-24-
Yuki
"Bampira? Lobo? Teka nga mga anak, huwag kayong mabahala! mga kwento-kwento lamang yun." ayan si Ama eh. Iiwas lang. Tss.
Pero sandali nga, wala nang balita tungkol dun sa nilalang na pumapatay sa mga taga-rito. Yung . . yung hayop na parang nakita ko na harap-harapan. Sigurado akong nakaharap ko yung nilalang na yun eh. Hmm.
"Ama, siya nga pala. Ano nang balita dun sa hayop na pumapatay? Yung laging laman ng balita?" tutal ayaw nilang magkwento tungkol sa mga bampira. Edi buhayin ko nalang ang usapin na ito. Hehe.
Napansin kong nagkatitigan sina Ciro, Ama at yung lalaking bigotilyo. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Aba! talagang may mga lihim ang mga ito. Kailangan ko tong malaman. Tss.
"Ah, ano . . wala na . . pinatay na ng mga mangangaso dito sa atin. Si Mang Tofelio? kilala mo yun di ba? magaling na mangangaso yun. Siya ang pumatay sa hayop na iyon." di pa sigurado si Ama sa mga pahayag niya. Kainis! ayaw pang sabihin ang totoo.
"Teka, kung napatay niya yung hayop na iyon. Nasaan na? inilibing ba? saan?" ayun. Buti nalang nagtanong din itong si Vincent. Kanina pa to nag-iisip eh. Ano naman kaya iniisip niya?
"Huwag na natin pag-usapan ang patay na. Nasa harap tayo ng hapag-kainan oh." seryoso naman bigla tong si Ciro. Tapos yung lalaking katabi niya, ngumiti lang sakin pero alanganin pa.
Ang daming tanong sa isip ko na hindi man lang nasagot. Grrr.
Ciro
Ang dami nilang tanong, buti na lang magaling tong si Tanda magpalusot. Makakatiis pa, makakatagal pa. Tss.
Pero, kanina ko pa nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang may nangyayaring hindi maganda. Kinakabahan ako, parang . . parang may nangyayari kay . . Lyka!
Napatingin ako kay Ama. Hinawakan lang niya ako sa balikat. Ngumiti ngunit may lungkot sa mga mata. Tila nararamdaman din niya iyon. Wala ba akong magagawa? Haay!
Tumayo nalang muna ako at lumabas, gusto kong gumaan ang pakiramdam ko. Para matigil na rin ang pagtatanong nila Vincent at Yuki, mahirap na baka madulas tong si Tandang mortal. Tss
"Saan ka pupunta Ciro?" nagtanong pa talaga. Nakita naman niyang palabas ako. Tss. Ano naman kaya ang pakialam ng babaeng to?
"Mag-eensayo, bakit? may kailangan ka?"
"Hindi ba naroon ka nang gabing iyon? yung nakaharap ko ang halimaw na iyon. Di ba?" napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya. Napalunok pa ako, hindi ko alam kung paano ko ito lulusutan. Akala ko hindi na talaga niya naaalala yung mga nangyari nang gabing iyon.
"Hindi naman kaya, ikaw yung halimaw na iyon? Ciro?" umakyat ata ang lahat ng dugo sa mukha. Anong tinutukoy ng lalaking ito? Tss.
"Vincent, hindi magandang biro yan." suway ni Tanda. Sige Tanda, pagsabihan mo yan. Baka hindi ako makapagtimpi, makikita niya ang hinahanap niya.
"Gutom ka lang Vincent, ikain mo na lamang yan. Ikaw naman Yuki, kung ako yung nakita mo. May magagawa ka ba? may magagawa ka ba kung wala ako nung gabing iyon? Tss." matapos kong magsalita, tuluyan na akong lumabas.
"Yari ka Vincent, hindi mo dapat ginawa iyon." narinig ko pa ang pagsermon ni Yuki sa lalaking iyon.
Mabilis akong tumakbo patungong gubat. Gusto ko munang mapag-isa, gusto kong marinig ang tibok ng puso ni Lyka na nangangailangan ng tulong.
Kailan kaya? kailan kaya ang panahon na iyon? Yung tinutukoy ni Tanda. Kailan ba ako makakaganti sa mga kapwa ko nilalang na pumatay sa aking Ina at nagpahirap kay Ama.
Sisimulan ko na lamang ulit ang pagpapalakas.
______
"Pinunong Raul, Ang iyong anak . . . bihag siya nila Thana. Pinapahirapan sila, kasama yung babaeng Lobo" agad na binalita ni Tristan ang lahat ng nasaksihan nila.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Alfonso. Nasa anyong tao ang lahat ng mga Lobo. Marami sa kanila ang mahina na, tila wala nang lakas para lumaban pa.
"Kailangan nating tulungan ang anak mo Pinuno, manganganib ang kanyang buhay." pag-aalala pa ni Silvero.
Magulo ang isip ni Raul, hindi niya pwedeng isuko ang papel na susi sa pintong lagusan, hindi rin naman niya kayang makita ang anak na nahihirapan.
"Bakit hindi na lang natin isuko ang papel na yan Pinuno, tutal magiging mapayapa na ang mundo natin dito." mungkahi ni Bruno.
Napatingin lamang sa kanya si Raul. Umiling, hindi sumang-ayon.
"Teka nga Raul, ano ba ang dahilan mo at bakit ganoon na lamang ang pag-aalala mo sa mundo ng mga mortal?" Pagtataka ni Rufino.
Tumayo si Raul, hawak pa rin nito ang papel. Tumingin sa malayo.
"Mapanganib sa mga mortal kung makatawid man sila, alam niyo naman iyon di ba? At saka, may pangako ako sa kanya." paliwanag ni Raul at muling pinagmasdan ang papel.
"Teka, sa kanya?" pagtataka ni Alfonso. Nagkatitigan din ang tatlong pinuno ng bawat pangkat.
Binulungan ni Rufino si Alfonso. Napatango na lang si Alfonso sa kanyang narinig.
"Pero, hahayaan mo na lang ba si Franco doon?" tanong ni Tristan.
Umiling si Raul. "Hindi, kakausapin ko laman siya. Pag sumang-ayon ang taong iyon. Saka tayo kikilos."
Napangiti ang iba pang pinuno dahil sa kanilang narinig.
"Tama yan Raul, hindi dapat tayo papatalo sa kanila. Awooo!" sabi ni Silvero at umungol pa ito.
Ang lahat ng lobong naroroon ay gumaya din. Nais nilang lumaban hanggang sa katapusan.
Napangiti si Raul at mahigpit na hinawakan ang papel.
_____
"Paglipas ng isang araw, kapag hindi nagpakita ang pinuno ng mga lobo. Ako mismo ang papatay sa kanyang Anak." matalim ang mga mata ni Thana habang nakatitig sa malayo.
Samantalang sina Franco at Lyka ay nakakulong sa isang maliit na silid. Duguan, walang kain.
"Huwag kang mag-alala Franco, ililigtas nila tato." pinalakas nalang ni Lyka ang loob ni Franco.
"Ama, Vamolf. Sana naririto kayo, kailangan ko nang tulong niyo."
![](https://img.wattpad.com/cover/5107406-288-k745950.jpg)