A/N: Ang matandang mortal yung nasa pichure sa gilid. Tatay ito ni Tak gu noon sa The Baker King at detective sa missing you. Kaya lang patay na e. Sayang. Ang astig niya umarte. Idol ko rin to. Hahaha. Eto na nga ang kwento. Salamat :)
__________
-6-
"Simula ngayon, Ciro na ang pangalan mo ha anak!" sabi ng matandang mortal kay Vamolf na pinapatulog nito sa dating silid nang isa pa niyang apo. Kailangan ng matandang mortal na palitan ang pangalan ni Vamolf para na rin sa kaligtasan nito.
"Pe-pero, bakit po anak tawag niyo sakin lolo?" nagtaka si Ciro kung bakit anak na ang tawag nito sa kanya.
Napangiti naman ang matandang mortal. "Alam mo kasi Ciro." napahinga nang malalim ang matandang mortal. Hindi niya alam kung paano ba niya ipapaliwanag kay Ciro yung tungkol sa mga magulang niya. Alam ng matandang mortal na patay na ang mga ito. Dahil na rin matinding sagupaan na nakita niya. "Ah , eh. Basta Ciro, ako na muna ang ituturing mong ama. Kahit matanda na ako. Igugugol ko ang lahat ng mga natitirang araw ko dito sa mundo. Tutuparin ko ang mga pangako ko sa iyong ama." paliwanag na lang ng matandang mortal. Napansin niyang humihilik na Ciro. Nakatulog na pala siya.
"Palalakihin kita Ciro at magiging katulad ka ng iyong Ama at Ina." nakangiting sabi ng matandang mortal at kinumutan na niya muna si Ciro bago lumabas sa silid na iyon.
"Lo, sino po ba yung batang yun?" panggugulat ni Yuki sa kanyang Lolo.
"Oh Yuki, kanina ka pa ba dyan? Anak nang ginulat mo naman ako." gulat na gulat talaga ang matandang mortal. "Saka na natin pag-usapan to, tara na at baka magising pa siya. Tara! tara!" tulak tulak pa niya si Yuki palayo sa silid na iyon.
"Eh Lolo naman eh, naglilihim kayo sakin. Nakakatampo na." nakangusong maktol ni Yuki sa kanyang Lolo.
"Haay! sige na, sige na! Matulog ka na." Pagpipilit pa ng matandang mortal kay Yuki.
Wala nang nagawa si Yuki kundi sundin ang nais ng Lolo niya. Kaya natulog nalang ito at hindi na nangulit pa.
_______
Kinaumagahan, naghahanda na ng agahan ang matandang mortal para sa dalawang batang inaalagaan niya. Tuwang tuwa ang matandang mortal sa ginagawa niya. Talagang hindi niya pababayaan si Ciro at syempre pati na rin si Yuki.
Agad namang nagising si Ciro dahil sa masarap na amoy na dumadaan sa ilong niya. Gumagalawa galaw pa ang ilong nito na parang lobo para sundan ang amoy. Hanggang sa halos mangudngod na siya sa kaserola at maya-maya pa ay. . .