NINE

8.4K 128 7
                                    

Tinitigan ko ang nakakadiring pinagsalong dilaw at berdeng pagkain ng kambing sa aking harapan . napalunok ako sa ikatlong pagkakataon .

"Kain na ". Panimula ni ate shasha .

Nasaan na ang kaninang hinihimas ni lance , oh chicken where art thou .

"Kumain ka na , wag ka ng maarte ". Lance .

Halos mangiyak ngiyak ako habang tinutusok ko ang salad . bakit kasi umasa akong mag ca carbs ang mag kapatid na to e kita naman sa katawan nilang fit .

Sumubo ako ng isa , nginuya ito at ngumiti ng pilit . Lance rolls his eyes at tumawa lang si ate shasha .

'Sorry , Erika , I'm vegetarian so ito ang lunch natin may aatend an kasi akong wedding this weekend .". Shasha .

Ginalaw galaw ko lang ang gulay ng oras na yun ng biglang tumayo si Lance .

"Lance ? Where are you going , hey ". Tuloy tuloy lang na lumabas ito .


Sumunod na lang ako baka kasi nagalit sa kaartihan ko , bakit kasi may gulay pa !


"Lance , wait ". Tuloy lang syang naglalakad nasa may park na kami ng subdivision nila , nakapamulsa at parang walang naririnig .

"Hoy Lance naman ahhh -". Ayan nadapa tuloy ako , agad Kong hinawakan ang tuhod ko na may gas gas .




Nakakainis naman kasi e !




"Ang lampa mo talaga !". Tumulo na ang luha ko .



"Here ". Nakita ko ang nakalahad na kamay nya sa harap ko .


Di ko yun kinuha kasi naiiyak na ako . kaya lumuhod sya at tinignan ang sugat ko .



"Lakilaki na nadadapa pa ".



"Ayaw mo kasing tumigil e ".



"Bakit mo ba ako sinundan ha !?".




"Galit ka e ".



"Hindi ako galit !". Umiyak pa ako lalo sa taas ng boses nya .




"Stop it Erika , baka isipin nila inano kita dito ". Suminghot ako at tinitigan sya .





"Sorry na balik na tayo uubusin ko na yung salad na yun ". Walang sabisabi ay binuhat nya ako .




"L-lance ". Inupo nya ako sa bench .



"Stay here Erika and when I say stay , stay ". At umalis na sya ako ? Syempre nag stay , katakot e .




Five minutes at may nag Puff sa harap ko .



"Gamutin mo yang sugat mo , dali ". Hinagis nya sa harap ko ang mga panglinis sa sugat gaya ng alcohol, betadine , bulak at gauze pad .





Umupo sya sa tabi ko at nag cross leg pa at cross arms . ako naman dinampian na ang sugat ko ng alcohol.





"Ouch ". Napapikit ako sa sakit ,nakagat ko ang labi ko humugot ako ng malalim na hinga at dinampian muli ang sugat ko .




"Fuck ,Akin na nga , ako na ". Nagulat ako sa malutong na mura nya , ginamot nya yung sugat ko .



"Don't look at me kumain ka dyan ". Iniwas ko ang ulo ko at nakita ko ang isa pang supot sa tabi .






Burger ?



"Eat Erika , baka gusto mong subuan pa kita ". Pwede din , sabi ng malandi Kong konsensya .



Napangiti ako nung ibalot na ni lance ang benda sa tuhod ko .



"Wag kang malikot ". Tumawa na ako .



"N-nakikiliti ako e haha ". Kumunot lang ang noo nya at saka umupo sa tabi ko ,kumuha ng Burger at sinubo , ang laki pang kumagat nangalahati yung burger .





Gutom ? Koya ?




"What ?".





"Ayaw mo din ba sa gulay ?". Di sya sumagot kaya I'll take that as a yes .



Kumain lang kami sa park may napansin kaming mag syota sa kaharap naming upuan .



"Sweetheart , wala namang masama kung gawin natin yun e ". Babae .



"Sigurado ka ba ? Baka mabigla ka ". Lalaki .






"Sige na sweetheart I'm fine just one ". Ano kayang pinaguusapan nila .






Napanganga ako ng maghalikan sila sa harap ko I mean harap namin ni lance .



"I love you , sweetheart ". At nag yakapan sila .





"I don't understand , uto uto masyado yung lalaki ". Nilingon ko si Lance .




"Mahal nila ang isa't isa kaya OK lang yung maghalikan sila ".




"In public place really huh ?! ".





"Kung mahal mo kahit saan man kayo dapat iparamdam mo na mahal mo sya even in public place ". Palibhasa di pa na iinlove e .






Correction , ako din pero sya malala .




"I don't get it its too cheesy like shit ". Tumayo na sya medyo madilim na rin bago kami naka uwi sa house nya .




"Erika dito kana kaya matulog -".



Tumanggi na ako dun ."lance ihatid mo sya ". Inihatid ako ni Lance at ang awkward lang nya katabi sa kotse nya .




"Dito na lang lance ". Inihinto nya sa tapat ng apartment ko .




"Erika we have a problem ". He suddenly blurt out .





"My mom wants to see you ". Napatulala ako , God ang kontrabida andyan na .





Bumaba ako at bumaba din si Lance . "OK , goodnight lance. ".





Tumango sya at bago pa sya makapasok may isang bulto ang tumayo sa swing namin .




"Hey , at last dumating ka na ".





He carried a big pink teddy bear at di ko ma explain ang mukha nya .











"Milo ".












Shocks !. Nakalimutan ko may lakad pala kami ni Milo .

My Possessive CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon