Chapter Twenty-Eight

3.5K 71 4
                                        

Ciro

Naaamoy ko na sila. Narito na sila. Tss.

Ano ba gagawin ko? Nalilito ako, parang gusto kong umatras. Sandali, hindi tama ito. Nangako ako na poprotektahan ko ang mga mortal at ipaghihiganti ko ang pagkamatay ni Ina.

"Anak, handa ka na ba?" tanong ni Ama habang nakalapad ang kanyang kamay sa aking balikat.

"May paparating." bulong ni Argos. Tila may naamoy siya.

"Isang mortal, magtago kayo!" utos ni Ama. Agad namang nagtalunan silang nagtalunan sa mga puno at doon na lamang magtago.

"Ama, Ciro, at ,.. " si Yuki pala. Inisip pa niya kung ano ang itatawag niya sa aking Ama. Tss.

"Rodolfo na lang binibini." saad naman ni Ama at binigyan pa niya ito ng ngiti.

"Sige po Rodolfo." nahihiya pa. Inikot ko na lang ang mga mata ko. "Ano'ng ginagawa niyo dito? Malalim na ang gabi. Siya nga po pala Ama, si Vincent umalis muna may aasikasuhin lang daw."

Hindi na aalis 'tong babaeng ito kapag hindi kami kasama pauwi sa bahay. At 'yung Vincent na 'yon ano naman kaya ang naisip niya at iniwan niya si Yuki nang nag-iisa. Paano na lang kung - Tss. Kalimutan na lang ang mahalaga nasa harap ko siya ngayon.

"Nagpapalamig lamang kami Yuki." nakangiting saad naman ni Tanda. "Sige na bumalik ka na at matulog." utos pa nito.

Ngumuso lang siya. "Natatakot po ako Ama. Kapag nag-iisa ako naaalala ko 'yung nilalang na nakita ko eh. Baka po pag nagkita kami ulit, kainin na lang niya ako." reklamo pa niya. Hindi ko naman siya masisi kung ganon nga. Alam kong nakatatak na 'yon sa kanyang isipan.

Napansin ko naman ang pag-atras ni Ama. Kasalanan niya rin pala. Tss.

"Ganon ba Hija? mabuti pa Ciro samahan mo na si Yuki sa bahay at may pag-uusapan lang kami ng Ama mo." Ha? Ayos din nitong matandang 'to. Bakit hindi na lang siya? Mas kailangan ko ang payo ni Ama kesa sa ingay ng bunganga ni Yuki. Tss.

"Sige na anak, ako na ang bahala sa kanila." bulong ni Ama at bahagya pa itong ngumiti.

Shit! Ito lang ang alam kong masamang salita sa mundong ito.

Humakbang na ako at tuluyan ko nang iniwan sila Ama at tanda pati na rin ang mga nagtatago sa taas ng puno. Si Yuki?

"Sandali Ciro!" Ang bagal.

Hindi ko tuloy malalaman kung ano magiging plano nila. At ito naman ang hita niya. Bakit ba ang hilig magsuot nang maiksing salawal ito. Teka, salawal ba 'yon?

"Uy Ciro, napakamisteryo ng Ama mo. Akalain mo 'yun nakatagal siya dito nang walang kakilala o nakasama man lang." Nagumipisa na siyang mag-daldal. Tss.

Ang dami niyang tanong. Paano ko siya naging Ama? nasaan sa Ina? paano raw ako napunta rito? Ang sakit sa ulo.

"Uy Ciro! kahit isa wala kang sinagot sa tanong ko. Siguro may sikreto kayo no?" pangungulit pa niya. Kapag sumagot ako magdadaldal na naman siya eh. Kaya pinili ko na lang na manahimik.

"Matulog ka na." nasabi ko na lang at umupo sa sofa.

Nagulat nalang ako nang tumabi siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ikinikilos niya.

"Ciro, salamat ah! salamat sa pagligtas mo sa akin." tila nakaramdam ako nang kakaiba dahil sa sinabi niya.

Alam kong nakita niya ako nung mga oras na 'yon. Pero ngayon ko lang ito naramdaman. Parang ang sarap sa pakiramdam.

"Sa susunod huwag ka nang lumabas kapag malalim na ang gabi." nasabi ko na lang. Wala akong ibang maisip. Iba ang aking pakiramdam. Ipinikit ko 'yung mga mata ko habang nakatukod 'yung isa kong kamay sa aking ulo.

Vamolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon