Chapter Thirty-Seven

3K 60 0
                                    

Kinaumagahan...

Yuki

Naalala ko 'yung nangyari kanina, yung pagyakap ko kay Ciro ng biglaan. Kasi naman, na-touch talaga ako sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ko akalain na may ganong damdamin si Ciro. Haha. Okay seryoso na talaga. Natuwa talaga ako sa narinig ko kaya hindi ko na napigilan na hindi ipakita sa kanya kung gaano ako kasaya. Yung yakap na 'yon ang hindi ko makakalimutan.

Maaga na pala. Yung nangyari kagabi agad kasi ang pumasok sa isip ko. Parang isang panaginip na nagkatotoo. Huwag kang kiligin, Yuki.

Agad akong dumiretso sa banyo para makapaghilamos muna at makapaglinis ng katawan. Diretso ng kusina para makapaghanda na ng agahan at baka may mag-reklamo na naman. Kailangan ko ring bumawi sa kanya no! pero pansin ko lang, lagi naman akong bumabawi sa kanya eh. Siya lang talaga walang pakiramdam at baka... huwag na nga lang.

Nasaan nga pala mga tao dito? Haay! Saka ko lang napansin na wala akong kasama. Ano ba ito? Bakit iniwan nila akong mag-isa? Si Ciro, nasaan kaya siya? Parang kanina lang...

Tama! may pinag-uusapan sila kaninang madaling araw na may pupuntahan at may aayusin sila. Ano naman kaya ang bagay na iyon? Saan naman kaya sila pupunta?

Ang dami kong tanong ano po? tss.

Bahala sila 'pag may nangyaring masama sa'kin dito, sila naman ang magsisisi.

"Magandang umaga!"

Gusto atang lumabas ng puso ko dahil sa pagkakagulat ko. Nakakainis tong babaeng 'to.

"Ikaw pala, Yana. Akala ko kung sino na. Tinakot mo talaga ako. Hmmp," nakangusong saad ko dito. Buti na lang nakangiti siya, kasi unti-unting nawawala yung takot at kaba ko. Iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng 'to. Nakakatuwa siya na minsan ay nakakainis. Grrr.

"Patawad, Yuki. Hindi ko sinasadya. Masyado kasing malalim ang iniisip mo kanina at naramdaman ko na tila natatakot ka, kaya lumabas na ako," sagot niya. Teka nga, kanina pa pala siya nandito.

"Kanina ka pa nandito?" paniniguro ko.

"Ah...eh hindi naman. Kani-kanina lang. Hehe," sagot niyang nakangiwi. Pinapalibutan ako ng mga taong misteryoso. tss.

Parang lahat sila may tinatago. Lahat sila may sikreto at ako lang ang walang kaalam-alam sa mga nangyayari...kung meron man. Tama! kakausapin ko na lang si Ciro. Tutal naman eh nakakausap ko siya minsan ng maayos. Tama!

"Huy! Ano ba iniisip mo? Lagi ka na lang ganyan 'pag kasama kita. Hahaha. Nakakatuwa ka," saad ni Yana. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Natutuwa rin siya sa akin, hindi kaya may mangyari sa'ming dalawa?

Hindi! Naloloka na ako. Makapagluto na nga.

Ciro

Maaga akong umalis sa bahay para hanapin ang tirahan ni Vincent. Nakapagtataka lang talaga na bakit kailangan pa niyang tumira sa iba kung si Tanda naman ang isa sa nag-alaga sa kanya at may sarili pa siyang silid. Nakalimutan ko na yung araw na una ko s'yang nakita at nagpakilala. Parang wala na lahat 'yon e, iba na ang lalaking 'yon ngayon.

Unang beses ko 'tong ginawa, ang maglakad ng maglakad na napapalibutan ng mga mortal. Iba ang pakiramdam. Nakakairita na nakakainis. Sa t'wing pinagmamasdan nila ako, para bang may sinasabi sila tungkol sa'kin. Parang ang sama ng tingin nila sa'kin. Ganito ba talaga ang mga mortal? tss.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasan na hindi isipin ang nangyari kaninang madaling-araw. Yung pagyakap sa'kin ng babaeng 'yon at pag-uusap nila Ama at Tanda.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon