Chapter Forty-One

2.7K 56 0
                                    

"W-wala ito at matagal na rin naman ito. Huwag niyo na lamang pansinin," kinakabahang sagot ng matandang mortal at agad niyang inayos ang benda sa kanyang dalawang paa.

"Pero ho, pamilyar sa'kin ang ganyang balat. Heto..." saad ni Rodolfo at inangat ang kanyang damit. May balat din siya sa dibdib na katulad ng balat ng matandang mortal.

"S-sandali... saan naman nanggaling 'yan, Rodolfo?" tanong ni Argos.

"Si Raul ang may gawa nito sa'kin," sagot ni Rodolfo sabay ayos ng kanyang damit.

Muling tumayo ang matandang mortal at inayos ang sarili. "Tama ka, si Raul ang may gawa nito. Siguro nga... dapat mong malaman na kayo ni Raul ay iisa lang ang pinaglalaban," seryosong saad ng matandang mortal.

"A-ano ibig mong sabihin, tanda? P-paano niya 'yan nagawa sa'yo? Kailan at saan?" sunud-sunod na tanong ni Rodolfo.

"May anak si Raul dito, Rodolfo. Isang mortal at hindi ko pa alam kung ang pagiging bampira o lobo ang dumadaloy sa kanyang dugo. Dahil isang mortal ang minahal ni Raul," paliwanag ng matandang mortal na deretso ang tingin kay Rodolfo.

Nabigla sina Bryl at Argos sa kanilang narinig ganoon din ang naramdaman ni Rodolfo.

"Paano nangyari 'yon?" tanong muli ni Rodolfo na hindi pa rin makapaniwala sa kanyang narinig.

"Matagal na panahon na ang lumipas at ito'y bago pa magsimula ang pagmamahalan niyo ni Maia, Rodolfo." sagot ng matandang mortal.

"Ibig sabihin... lumabag din si Raul sa batas ng aming lahi?"

"Ganoon na nga, Rodolfo. Noon pa ma'y marami ng lumabag sa batas na hindi maaaring magmahal ang inyong lahi sa ibang lahi. Pero dahil mahal na mahal ni Raul ang babaeng 'yon, nagawa niyang balewalain ito at sa isang mortal pa nga. Nagsimula ito noong may isang babaeng mortal ang lumapit sa pintong lagusan at 'di sinasadyang nabuksan ito," salaysay ng matandang mortal at muling umupo dahil sumakit muli ang kanyang sugat.

Napaupo si Rodolfo sa ilalim ng isang puno. Samantalang si Argos at Bryl ay nagmasid-masid na lamang.

"Hindi... hindi totoo yang sinasabi mo, tanda. Paanong nagkagusto ang isang mortal sa isang taong lobo?" pagtataka ni Rodolfo.

"Walang imposible sa pagmamahalan, Rodolfo. Kapag ang dalawang puso ay parehas ang tibok, may pag-ibig na mamumuo. Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa. Nagmahalan sila at tinanggap nila ang isa't isa. Ngunit may hadlang, ang pinuno ng bampira," kwento ng matandang mortal at tinitigang mabuti si Rodolfo.

"S-sino? Si Thana?" paniniguro ni Rodolfo.

Napailing ang matandang mortal. "Hindi, Rodolfo.

Napatayo si Rodolfo. "Kung hindi si Thana, sino? SINO?"

Tumayo muli ang matandang mortal. "Ang ina ni Maia, Rodolfo. Si Lanaya."

Nanlaki ang mga mata ni Rodolfo sa kanyang narinig mula sa matandang mortal. Kasabay non ang isang sigaw sa di kalayuan ng kanilang kinaroroonan.

"Si Ciro!" saad ni Argos.

Agad na tumakbo si Bryl upang sundan ang boses ni Ciro. Sumunod na rin si Argos at ang matandang mortal. Naiwang nakatingin lang sa lupa si Rodolfo na hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nalaman tungkol sa pagkatao ni Raul at ng kanyang minamahal na si Maia.

"Hindi... imposible 'to. Pero sino ang mortal na minahal ni Raul? Alam kaya ito ni Maia? Tsss." saad ni Rodolfo at sinundan na lang ang kanyang mga kasama.

***

"Ano ang dapat kong malaman, Vincent?" tanong ni Yuki kay Vincent. Bakas sa kanyang mukha ang takot.

"May mga nabubuhay dito na kakaibang nilalang. Mga bampira at mga taong lobo, Yuki. Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito!"

Napaatras si Yuki at tila kinabahan sa sinabi ni Vincent.

"Ano bang sinasabi mo, Vincent? Nahihibang ka na ba?" galit na saad ni Yuki.

"Maniwala ka, Yuki! Totoo ang sinasabi ko! Halika, may ipapakita ako," agad na pumasok naman si Vincent sa isang silid na tila may gustong ipakita kay Yuki.

Hindi na nagdalawang-isip si Yuki na sundan si Vincent. Dahil sa loob-loob niya'y gusto rin niyang malaman kung totoo nga ang sinasabi ni Vincent.

"Ito, ito ang magpapatunay na totoo nga sila, Yuki. At nabubuhay sila sa mundo natin. Hindi ko alam kung paano sila napadpad dito. Pero may hinala ako na alam ito ni Tanda at ni... Ciro," saad ni Vincent na may hawak ng garapon na may lamang mahabang ngipin na nakakababad sa isang uri ng likido.

"I-imposible 'yan. Halos magkatulad lang sila ng kwintas na 'to," sabay labas ni Yuki ng kanyang kwintas.

"Maaaring ang iyong Ina ay nakapatay ng bampira, Yuki o maaaring isa siyang--" napatigil sa pagsasalita si Vincent nang magalit si Yuki.

"Hindi, Vincent! Huwag kang magsalit ng ganyan! Hindi totoo 'yang sinasabi mo! Aalis na ako! Iuwi mo na ako!" galit na saad ni Yuki. Agad siyang tumakbo palabas sa silid ni iyon.

Agad namang ibinaba ni Vincent ang garapon na hawak niya upang sundan si Yuki.

"Sandali! Huwag ka munang umalis! Mapanganib sa labas!" sigaw ni Vincent. Ngunit huli na ang lahat. Tuluyan ng nakalabas si Yuki at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Tulungan mo ko... Vincent," lumuluhang bungad ni Yuki kay Vincent na hawak ng isang bampira ang kanyang leeg.

"Yuki!" napasigaw na lang si Vincent.

"Hahaha. Ikaw na nga ang hinahanap namin, mortal. Kunin niyo na siya!" nakangiting saad ni Adolfo at agad ding naglaho kasama si Yuki.

Wala nang nagawa si Vincent dahil nakatulog ito sa usok na bigla na lang niyang nalanghap.

***

Ciro

Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Hindi ko alam kung nasa mundo pa ba ko ng mga mortal. Kakaiba na itong nararamdaman ko. Nasaan na ba ako?

Parang kanina lang ay tumatakbo ako ng walang humpay. Hanggang sa... sandali, tama. May isang nilalang ang nakaharap ko. Boses babae at panay ang pagtawa. Nasaan na siya? Bakit hindi ko na siya naririnig?

Patay na ba ako? Hindi. Imposible. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Mainit, masakit, mahapdi. Nasaan ba talaga ako?

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

"Kamusta na ang aking alaga?" isang boses ang aking narinig. Kaboses niya ang babaeng nakaharap ko.

"Mukhang wala pa hong malay, Lady Thana."

Thana? Thana? Thana? Hindi!

Pinilit ko nang minulat ang mga mata ko. Gusto kong makasiguro.

"Hahaha. Bantayan niyo siya ng mabuti at nalalapit na ang katapusan."

Shit! siya nga ang babaeng umatake sa'kin kanina sa gubat. Pero paano ako napadpad dito? Nakakainis! Bakit ko hinayaang mangyari ito? napakahina ko. tsss. Bakit?!

At ano ang katapusan na tinutukoy niya? Dapat akong makatakas dito. Arrrgh!

Nasaan na kayo, Ama?

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon