Chapter Thirty

3.3K 74 0
                                    

Ciro

Mabilis akong bumangon dahil sa kakaibang naramdaman at naamoy ko. SiLyka,.. mukhang narito na siya. Pero paano napunta kapatid ko rito? Tss.

Teka, bakit may nakakumot ako? kaya pala ang init din. 'Yung babae talagang 'yon. Alam naman niyang ayaw ko sa kumot dahil parang nasusunog ako sa sobrang init. Hindi talaga siya nagtatanda. Nasaan na ba 'yon?

Lumabas na ako ng silid at nakaamoy na naman ako ng masarap na amoy.

"Ciro! Halika na't kumain tayo." bungad ni Yuki. Nakangiti pa siya. Bakit kaya ang ganda ng umaga niya ngayon?

"Sige bilisan mo na. Maghain ka na." nakapikit kong utos nang umupo na ako. Tignan ko lang magdadaldal na naman siya o manenermon.

"Heto na! Tanan!" Tss. Ano kaya nakain ng babaeng 'to? bakit ganito nalang ang ikinikilos niya?

Tinikman ko na 'yung niluto niyang lugaw. Pasalamat lang talaga siya dahil naging paborito ko ang pagkain na 'to dahil sa kanya. Subukan ko kayang kutyain?

"Sandali, bakit ganito ang lasa!?" nagpanggap ako na kunwari hindi masarap ang luto niya. Ewan ko lang kung makakangiti pa 'to. Nakakailang kasi 'yung kinikilos niya. Tss.

"Huh? hindi ah. Tama naman ang timpla ah! di'ba lagi mo ka ngang nakakaubos ng tatlong mangkok pag ito ang niluluto ko? Niloloko mo lang ako e." saad niya. Dapat pala hindi ko na ginawa 'yon. Nagdaldal na tuloy. Aargh!

"Ayoko na! nakakawalang gana." tumayo ako agad at hindi na inubos ang lugaw na niluto niya. Baka mag-ingay na naman siya kung mananatili pa ako.

Yuki

Ano naman kaya nangyari sa lalaking 'yon? Inalisan at tinalikuran lang ako. Pati 'yung pagkain niya ng lugaw hindi na niya tinapos. Haay!

Gusto ko lang naman bumawi sa nagawa niya para sa'kin. 'Yung pagligtas niya sa'kin mula sa halimaw na 'yon. Tapos.,.'yung pagbantay niya sa'kin kagabi. Alam kong mas kailangan niya na makausap ang kanyang Ama, pero mas pinili pa niyang bantayan ako. Hindi ko alam kung paano ko ba ilalapit ang sarili ko sa kanya.

Pero hindi...hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para makabawi ako sa kanya. Siguro, meron lang siya. Hahaha! Teka, ano na ba 'tong naiisip ko. Makakain na nga muna.

Ciro

Nakangiti pa rin siya? Tss. At kinain pa niya 'yung natira kong lugaw. Teka nga, bakit ko ba siya pinagmamasdan?

"Ciro? ano'ng ginagawa mo rito?" nagulat ako nang biglang sumulpot si Ama. Kanina pa kaya siya nandito?

"Ah. Wala Ama, nagpapahangin lang." nasagot ko nalang. Alam na rin naman niya ang sagot eh. Tss.

"Hahaha! Binata ka Anak. Parang kailan lang. Pero..." alam ko na sasabihin niya kaya pinigilan ko na.

"Alam ko Ama, hindi ko makakalimutan 'yan. Teka Ama, naamoy niyo rin ba?" iniba ko na lamang ang usapan at lumakad palayo.

"Oo. Narito ang kapatid mo. Kaya kailangan natin silang hanapin." sagot ni Ama. Tama nga ang hinala ko. Teka...

"Sila?" ibig sabihin may kasama si Lyka? Sino?

"Hindi ko rin alam Ciro. Nagtataka lang ako kung bakit sila lang ang nagpunta rito?" napaupo si Ama sa isang putol na puno at napaisip sa nangyari.

Bigla ko ring naitanong sa sarili ko kung bakit sila nga lang ang nagpunta rito. May binabalak ba ang mga lobo na ilagay sa panganib ang kapatid ko? Marahil ay ganoon na nga. Dapat na nga kaming kumilos ni Ama.

"Ama..." magsasalita sana ako nang bigla niyang inangat ang isa n'yang kamay.

"Hayaan nalang muna natin Ciro. Tila alam ko na ang dahilan niya kung bakit sila lang ang pinapunta rito." saad ni Ama.

"Tama ang nasa isip mo, Rodolfo." sandali. Boses ni Argos. Ano kaya ang ginagawa nila rito? "Marahil ang nais ng pinuno ng mga lobo na umiwas sa malaking digmaan." dagdag pa niya.

Digmaan? Tss.

Tumayo na si Ama at lumapit sa'kin. "Mabuti pang mag-ensayo nalang muna tayo Ciro. Kaya sila naparito ay para turuan ka at para mailabas mo na rin ang pagiging lobo mo." nakangiting saad niya sa'kin.

"Okay! humanda ka na Ciro!" narinig ko ang kambal. Mukhang sila ang susubok sa'kin. Sige! ito na rin naman ang pinakahihintay ko.

---

"Ito na ba ang mundo ng mga mortal, Franco?" manghang-mangha si Lyka nang marating na nila ang mundo ng mga mortal.

Sa ibang lugar sila napadpad dahil na rin sa iba ang ginamit na paraan sa pagbukas sa pintong lagusan. Nasa isang parke sila at talaga namang maganda sa paningin nila ang kanilang nakikita.

"Ito na nga 'yon Lyka. Napakaganda pala na mundong 'to." kahit si Franco ay namangha rin sa ganda ng paligid.

Hindi na nila napapansin na pinagtitinginan na sila ng mga tao. Dahil ang kanilang suot ay kakaiba. Hindi bagay sa mundong pinuntahan nila. Kaya naman, lahat nang mga tao ay namangha rin sa kanila. Tingin ng mga tao sa kanila ay isa silang taga-aliw.

"Sandali! ano'ng liwanag 'yon?" nagulat naman si Franco sa liwanag na paulit-ulit niyang nakikita. Nagmula 'yon sa mga camera na gamit ng mga mortal.

"Umalis na tayo rito Franco!" napatakbo naman si Lyka dahil natatakot na rin siya nang biglang dumami ang mga mortal na nakapalibot sa kanila.

Hinabol naman siya agad ni Franco. "Kakaiba ang mundong 'to. Mukhang mahihirapan kami rito." nasabi nalang ni Franco sa kanyang sarili.

"Nagugutom ako Franco." dahil sa kakatakbo nila, nakaramdam nang gutom si Lyka.

"Aaaargh! kahit ako Lyka gutom na rin." saad ni Franco.

Maya-maya ay nakakita sila ng isang tindahan na maraming tao at tila kumakain ang mga ito.

"Doon Franco! naamoy ko na may pagkain doon!" agad na tumakbo si Lyka patungo sa tindahan na nakita nila.

Agad namang sumunod si Franco. Hindi na nila naisip ang posibleng mangyari kung sakaling pigilan sila ng mga mortal.

Samantala, sina Raul at ang iba pang mga lobo ay bumalik na sa kanilang pinagtataguan.

"Hintayin nalang natin ang kanilang pagbabalik." saad ni Raul at muli niyang itinabi ang papel o talisman na makakapagbukas sa pintong lagusan

"May tiwala ako sayo...Franco."

---

"Lady Thana, wala pa ba tayong gagawin para mahanap ang Anak nina Rodolfo at Maia?" tanong ni Adolfo na nakasandal sa dingding ng silid ni Thana.

"Mukhang nakalimutan ko na ata ang bagay na 'yan dahil sa natatamasa ko ngayong kaligayahan. Hahaha! Tama ka, mabuti pang ipahanap mo na siya o mas maganda siguro na ikaw na ang maghanap at dalhin mo siya sa'kin dito." utos ni Thana at muling humiga sa kanyang pulang kama na may dalawang mortal na lalaki.

"Masusunod po Lady Thana." agad namang naglaho si Adolfo.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon