A/N: Nasa gilid ang pichure ni Adolfo.
May maliit lang naman akong binago sa dalawang chapter. Yung sa 'year' lang. Hehe. Eto na chapter 10.
_____
-10-
Ciro
Muling bumabalik sa alaala ko yung di sinasadyang pagkahiwa nang daliri ni Yuki at pagtulo ng dugo nito.
Parang iba ang pakiramdam ko nang makita ko ang bagay na iyon.
Kung hindi siya iniwas ni Ama malamang ay hindi ako babalik sa katinuan nung mga oras na yun.
Kaya eto nagpasya muna kong tumambay sa malaking puno na ito. Para makapag-isip at makapag-relax muna.
"Ciro!!? Ciro!!" may sumisigaw na naman ng pangalan ko. Kasabay pa ng pagkalam ng tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain. Naku naman!
"Ciro!! bumaba ka na diyan.Tawag ka ni Ama para kumain na!" si Yuki pala. Himala malumanay siya ngayon.
Napatingin pa ako sa kamay niya mula dito sa itaas. May puting tela na nakabalot. Nasa mabuting lagay na siguro ito.
Naalala ko kasi nung isang beses na nadapa to. Sobra ang pagdudugo ng tuhod niya, akala ko kung ano na ang nangyari. Pero nung mga panahong yun, hindi ako nakaramdam ng kakaiba nung makita ko siyang duguan. Ngayon lang.
"Bahala ka na nga dyan! bahala kang magutom diyan!" Tss! mukhang nainip na. Sino ba naman kasi ang may sabi na puntahan niya ako dito? Tss.
"Sandali lang bababa na!" baka mag-ingay na naman ito. "Kamusta na yung kamay mo?" tanong ko sa kanya, gusto ko lang naman malaman kung anong pakiramdam ng sasagutan. Sa ngayon naglalakad na kami pabalik sa bahay.
"Ah, eh! okay lang ito. Malayo naman ito sa bituka. Hehe!" ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti.