Yuki
Habang kinakain ko 'yung lugaw na iniwan lang ni Ciro, bigla akong nakarinig ng mga boses. Marami eh kaya inalam ko kung saan 'yon nanggagaling.
Iniligpit ko muna ang kinainan ko at pagtapos kong mag-hugas ng kamay, tinungo ko na ang pintuan nang biglang may babaeng sumulpot sa pinto.
"Hi! Ummh... Ako nga pala si Yana." bungad nito na may magandang ngiti. Morena, kasing-tangkad ko at maganda rin tulad ko. Hehe.
"Ha-Hi! Ako si Yuki." nagpakilala naman ako agad kasi pakiramdam ko magkakasundo kami eh. At ang gaan agad ng loob ko sa kanya.
Pinaupo ko muna siya at pinaghanda ng lugaw para makakain. Hindi ako nakaramdam ng takot o kung ano man sa kanya kahit na hindi ko siya kilala. Inisip ko na lang na...Teka, baka si Ciro ang kailangan nito. Ano? Paano? Wala rin naman siya nakukuwento. Tss.
"Ang sarap mo naman magluto. Swerte ng mapapangasawa mo. Hehe!" saad niya at muli siyang ngumiti. Ang cute-cute lang niya pag nakangiti. Kasi naman may dimple siya. Ako? Wala. Hmmp!
"Naku, salamat naman at nagustuhan mo. Tapos, sasabihin niya hindi masarap. Tss." nasabi ko na lang. Nag-iinarte lang pala talaga 'yon si Ciro. Hay nako.
"Tama ka d'yan! 'di ko rin maintindihan ang lalaking 'yon. Kanina, ayaw niya. Tapos, gusto pala. Tss. Mga lalaki talaga ang hirap pakisamahan lalo na 'yung Ciro na 'yon."
Huh? Pa-paano niya nalaman na si Ciro ang tinutukoy ko? Ibig sabihin...Hala!
"Sandali Yuki, kaibigan ako ng Ama ni Ciro. Kami pala 'yung nag-asikaso sa kanyang Ama nung panahon na hinahanap palang niya ang kanyang Anak. Pasensya na hindi ko nasabi agad."
Aba! kilala pa niya ang Ama ng lalaking 'yon. Totoo nga. Haays!
"Talaga? Intindihin mo nalang 'yon. Bugnutin talaga 'yong si Ciro. Hehe! pero alam ko naman na mabait siya. Natutuwa ako at nagkakilala kayo. Sana...huwag mo s'yang pababayaan ah." hindi ko na alam kung ano ang mga sinasabi ko. Natutuwa ako na nalulungkot.
Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Ciro na parang nagagalit. Lalapit sana ako sa bintana para silipin kung ano ang nangyayari nang biglang nagsalita si Yana.
"Magtatanghalian na, gusto mo samahan kita mamalengke?"
Oo nga pala! Baka magreklamo na naman sila. Naku, tapos magtataray na naman 'yong si Ciro. Tss. Tumingin na lang ako sa malayo. Nag-aalala rin kasi ako sa kanya. Teka, nag-aalala? Hmmm...
Pumayag na rin ako at para makausap ko rin siya nang matagal. Para malaman ko kung ano ang nararamdaman niya para kay Ciro. Girl talk kumbaga. Hehe!
Ciro
Hindi pa ako nakakalagpas ng sampung balik pero pakiramdam ko susuko na ang katawan ko. Parang hindi ko na ata kaya. Ang dami na ring sugat ng mukha ko dahil sa mga sangang nakakalat sa gubat. Kahit ang kamay ko ay puro sugat na rin. Tss.
"L.imang balik palang ang nagagawa mo, Ciro. Susuko ka na ba agad?" narinig kong sabi ni Atos. Tss. Wala naman akong sinabi na susuko na ako. Tapusin ko kaya buhay nito?
"Hayaan mo lang siya Atos!" suway ni Sato. Nasa kabilang puno naman siya. Ibig sabihin...sinusundan nila ako.
Napailing nalang ako. Kailangan ko na 'tong matapos agad. Mas mahirap naman kasi ang ginagawa nila. Sa mga puno sila dumadaan. Mukhang 'yon ang gusto kong pag-aralan sa susunod 'pag nagawa ko na 'to ng tama. Tama!
Para 'to kina Ama, Ina at Lyka. Narito ako para magpalakas at para makapag-higanti sa mga nilalang na 'yon. Narito ako para iligtas ang mga mortal, si Tanda at ang maingay na babaeng 'yon.
Tumingin ako sa malayo at pinorma ko na ulit ang sarili ko para tumakbo. Kaya ko 'to!
---
Hawak ng dalawang lalaki si Franco sa magkabilang kamay nito. Habang ang isa naman ay panay ang sipa sa kanya.
"Franco!" alalang-alala naman si Lyka sa kanya. Hawak naman siya ng dalawang lalaki.
Napigilan niya kasi si Franco nang mapansin n'yang lumalabas ang mga pangil nito at maging ang mga balahibo nito. Hinawakan niya ang kamay ni Franco at sinenyasan niya na h'wag ipakita ang tunay na anyo.
Kaya naman masyadong nabugbog si Franco at ngayo'y tila hindi na makalaban.
"Ano? Nasaan ang tapang mo bata? Hahaha. Puro yabang ka lang pala eh. Pwe!" pagyayabang ng lalaking sumipa sa kanya.
"Boss! Tara na, iuwi na natin ang babaeng 'to!" sigaw ng isa.
Sinipa muli ng lalaki sa sikmura si Franco at tinalikuran niya na ito para lisanin na ang lugar. Inayos-ayos pa niya ang kanyang damit at saka lumapit kay Lyka.
"Walang silbi ang syota mo. Hindi ka man lang napagtanggol. Kaya sa'kin ka na." bulong ng lalaki kay Lyka at saka ito ngumiti nang nakakaloko.
"Sandali!"
Isang maskuladong boses ang bigla nilang narinig. Ang mga mortal naman ay tila nagulat sa kanilang nakita. Napaatras pa ang mga ito dahil alam nilang magkakagulo muli.
"Hindi ka pa ba susuko bata? Gusto mo pa talagang..." paglingon ng lalaking tinatawag na 'Boss', bumungad sa kanya ang isang 'di kilalang lalaki. Masama ang tingin nito sa kanya. "Sino ka naman?"
"Bitawan niyo ang babae. Kapag pinaghintay niyo pa ako siguradong hindi na kayo makakalad nang maayos mamaya." matapang na saad ng maskuladong lalaki.
"Aba talagang ginalit mo pa ako ah!" biglang itong sumuntok ngunit sinalo lang ang kanyang kamao ng palad ng lalaking kaharap niya. Inikot pa nito ang kanyang buong braso hanggang sa makaramdam na siya nang pananakit. "Ah! Ah! Aray! Sandali! Tama na!"
"Sinabi ko naman di ba na sundin mo nalang ang iniiutos ko? Tss."
"Boss!" agad na sumugod ang iba pa sa lalaking maskulado. Ngunit wala rin silang nagawa. Nakita nalang nila ang isa't isa na iniinda ang sakit dahil sa mga baling natamo.
Nanlaki naman ang mga mata ni Lyka dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. "Ama? ikaw ba 'yan?" paniniguro pa niya.
"Rodolfo! Ano ka ba? Akala ko hahayaan mo lang sila? Hahaha." natatawang sabi ni Argos.
At dahil sa pangalan na narinig ni Lyka. Hindi nga siya nagkamali. Si Rodolfo ang nasa harap niya-ang kanyang Ama.
Samantala, muling nagulat ang lalaking nagtatago sa likod ng puno. "Rodolfo? Rodolfo? Tama! siya 'yung ama ni Ciro. Pero ano'ng ginagawa niya dito?" Hindi kaya... Shit!
---
"Mamayang gabi, libutin niyo ang buong lugar dito at hanapin ang anak ni Maia at Rodolfo! Alam niyo naman na may lahing bampira ang anak nila. H'wag niyong papatayin nang tuluyan kapag nalaman n'yong ibang dugo na ang nakukuha niyo! Maliwanag?" saad ni Adolfo. Sisimulan na nila ang paghahanap kay Vamolf.
Malaking problema ito dahil hindi mas dadami ang mga mortal na mamamatay hanggat hindi nila nakikita ang kanilang hinahanap. Kailangan nang magdali ni Ciro at kailangan nang kumilos nila Rodolfo pati ang iba pa para mapigilan ang unti-unting pagkilos ni Thana.
Sa kabilang mundo naman ay abala sa muli nilang pagbangon. Unti-unti silang gumagawa ng mga sandata na maaari nilang gamitin balang-araw.
"Pinuno! Kanina pa kayo nandito. Magpahinga muna kayo." alalang turan ni Rufino kay Raul na nakaupo lang sa harap ng pintong lagusan.
"Ayos lang ako rito, Rufino. Hanggat hindi bumabalik ang anak ko...
...Mananaliti ako dito"