Chapter Forty

2.8K 62 3
                                    

Ciro

Hindi ko alam kung ako pa ba itong sarili ko. Parang may ibang katauhan ang nagpapagalaw sa'kin. Hindi ko naman naramdaman to noong unang beses akong nag-anyong bampira. Walang ganitong mabigat na pakiramdam na parang gusto kong atakihin lahat ng nasa harap ko. Epekto ba ito nang nakita ko kanina? Epekto ba ito ng pakiramdam na parang ayaw sayo ng lahat ng tao? Tss.

"Huwag ka ng mag-alinlangan, Vamolf. Patayin mo sila! Hindi ka nila tinatanggap kaya dapat mo silang tapusin!"

Nagsalita na naman siya. Aaaargh! Hindi ko gusto ang bagay na 'to. Ginagalit talaga ako ng katauhan na 'to.

Sandali... H-huwag!

Pagdilat ko, nakita kong duguan na si Franco na inaalalayan ng kapatid kong si Lyka. Hindi ko alam kung ano'ng nagawa ko... bakit ganon na lang kasama ang tingin ng kapatid ko?

"Anong ginawa mo, kuya?! Hindi mo dapat 'to ginawa! Kakampi mo kami! Kuya! Gumising ka!!" rinig kong sigaw mula kay Lyka.

Pakiramdam ko ang sama-sama ko. Ang laking kasalanan ang nagawa ko. Tss. Gumising ka Ciro! Gumising ka!

"Anak! Ano'ng nanyayari sa'yo? Bakit ka nagkakaganyan? Hindi ko akalain na magpapatalo ka sa kanya. Gumising ka anak, gumising ka, Ciro!" saad ni Ama. Pero hindi man lang ako makapagsalita.

Para wala nang mangyaring 'di maganda, lalayo na muna ako para kilalanin ang sarili ko. Ayoko na 'tong maulit pa at ayoko na balang araw, masaktan ko sila.

Alam kong mali 'tong ginagawa ko... pero ano ba ang dapat? Ano ba ang mas makakabuti sa akin, sa amin, sa mga mortal na posibleng magbuwis ng buhay? Kailangan ba talaga mangyari ito?

Walang silbi rin ang ilang taon na pananatili ko dito kung tatakbo lang ako. Pero natatakot ako... natatakot na baka dahil lang sa'kin eh maubos ang lahi ng mga mortal. Hindi ko alam kung ano pa ang makakaya ko kapag nailabas ko ang tunay na lakas ko. Kaya mas mabuti nang umiwas ako.

Nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo. Hindi ko alam kung saang lugar na ako. Pero mas mabuti na itong malayo sa mga mortal at malayo kina Ama. Lalo na sa kapatid ko. Patawad, Lyka.

Aaaaaah!!

***

Bakas sa mukha ni Rodolfo ang pagaalala niya sa kanyang anak. Hindi niya akalain na hahantong ito sa 'di magandang senyales. Senyales na maaaring mag-iba na ang pananaw ng kanyang anak.

"Ama! Si Franco!" labis na pag-alala ni Lyka kay Franco dahil malubha ang lagay nito.

"Si Yana? Dalhin mo siya kay Yana para magamot. Sige na, ako na ang bahala sa kapatid mo," saad ni Rodolfo.

Mabuti na lamang at nakarating ang kambal sa kinaroroonan nila para buhatin si Franco.

"Huli na ata kami, pasensya na ho," sambit ni Sato habang inaalalayan si Franco.

"Kami na ho bahala dito. Dadalhin na lang namin ito sa tahanan niyo, Tanda," saad ni Atos.

Tumango ang matandang mortal. "Sige na, maaaring naroon pa sina Yana, Yuki at Vincent."

Agad namang tumakbo palayo sina Atos at Sato na pasan si Franco. Samantalang si Lyka ay nagpaiwan na lamang.

"Tara na Ama, sasama ako sa inyo," matapang na saad ni Lyka. "Kailangan ako ng kapatid ko, kailangan niya ng tulong natin, Ama. Anumang oras ay muli na namang sasalakay ang mga kampon ni Thana. Mahihirapan tayo kung maaabutan nila tayo dito."

Nagkatitigan na lang sina Rodolfo at ang matandang mortal. Nag-uusap ang kanilang mata na nagpapahiwatig na sang-ayon sila sa nais ni Lyka.

"Pero paano si Franco?" pagaalala ni Rodolfo. Hindi niya akalain na mas uunahin pa ni Lyka ang makita ang kapatid niya kaysa tulungan si Franco.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon