raul. Matalim ang tingin sa malayo. "Patawarin mo kami Tristan."
"Mga kasama! Ipaghihiganti natin ang pagkamatay ng isa nating magiting na kalahi. Kaya tayo na!" sigaw pa ni Raul.
"Lyka, ikaw na mag-uwi ng labi ni Tristan." utos ni Franco. "Mapanganib kapag sumama ka pa!" pag-alala pa nito.
"Sige, mag-iingat kayo!" pagsang-ayon ni Lyka.
Agad itong tumakbo dala ang labi ni Tristan kasama ang iba pa.
"Tara na Ama!"
Agad ding tumakbo sina Raul at ang mga kasama nito para pigilan ang pagpasok nila Thana sa mundo ng mga mortal.