-8-
Ciro
"Hi miss, pwede ka bang sumama samin?" nagpintig ang mga tenga ko nang marinig ko yun.
"Tara na, sandali lang naman tayo." pagpupumilit pa nung isa at talagang hinawakan pa niya ang kamay ni Yuki.
"Ayoko nga! Sino ba kayo? Bitawan niyo nga ko!!" lalakad lakad kasi ng gabi tapos ang suot maiksi pa kesa sa mga sermon niya sakin.
"Tara na, pakipot ka pa eh! Bakit ba ganyan kayong mga babae. Haay!" desperado na tong isa. Naghihintay lang ako ng tyempo makakatikim sakin tong mga to.
"Ayoko nga sabi e! umalis na kayo!!" pakiusap pa niya. Kawawang bata. "Hoy, Ciro tulungan mo naman ako." sakin naman nakikiusap. Tss!
Hinila ko nalang ang kamay niya at saka umalis. Pero nakakailang hakbang pa lang kami hinarangan na naman kami.
"Sandali, sino ka bang gago ka? Bakit ka nakikialam dito?" satsat pa nung isa. Dahil sa pagkairita ko sa kanila hinawi ko nalang ang isa.
"Umalis ka sa harap ko. May bibilhin pa kami." walang emosyong sabi ko sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay hawak na pala ang kamay ko.
"Tarantado ka ah!!" galit na galit na sabi nang lalaki. Napaka babang nilalang. Bakit pa sila nabubuhay sa mundong ito? Haay!
Tumingin ako na masama sa kanila. "Nakita ko niyo namang dadaan kami di ba? Kaya tumabi kayo!" at muli kaming humakbang. Nang biglang may tumama nang kung anong bagay sa pisngi ko. Shit!
Yuki
Ang tanga tanga ko! Nakalimutan ko magbihis kanina bago kami pumunta dito. Madami pa namang manyakis dito. Haay! ano ka ba Yuki? Tss!
Kasalanan ko to, kaya napa-away pa tuloy tong kapa . . si Ciro. May utang na loob pa ako sa kanya. Buti na lang ay marunong ito makipaglaban. Ganun pa man, may pasa pa rin siya pisngi niya. "Pasensya na kanina Ciro ah." nakakakot tuloy tumingin sa kanya.
"Ikaw! sa susunod huwag ka nalang magsuot ng pambaba. Tss!" sabi niya na ewan kung nang-aasar ba ito. Kalma ka lang Yuki, kasalanan mo rin naman eh. Hingang malalim.