Chapter Forty-Six

2.6K 67 13
                                        

Chapter Forty-Six

“Humanda kayo!’ sigaw ni Franco ng makita niyang nakapasok na ang kanyang ama at ang iba pang mga lobo sa mundo ng mga mortal.

Nanlaki ang mga mata ng mga bampira at sinubukang lumayo ngunit mabilis at nananabik na pumatay ang mga lobong matagal ng nakakulong sa kanilang tunay na mundo.

“Huwag niyo silang hayaang makalayo!” sigaw ni Mariano sa iba pa niyang mga kasama.

Sabay-sabay na umungol  ang mga lobo senyales na maaari na nilang gawin ang gusto nila sa kanilang mga kalaban. Samantalang si Raul ay nanatili sa pintong lagusan at agad na nilapitan ang kanyang anak.

“Franco? Mabuti ba ang lagay mo? Tila napalaban ka ng husto, anak,”  nakangiting saad ni Raul na tila namangha sa katapangan nito.

“Mabuti naman Ama, salamat at sa tamang oras natin ito nagawa,” nakangitng sagot naman ni Franco.

“Ano na ba ang nangyayari dito?” tanong ni Raul sa kanyang anak.

“Tila masyadong dumami ang lahi ng mga bampira , ama. Dahil wala silang sinasayang na oras para makapambiktima. Pero hindi lahat ay ganoon kalakas. Dahil ang iba ay hindi naman bihasa sa pakikipaglaban. Pero kinakailangang mamatay dahil maaaring kumalat pa sila o dumami.’ Sagot ni Franco.

“Ganoon ba? Kailangan ng wakasan ang panggugulo ni Thana sa mundong ito. Maraming mortal ang nadamay sa kahibangan ng babaeng ‘yon. At ayokong pati siya ay madamay niya.tss.” saad ni Raul na tila may inaalala.

“Ako na ang bahala kina Sato at Atos, sundan niyo na ang mga bampira para malaman natin kung saan sila nagtatago.”  Pagsingit ni Yana.

“Mabuti pa nga ama, tayo na!” pagsang-ayon ni Franco.

Agad namang umalis sina Raul, Franco at Lyka upang sundan ang kanilang mga kasama at pati na rin ang mga bampira. Naiwan si Yana upang gamutin sina Atos at Sato dahil sa mga sugat na natamo muli nila.

Habang ginagamot ni Yana sina Atos at Sato, nagulat siya ng biglang may naglabasan muling mga lobo mula sa pintong lagusan. Tuwang-tuwa ang mga ito at napansin niyang sa ibang direksyon ang tungo ng mga ‘yon. Kaya naman agad niyang sinita.

“Sandali! Saan ang tungo niyo? Hindi diyan ang daan!” sigaw ni Yana.

“Wala kaming pakialam at sino ka ba? Hindi ikaw ang pinuno!” sagot ng isang lobo.

“Hahaha! Pagkakataon na namin ito! Ang makatikim ng laman ng mga tao. Hahaha!” dagdag pa ng isang lobo at mabilis na tumakbo palayo kasama ang iba pa.

Napailing na lang si Yana. “Kailangan ko silang pigilan. Hindi maganda ‘to.”

“Mag...madali ka, habulin natin sila...” saad ni Atos na namimilipit sa sakit.

“Oo. Sandali na lang ito.” Sagot ni Yana.

 -----

“Naamoy ko na nakapasok ni si Raul at ang mga kasama niya. Tila nagtagumpay sina franco at ang iyong anak, Rodolfo.” Saad ni Argos.

“Magaling! Mukhang masaya ang laban na ‘to.” Saad ni Bryl na tila nananabik sa mangyayaring digmaan.

“Tss. Sana ay wala na sa akin yung nangyari noon. Pero sa t’wing naaalala ko ang aking asawa, hindi ko maiwasan ang hindi magalit kay Raul o kay pinuno. “

“Nakaraan na iyon, Rodolfo. Nandito siya, sila para tulungan tayo. Upang mailigtas din ang iyong anak. Marahil ito na ang bayad niya sa ginawa niya sa inyo noon.” Saad ni Argos.

Naalala muli ni Rodolfo ang nangyari noon. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang posibleng mangyari kung  magharap-harap muli sila ni Raul. Namatay ang kanyang asawa dahil sa mga lobo at sa mga tauhan ni Thana. Ilang buwan niya iyon pinagsisihan kung bakit iniwan niya mag-isa ang kanyang asawa habang nilalamon ng apoy.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon