Chapter Thirteen

4.4K 83 1
                                    

-13-

Nagpunta si Raul sa kinaroroonan ng pinto para alamin kung totom nga ba ang sinabi ng kanyang anak na si Franco. 

"Hindi kaya may balak na namang sumalakay ang mga vampire sa mundo ng mga mortal? o baka hanggang ngayon nais pa rin ni Thana na makuha ang anak nila Rodolfo at Maia?"

Tanong ni Raul sa kanyang sarili habang tumatakbo ito kasama pa ang tatlong wolf.

Nang makarating sila Raul sa kinaroroonan ng pinto. Wala na silang naabutang mga vampire kaya nagtataka si Raul kung totoo ba talaga ang sinabi ng kanyang anak.

"Mukhang nahuli na ata tayo ng dating. Tara na bumalik na tayo!" nasabi na lang ni Raul sa kanyang mga kasama.

Nang tatalikod na sana si Raul. Nahagip ng kanyang mata ang isang papel, hindi pangkaraniwang papel ang nakita niya. Pinulot niya ito para alamin niya kung anong klaseng papel yun.

"San galing ang papel na ito? at anong ginagawa nito dito?" pagtataka ni Raul. May mga nakasulat pang kung anong letra na kulay pula. "Hindi kaya - " agad nalang binulsa ni Raul ang papel at tumakbo na palayo.

Samantala, sa mundo ng mga mortal naroon pa rin sa kinaroroonan ng pinto ang matandang mortal. Pinupulot niya ang mga papel na pinagtatangal ni Yuki.

"Haay! buti na lang at hindi niya ito naubos. Kung hindi - Tsk. Ang kamay talaga ng batang yun." nasabi nalang ng matandang mortal sa kanyang sarili at umiling-uling pa ito.

Nagtaka ulit ang matandang mortal dahil kulang ng isang papel. Isang papel na maaaring maglagay sa kanila ng panganib.

"Pero saan naman yun napunta? Haays! hindi ito maaari. Hindi dapat mawala yun. Tsk." labis ang pag-alala ng matandang mortal. "Isang tao lang ang makakatulong sakin. Kailangan ko siyang puntahan." dali-daling umalis ang matandang mortal para puntahan yung taong tinutukoy niya.

Nang makarating ang matandang mortal sa isang bahay na puro kandila lang ang nagbibigay liwanag sa loob. Parang isang bahay nang -

"Tao po! Manang Anastasia, nandyan ho ba kayo?" dahan-dahan nang umakyat ang matandang mortal at nagpalinga-linga pa ito.

"Pumasok ka!" sagot naman nang isang matandang babae mula sa loob.

Nang makapasok na ang matandang mortal ay agad nitong tinanong kung ano ang maaaring maging epekto ng pagkawala ng papel na nakadikit sa pinto.

Halos tatlumpung minuto din sila nag-usap.

Nang makalabas na ang matandang mortal ay tila mas lalo itong nag-alala. Nagusot pa niya yung papel na hawak niya.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon