-18-
Ciro
Sa dami nang ipapagawa sakin ni Ama. Yung pagpatay pa sa mga ahas sa gubat ang inutos sakin. Porket daw nakapatay na ako noon ng isa. Tss.
Hindi ko din alam kung bakit napakarami ng ahas sa gubat na iyon. Bigla silang dumami simula nung maghasik ng lagim yung nilalang na yun.
"Sige na Ciro, umuwi ka na. Ako na ang bahala dito. Pasensya na kung naistorbo ko yung pag-eensayo mo." utos ni Ama.
Uuwi ako ngayon na duguan, katawan, kamay, paa ay puro dugo. Nakakatawa mang isipin, pero malamang matatakot ko si Yuki nito. Tignan natin.
Papalapit na ako sa bahay nang maka-amoy ako nang masarap na ulam. Mukhang nakapagluto na siya. Subukan ko kayang takutin?
Pagpasok ko pa lang ay agad na itong napatitig sakin. Nanlaki pa ang mga mata nito at nabitawan pa niya yung hawak niya. Wala pa akong ginagawa nun ah? Tss.
"Ciro? Ikaw nga!" nanginginig na siya takot at unti-unting umatras.
Teka, sumobra ata ang takot niya. Napatingin naman ako kay Vincent at may nginunguso siya sa akin.
Sinundan ko naman iyon ng tingin.
"Teka Yuki, nagkakamali ka! hindi ako yung nasa balita." despensa ko. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot na rin ako kay Yuki.
Nilapitan ko ito, pero umaatras din siya. Ay nako lagot na!
"Huwag kang lalapit Ciro! ang sama mo!!" bulyaw niya. At dahil huminto ata ang oras. Tama ba yung narinig ko?
Ang sama ko? Tss. Ang sakit sa ulo ng babae to. Si Vincent naman, wala atang pakialam saming dalawa. Nakatutok pa rin sa telebisyon.
"Nandito na ako!" boses iyon ni Ama. Salamat naman. Tuwing may ganitong sitwasyon laging dumadating si Ama.
"Oh anong problema Yuki? Tila takot na takot ka?" pagtataka ni Ama. Sige Ama pakalmahain mo
"Ama? magkasabwat kayo? Hindi hindi maaari!!!" takot na takot pa rin si Yuki. Ano bang nasa isip ng babaeng to? Tss.
Nakita kong nagpipigil ng tawa si Ama. Kahit ako gusto kong tawanan ang babaeng to. Kung kanina natatakot sa kalagayan niya, ngayon nakakairita na. Tss.
"Yuki! ano bang problema? May pinagawa lang ako kay Ciro sa gubat. Ang dami na kasing pagala-galang ahas dun kaya pinapatay ko na sa kanya. Tutal naman madali lang sa kanya gawin yun. Kaya tumahan ka na!" mahabang paliwanag ni Ama.
Matapos nun ay humarap na kami sa hapag kainan. Ang sama pa rin ng tingin sakin ni Yuki. Bahala siya. Tss.
"Siya nga pala Ama, may natagpuang patay na naman. Malapit lang dito sa atin yung isang bangkay na nakita. Malamang ay sa kabilang gubat iyon at yung isa ay sa ilog natagpuan." kwento ni Vincent.
