Ciro
Agad akong nagpunta sa kanyang silid dala ang isang plato na may lamang kanin at ulam na niluto ni Yana. Ipinatong ko ito sa isang mesa malapit sa kanyang kama. Muli na namang tinamaan ng tingin ang litratong nakapatong sa kanyang aparador.
"Sino kaya ang tunay mong magulang?" natanong ko na lang sa sarili ko nang mapagmasdan ko muli ang mga mukha sa litrato. Pare-parehas silang nakangiti. Ang ganda talaga nilang pagmasdan. Tss.
Ibinalik ko na ang litrato at inayos ang pagkakatayo nito. Malamang ay gigising na rin siya maya-maya. Mahirap na, baka madaldalan na naman niya ako.
Palabas na sana ako nang bigla kong marinig ang boses niya.
"Napaka-swerto mo, Ciro." saad niya. Tila may lungkot. Ano naman kaya ang problema niya? Tss.
"Kumain ka na muna, baka nagugutom ka lang." nasabi ko na lang nang hindi humaharap sa kanya. Ayoko lang makitang... Haay.
"Nandiyan silang lahat para sayo. Hindi man kayo kumpleto, nagsasama-sama naman kayo ng masaya. Samantalang ako, Wala! Wala kahit isa man lang na tunay kong kamag-anak ang nakakasama ko. Nakakalungkot." saad n'yang muli. Pakiramdam ko, umiiyak na siya. Pero ayoko pa rin siyang tignan. Ayokong makita siyang umiiyak.
Ilang hakbang na lang sana ay nasa labas na ako ng kanyang silid.
"Sandali! Ciro? may ipapakausap sana ako sa'yo." pinigilan niya na ako sa pagkakataong 'yon para lang sa isa niyang pabor. Tss.
Nakakita ako ng isang tela na nakakalat sa sahig. Pinulot ko muna 'yon at hindi na ako nag-abalang alamin pa kung ano ang hawak ko.
Dahan-dahan akong umikot. Nakayuko, nakatingin sa kamay kong may hawak na isang tela. Ayoko pa rin siya tignan kahit na malapit na ako sa kanya.
"Ano 'yon?" tanong ko. Pagbibigyan ko na para matigil na 'to.
Inayos na muna niya ang kanyang sa sarili sa pagkaka-upo. At... sinasadya ba n'yang ipakita ang hita niya? Tss.
Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas na tanaw na tanaw ang mga puno. Ang tagal niyang mag-salita ah.
"Gusto ko sanang..." putol niya. Napahawak na lang ako sa batok ko. Babatukan ko na sana. Nakakangawit eh. Tss.
"Gusto ko sanang tulungan mo akong hanapin ang mga tunay kong magulang, Ciro," nasabi rin niya sa wakas. Agad kong binitawan ang telang hawak ko at itinapon ko sa kanya.
"Magpunas ka muna bago kumain. Mamaya, pag labas mo. Ipapakilala kita sa kanila." pagtapos kong sabihin 'yon ay agad na akong lumabas mula sa kanyang silid.
Napaisip ako sa gusto niyang mangyari. Paano ko siya matutulungan? May isang bagay din kaming dapat gawin. Bahala na.
Yuki
Nabunutan ata ko ng tinik. Sa wakas, nasabi ko rin sa kanya ang gustong sabihin. Matagal ko nang gustong makita ang mga magulang ko. Wala lang akong kakayahan para gawin 'yon. Isa pa, ang laging sinasabi ni Amain ay wala na sila. Kaya nawawalan din ako ng pag-asa o dahilan para hanapin pa sila.
Pero dumating 'yung araw na hindi ako naniniwalang wala na sila. Dahil nararamdaman kong buhay sila at minsan pa nga'y nasa panaginip ko sila.
Mabuti na lang at pumayag din ang lalaking 'yon. Alam kong matutulungan niya ako. At sana tuparin niya 'yon.
Napansin ko lang na hindi man lang niya ako tinignan. Ano naman kaya ang iniiwasan niya sa'kin? Hindi ko talaga siya maintindihan. Kainis!
Dinalhan pa pala niya ako nang makakain ko. Minsan talaga may ugali siyang gusto ko e. Pero karamihan, hindi. Hehe. Napapangiti tuloy ako.