-14-
Nagpunta si Raul sa templo ng mga vampire para kausapin ang kanilang pinuno na si Thana. Ngunit napagalaman nila na wala pala si Thana.
Nagtaka naman si Raul. "Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yun. Grrr." natanong nalang niya sa kanyang sarili.
Napagpasyahan nalang nila na bumalik nalang sa mga susunod na araw. Nang tumalikod si Raul at ang mga kasama nito, bigla naman silang hinarangan ng mga vampire.
"Sandali lang, tutal naman nandito na rin kayo. Maaari na namin kayong tapusin. Di ba mga kasama?" pagyayabang ng isang vampire.
"Hindi kami naparito para makipag-away sa inyo. Kaya tumabi kayo." sabi ni Raul at humakbang ng paabante. Ngunit may humarang sa dadaanan niya.
"Sandali lang, napaka walang galang mo naman. Nasa teritoryo ka namin tandaan mo lobo." asta naman ng isang vampire na humarang kay Raul.
Hindi natinag si Raul at humakbang pa ulit ito. Sa pagkakataong yun hinawakan na siya ng vampire na nakaharang sa kanya.
"Aba di ba sabi ko - " hindi na naituloy ng isang vampire ang kanyang gustong sabihin.
"Huwag mo kong hahawakan." galit na sabi ni Rault nagbago ito ng anyo. Kinagat niya ang vampire sa leeg at hinila nito hanggang sa maghiwalay ang ulo nito.
Galit lang ang makikita sa mukha ni Raul na nasa anyong lobo at kagat pa nito ang ulo ng isang vampire.
Napaatras naman ang ibang vampire dahil sa nasaksihan nila. May isa pa sanang gustong sumugod. Ngunit pinigilan lang ito ng kapwa niya vampire.
"Tama na! hindi natin siya kaya." sabi ng isang vampire.
Itinapon nalang ni Raul ang ulo na kagat niya at napunta yun sa harap ng ibang vampire. Naglakad na ulit si Raul palayo at dahan-dahang tumakbo.
Pinulot nalang ng isang vampire ang ulo ng kasama nila.
"May araw din ang mga wolf na yun. Tss."
Samantala, sina Thana at Adolfo ay walang kaalam-alam na may namatay na naman sa nila. Dahil kausap pa rin nila ang matatandang vampire.
"Kapag nadala na namin yung sinasabi niyong papel, maaari niyo kaming matulungan para buksan ang pinto o yung lagusan papunta sa mundo ng mga mortal?" paniniguro ni Thana.
"Maaari. Kaya magmadali na kayo at baka may sino pang makakita sa papel na yun." utos ng matandang babaeng vampire. Nais din nila na mabuksan ang lagusan dahil sa mga mortal sila kumukuha ng lakas at maaari silang bumata ulit.
"Masusunod po." pagsang-ayon naman ni Adolfo at nagpaalam na rin sila sa mga ito.
