A/N: Salamat sa mga nagbabasa at nagvovote nito. Nasa gilid ang litrato ni Raul.
________
Hindi mahirap kay Lyka na mag-anyong lobo kahit wala pa siya sa tamang edad. Dahil pursigido talaga siya para magaya ang kanyang ama. Ginawa ni Rodolfo ang lahat ng pagpapahirap kay Lyka para maging ganap na isang lobo. Sa limang taon na yun ay talaga namang napakagaling na ni Lyka, ganun pa man ay hindi pa rin sapat ang mga kaalaman niya at lakas para lumaban sa mga mas malalakas pa sa kanya.
Ngayon ay nahaharap ang pamilya nila sa isang panganib na maaaring magpa watak-watak sa kanila. Kaya naman handang handa na si Lyka na lumaban kahit alam niyang hindi pa niya kaya.
"Magaling, isang pamilya ang handang lumaban. Hahaha!" natawa nalang si Thana sa kanyang nakita.
Umabante ng hakbang si Raul. "Mabuti pa Rodolfo, isuko mo na ang iyong asawa kay Thana. Para matapos na to." mungkahi ni Raul.
Pero hindi sumang-ayon si Rodolfo. "Hindi, hindi ko isusuko si Maia. Kahit magkapatayan pa tayo ngayon Raul." sabi ni Rodolfo na hawak hawak pa rin ang palakol kahit nasa likod pa niya si Thana.
"Kung ganun, yung mga bata nalang ang isuko niyo. Wala na akong magagawa dito, ayoko sana pang makipagtalo pero dahil matigas ang ulo mo. . ." sabi ni Raul at lumingon sa mga kasama niyang lobo para senyasan na sugurin na ang tirahan nila Rodolfo.
"Grrrr!!" sabay sabay na nag growl ang mga kasama ni Raul at bigla itong tumakbo sa kinaroroonan ni Vamolf at Lyka.
"Hindi!!!!!" sigaw ni Maia at sinunggaban niya ang isang lobo kaya napatalsik sila sa isang puno. Binalian agad ni Maia ng leeg yung wolf na sinunggaban niya saka kinagat. Napalingon ulit si Maia na duguan na ang bunganga at dali-daling binangga ang isa pang wolf na palapit sana kay Lyka.
"Maia!!!" sigaw ni Rodolfo nang makita niya si Maia na duguan na ang leeg dahil pinag dahil nakagat na ito ng isa pang wolf. Pinalakol niya ang hita ni Thana kaya napabitaw ito.
"Walanghiya ka!!!" nasambit nalang ni Thana at pinipilit tanggalin ang nakatarak na palakol sa hita niya.
"Humanda kayo sa ginawa niyo!!!" galit na galit na sigaw ni Rodolfo at nag anyong lobo na ito at mabilis na sinunggaban yung lobong kumagat kay Maia. Galit na galit si Rodolfo kaya halos maputol ang ulo ng lobo sa tindi nang pagkakalapa niya dito.
Pasugod na rin ang mga vampire na kasama ni Thana, ngunit hinarangan ito ni Lyka at nanlilisik pa ang mga mata nito sa sobrang galit. Pati mga balahibo niya nag sisitayuan.
