Chapter Eleven

4.9K 90 8
                                        

A/N: Maraming salamat sa mga silent readers. Hehe. Pasensya na sa matagal na UD. Pasukan na eh. Oh eto na!

_______

-11-

"Magaling, humanda kayo! sa oras na magbukas ang pinto. Papasok tayong lahat para hanapin si Vamolf!" tuwang tuwa si Thana nang makita niya ang pinto na lumiliwanag at onti-onting nagkakaroon ng siwang.

Samantalang si Adolfo ay nakatayo lang sa likod. May nararamdamang di maganda si Adolfo kaya hindi na ito lumapit sa pinto.

"Lady Thana, ang pinto . . mu . mukhang bumabalik sa pagkakasara!"

Hinawakan pa ng mga vampires ang pinto at pinipilit na binubuksan.

"Hindi!! AaaaRgh!!" nanggagalaiti na naman si Thana.

Pinipilit pa rin ng mga Vampires na pigilan ang pagkasara ng pinto. Halos magkasakitan na nga ang mga ito.

"Lady Thana! Hi-hindi na ito kayang pigilan!" reklamo ng isang vampire.

Tuluyan ng nagsara ulit ang pinto.

Galit na galit si Thana sa nangyari, akala niya makakatawid na sila sa mundo ng mga mortal. Pero nagkamali siya.

"Tss. Umuwi na tayo Lady Thana, baka makita tayo ng mga lobo dito." tama ang kutob ni Adolfo. "Hindi pa ito ang tamang panahon Lady Thana." sabi pa ni Adolfo.

Samantala, nakita naman ito nila Lyka at Franco. Nakita nila kung ano ang pinaggagawa ng mga vampires sa pinto.

"Ano naman ang ginagawa nang mga vampire na yun sa isang pinto? Ano sa tingin mo Lyka?" tanong ni Franco na nasa anyong lobo pa rin.

Nakasakay pa rin si Lyka kay Franco at tila may naaalala siya sa pintong yun.

"Parang nakita ko na ang pintong yan Franco, kaya lang hindi ko matandaan kung ano ang ginawa ko nung araw na iyon nang makita ko yan." sagot naman ni Lyka.

"Mabuti pang puntahan natin Lyka!" mungkahi ni Franco. Gusto niya lang makita kung anong klaseng pinto iyon.

"Huwag na Franco! baka makita lang nila tayo. Baka mamaya niyan may mga bantay yang pinto." pag di sang-ayon ni Lyka.

"Sandali lang naman e, tapos aalis na rin tayo agad. Ano?" pagpipilit ni Franco.

"Saka nalang Franco, kasi . . amh, nagugutom na ako eh. Hehe. Pwede bang kumain na tayo?" palusot ni Lyka kahit hindi naman talaga siya nagugutom. Ayaw lang talaga niyang mapahamak sila ni Franco.

"Hala! ganun b? Hindi mo naman sinasabi, tara maghanap na muna tayo ng makakain." pag-alala naman ni Franco at tuluyan nang nilisan ang lugar na iyon.

Habang papalayo na sila, napalingon ulit si Lyka kung saan naroroon ang pinto.

______

Ciro

Kung hindi ko pa hinila ang kamay nitong si Yuki hindi niya tatantanan yung pintong yun.

Ilang papel din ang tinanggal niya na nakadikit dun sa pinto. Pakialamerang babae talaga. Tss.

"Bakit mo ba ako hinila ha? Ilang papel na lang iyon oh." ayan na naman ang bunganga niya at lumulubo niyang pisngi.

"Tss. anong gagawin mo kung puro ahas ang lumabas sa pintong yun ha? tss." masagot kaya nito ang tanong ko? Asa pa!

"Pe . . pero gusto ko talagang malaman kung anong nasa likod ng pintong yun eh." sagot naman niya. Sabi ko na nga ba lihis na naman ang sagot niya. "Tsaka! bitawan mo nga yung kamay ko, nasasaktan ako eh." reklamo pa niya.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon