Chapter Thirty-Three

3.5K 78 8
                                        

"Magsi-alis na kayo! Bilis!" tinaboy agad ni Argos ang mga lalaking nakaharap nila Lyka at Franco. Mabilis niyang tinulungan si Franco para makabangon.

Hindi matindi ang pinsalang natamo ni Franco. Mabuti na lamang at kaunting galos at sugat lang.

"Ama?" paniniguro ni Lyka. Bumilis pa ang tibok ng kanyang puso dahil alam n'yang totoo ang kanyang nakikita. "Ama!" agad niyang niyakap ang kanyang Ama. Maluha-luha man siya, nagagawa pa rin n'yang ngumiti.

"Anak...Lyka, salamat naman at ligtas ang pagpasok niyo sa mundong 'to. Akala ko hindi na tayo magkikita, akala ko habang buhay kang ipagdadamot ng pinuno natin." sabi ni Rodolfo sa kanyang Anak. Tuwang-tuwa rin ito dahil nayakap niya muli si Lyka.

"Rodolfo, mabuti pang umuwi na tayo. Marami pa ring tao ang nakatingin sa'tin at tila nagtataka pa rin. Tara na!" napansin naman ni Argos na pinagbubulungan na sila ng mga mortal.

Sumang-ayon naman si Rodolfo at tuluyan na nilang nilisan ang lugar. Inalalayan ni Argos si Franco upang makapaglakad ito ng maayos.

Ciro

Natapos ko rin ang pinapagawa nila. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako. Tss. Gusto ko nang magpahinga, matulog ng ilang araw. Ang sama pa nang pakiramdam ko. Parang may bigat na sa loob ko. Shit!

"Magaling Ciro! Nagawa mo! Hahaha!" si Atos. Hindi ko alam kung bakit natatawa siya.

"Hahaha! Pinabilib mo ako sa ginawa mo, Ciro." pati si Sato ay natatawa rin. Ano naman problema nila? Tatapusin ko na talaga ang magkapatid na 'to. Tss.

"Pwede na ba akong magpahinga? Pwede na ba akong matulog?" walang emosyong tanong ko sa kanila. Babagsak na talaga ang katawan ko anumang oras. Hindi maganda ang nararamdaman ko. Gusto kong...

"Hoy Ciro! Gumising ka!" boses na lang ni Sato ang naririnig ko. Hindi ko na siya maaninag. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko.

Naramdaman ko na tila lumulutang ako. Siguro, binubuhat ako ng magkapatid. Hanggang sa maramdaman ko na ang malambot na higaan. Shit! ang sarap sa pakiramdam. Gusto ka nang...

"Vamolf, mag-iingat ka!" sandali. Boses ni Ina 'yon.

Pinilit kong idilat ang aking mga mata. Pero... wala akong makita. Tanging kadiliman lang ang bumabalot sa paligid.

"Ciro, tulungan mo 'ko!" boses naman ni Yuki ang narinig ko. Pero hindi siya makita. Ano ba 'to?

"Hahahaha! Humanda ka!" isang boses ng babae naman ang narinig ko. Kakaiba ito. Ngayon ko lang narinig.

May hangin na dumampi sa buo kong katawan. Maya-maya ay nakaramdam ako ng sakit. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may dugo ang aking kamay matapos ko itong ilapat sa leeg ko. Hindi!

Patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa leeg ko. Napaluhod ako at tila nanghihina na rin ang katawan ko. Bakit? Si - sino ang may gawa nito?

"Hahaha! Isang mahinang nilalang!" muli ko na namang narinig ang boses ng babaeng 'yon. Sino ba siya? Tss.

"Vamolf..." si Ina. Pa...paano?

"Kuya..." pati si Lyka? Ano ba'ng nangyayari?

Tatayo sana ako para lapitan sila. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Bigla na lang sumirit ang dugo mula sa leeg nila Inay at Lyka hanggang sa bumagsak na ang kanilang katawan.

"Hindi!!!" napasigaw ako. Bakit ganito? Bakit sa ganitong paraan? "Aaaaah!"

"Anak..." si Ama.

"Ciro..." si Tanda.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon