fifty-3

4.7K 73 8
                                    


KABANATA 53

Kinarga ni yaya ang anak ko.

Humahangos na dumating si Yasmin sa harap ko. Kumunot ang noo ko. Dapat kanina pa ang lipad namin but why am I still standing here in front of her?.

"ma'am banned po kayo makalabas nang bansa. May tumawag po sa akin na haharangin po kayo pagdating ninyo sa America " . At first ayoko maniwala.

Niloloko ba ako nitong sekretarya ko? Kung ganoon nga matatanggalan sya nang trabaho dahil sa delay na ito. Tito must be waiting for us. For sure.

"Are you crazy, Yasmin ? Wala akong ginagawang masama para mangyari ang tinutukoy mo! " sigaw ko, umiyak si Austin.

Naku Kung ginu good time nya lang talaga ako mahihila ko ang panty nito makikita nya.

Pinunasan nya ang nagpapawis nyang noo.

"Nagulat din po ako ma'am Erika. "

Ang aga aga pinapainit nila ang ulo ko.  Papunta na sana ako sa reception area ay may magandang babae na tumambad sa harap ko. Isang kagalang-galang na babae.

"I'm the executive director of this airport ma'am sorry for the inconvenience. Ngunit may isang tawag mula sa taas na ipinagbabawal na kayo'y palabasin nang bansa " Aniya.

Napanganga ako.  "WHAT!?! "

yumuko sila at umalis sa harap ko.

"Ano bang - Yasmin " Nagitla ito sa sigaw ko.

"Ma'am Paano na tayo nito?! " 

Nasapo ko lang ang noo ko at Hinarap ang yaya ko para kuhain si Austin. Uuwi na lang ako.

Bago Umuwi ay kumain muna kami sa isang restaurant. Aby held my son at ang laki ng ngiti nito.

"Naudlot ang first flight ni baby " tuya nang yaya nya.

Yah naudlot nga dapat ngayon ay nasa Kay Tito na kami ang alam ko nagsasama na sila ni miss Shasha sa ibang bansa at may isa na ring anak.


Nagtataka talaga ako Kung sino ba yung nasa taas na yun na nag utos na hindi ako palabasin ng bansa. Pag nakilala Lang Kita ipapasagasa kita sa eroplano mo.

Kumain kami. Tahimik ako sa aming mesa nang may narinig akong tinig sa gilid ko.

"Erika?  Erika Ikaw ba yan?  " Inangat ko ang ulo ko sa Kanya.

Nanlaki ang mata ko ngunit nakabawi rin ako.

"Layla, Kamusta? " magiliw nya akong Niyakap. Like the old times.

Ngunit may napansin akong kapansin pansin sa Kanya. My damn eyes literally drop to her big tummy.

"Y-you're pregnant?! " Obviously Erika. Wag tanga di yan bola.

She smiled and said.  "Finally "

Nilingon nya ang mga kasama ko.

"cute baby eh" Tinuro nya ang anak ko.

Nanginig ang kamay ko. Kung sakasakali ay magiging bastardo ang anak ko. Anak sa labas ng kanyang ama. No no. Napapikit ako. Di nya pwedeng malaman ito.

"Anak ni ma'am Erika, madam " Nilingon ko agad si Aby.

My son wiggles his hands. Inabot ko ang anak ko.

"His my son " She looks surprise.

"Ang gwapo gwapo nya " sabay lingon sa akin.

Sana di nya mamukhaan ang anak ko na carbon copy ng ama nya.


"sya nga pala Erika may Konting salo salo kami mamaya aalis na kasi kami dito sa pilipinas kaya sana maka bonding pa kita please "

Halos mangiyak ngiyak syang nakahawak sa braso ko. Mga buntis nga naman.


"okay " sabi ko na sana hindi na lang.



Kinagabihan ay suot ko ang puting gown ko. Kinakabahan ako mag isa lang akong pumunta. Maraming kilalang tao ang mga nakakasalubong ko. May ibang nakakakilala sa akin ngunit ngiti lang ang naisusukli ko. Kailangan ko na makausap si Layla para makauwi na.

Feeling ko hindi ako belong sa lugar na ito. At feeling ko may nakatingin sa akin. Hindi ako mapakali.

Hindi ko na kinaya sa loob kaya lumabas ako sa mansyon nila Layla. Takte parang maso suffocate ako sa loob. Inangat ko ang laylayan nang gown ko. Naglakad ako sa maze garden nila. Pag feeling prinsesa ka talaga hindi mawawala ang ganitong hardin Kay Layla. May mga maliliit na bulaklak sa gilid nun, kumuha ako ng isa. Inamoy ko ang kulay asul na rosas. Minsan lang akong makakita nito kaya lulubusin ko na.


"Careful with the torns , Erika "

Nilingon ko ang baritong boses na iyon.

Nakagat ko ang labi ko nang nagulat ako sa tinig ng bulaklak. Lumapit sya at hinawakan ang kamay ko.

"Ang sabi ko mag iingat ka, ang tigas pa rin ng ulo mo "


Diniin nya ang daliri ko para sa paglabas nung dugo.

"Milo I'm fine! "  tinitigan nya ako.





"Not yet, come with me  "



....
Itutuloy..

My Possessive CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon