Ciro
Pagkagat ng dilim, agad na umalis sina ama at ang iba dahil alam nilang umaatake na naman ng mga bampira. Kailangan daw nilang alamin ang mga kilos ng mga ito. Ako? Naiwan na naman dahil hindi ko pa raw kaya ang makipaglaban. Tss.
Wala rin si Tanda at ang bilin niya, bantayan ko daw si Yuki. Nakakainis! dapat sinama na lang ako nila ama. Para alam ko kung paano kumilos ang mga kalaban, kung paano sila makipaglaban at kung paano nila inaatake ang mga mortal. Hindi ba't mas magandang ideya ang nasa isip ko?
Heto ako ngayon. Nakahiga sa paborito kong higaan. Nag-iisip, hindi mapakali at kinakabahan. Ha? Bakit nga ba ako kinakabahan? May nangyari kayang 'di maganda sa kanila? Dapat talaga sumama ako. Kainis!
Buti na lang tulog na rin ang babaeng 'yon. Nakakatawa siya kanina. Hahaha. Pulang-pula ang kanyang mukha dahil sa hiya at galit. Malay ko ba kung ano'ng underwear ang sinasabi niya. Malay ko ba na sa kanya ang bagay na iyon. Burara kasi, kababaing tao. Tss. Makatulog na nga lang.
Yuki
Grabe! Bakit ko ba nagawa ang bagay na 'yon kanina? Nakakahiya! Aargh!
Nasabunatan ko ang sarili ko dahil sa kahihiyang nagawa ko kanina. Kasi naman yung lalaking 'yon! Hay naku! Malay ko ba nagkakainan pa rin pala sila. Akala ko wala na sila dahil ang tahimik.
"Ciro!! Bakit na sa iyo ang underwear ko? Saan mo ito nakuha?! Paano ito napunta sayo?! Nakakainis ka!"
Yan ang naisigaw ko sa kanya kanina. Bigla namang napatingin sa'kin ang lahat na nanlalaki ang mga mata. Imbes na magalit ako, biglang umurong ang galit ko at napalitan ng hiya. Nakakainis talaga!
Makakabawi rin ako sa lalaking 'yon.
Tinapik-tapik ko muna ang mukha ko para mawala sa alaala ko ang nangyari kanina. Gusto kong lumabas mula dito sa silid ko. Pero 'di ko ata kayang harapin si Ciro. Baka kasi gising pa siya at pagtatawanan lang niya ako. Tss.
Gising pa nga kaya siya? Haay. Pero, kailangan ko pa lang magpakabait sa kanya dahil sa pabor ko sa kanya na tulungan akong hanapin ang tunay kong mga magulang. Tama! Kakalimutan ko na lang talaga 'yung nangyari kanina. Itutulog ko na lang ito.
---
"Tss. Puro ka lang pala yabang. Wala ka pa lang binatbat!" pang-aasar ng lalaking lobo kay Alano na duguan na at tila nanghihina na rin.
"Hahaha. Hindi pa tapos ang laban taong lobo. Hindi mo pa ako napapatay, kaya huwag ka munang magyabang diyan!" sagot ni Alano at bigla itong tumalon papunta sa lalaking kaharap niya. May dinukot siya sa bulsa ng kanyang pantalon. Isang latigo ang kanyang pala ang kanyang armas. Agad niya itong pinaikot sa leeg ng lalaki.
"Hahaha. Ito na lang ba ang kaya mong gawin? Ang gumamit ng walang kwentang armas? Tingin mo ba matatalo mo ako sa bagay na 'to? Nagkakamali ka!" pagyayabang ng lalaki. Hinawakan niya ng mahigpit ang latigong nakapulupot sa kanyang leeg. Pilit niya itong hinihila pero nakaramdam siya ng panghihina. "Ano'ng nangyayari?" natanong na lang niya sa kanyang sarili.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Matatapang at mayayabang lang ang ugali niyo. Pagdating sa pakikipaglaban, lakas lang ang ginagamit niyo. Hahaha. Hindi niyo na iniisip kung ano ang kakayahan ng inyong mga kalaban. Hindi lang ito simpleng latigo, may mga maliit itong tinik at kapag natusok ka nito, siguradong tapos ka na dahil sa lason nito. Hahaha," paliwanag ni Alano. Naisahan niya ang kanyang kalaban kaya naman tuwang-tuwa siya sa kanyang sarili.
Unti-unti nang lumuluhod ang lalaking lobo. Nabitawan na rin niya ang latigong pilit niyang hinihila kanina. Unti-unti na niyang nararamdaman ang bangis ng lason sa loob ng kanyang katawan hanggang sa...
![](https://img.wattpad.com/cover/5107406-288-k745950.jpg)