Alam mo yung nabunutan ka ng tinik ,gumaan ang pakiramdam mo at maaliwalas ang paligid mo dahil natuto kang magpatawad. Its over. Tama na yung masaktan ka ng ilang beses ng taong mahal mo pero ang totoo ay ikaw lang mismo ang gumawa ng paraan para mas lalo kang masaktan at mahirapan.Masaya ako. Sa wakas nasabi ko na ito ngayon ,actually nasabi ko na ito noon nung minahal ko sya pero may hihigit pa pala yon ngayon na nandito na ang anak ko at asawa ko.
Nandito kami sa hardin at nilalaro namin si Austin parang ayoko nga minsan isipin na ang perfect ng sitwasyon kasi baka bukas gumawa nanaman ng kalokohan ang asawa ko.
Naibaba ko bigla ang orange juice na hawak ko. Dapat ba mild lang ang happiness para mild lang din ang sadness? Or just seize the moment ang peg para wala kang pagsisihan. Ngumiti ulit ako at uminom ulit ng juice.
"Para kang baliw dyan " ani lance.
Umikot bigla ang mata ko sa narinig. Naka pamaywang sya at nakatayo na sa tabi ko.
Summer ngayon kaya time out daw muna sya sa work as if naman na hindi sya nag tatrabaho pagkagabi.
"siguro tagapaglingkod ako ng reyna sa unang panahon kaya ngayon ang swerte ko kasi ako na ang pinaglilingkuran " matagal na katahimikan bago nya naibulalas ang mga nakakatindig balahibong wika nya. Pinagsasabi nito?
"so ngayon feeling mo ako ang tagapaglingkod mo? Hampasin kaya kita ng kawayan " ngumisi lang sya at niyakap ako.
"ito naman di mabiro, syempre kung mabubuhay muli ako gusto tagapaglingkod pa rin ako sa pinakakamamahak kong reyna " sabay ngiti.
Napangiti naman ako. Ka echusan nito.
"ewan sayo "
Para kaming bata ay sya lang pala o sige ako na din. Nanuod kasi ako ng mga koreanovela kagabi kaya lang lagi syang na epal tuwing gabi kaya ganyan sya e. Pilingerong tagapaglingkod.
' sorry erika sa nasabi ko sa'yo, may pinagdadaanan lang talaga ako at please pag naghanap sayo si milo sabihin mo di mo na ako nakakausap, ayoko na syang mahirapan pa at nakakadagdag lang ako sa inyo, kay milo. Mahal kita bestfriend ko. '
Val.
Nagulat ako sa mensaheng padala nya at napatayo agad ako. Alam ko nitong nagdaang taon di ko na nga sya nakakausap at napaka walang kwentang kaibigan ko na di ko nalalaman na may pinagdadaanan sya.
"hayaan mo sila " napalingon ako kay lance na nakatingin sa akin.
"Problema nila yon tsaka gagong milo yon may nagmamahal naman pala sa kanya e hinahabol ka pa " sabay ngisi nya.
Pakayabang nito kahit kelan.
"hindi ko sila hahayaan na lang no? Malapit ko silang kaibigan kaya di ako mananahimik na lang pero tama ka din na may kanya kanya tayong mga problema na dapat harapin. "
Ininom ko ulit ang orange juice at masayang punagmasdan ang mag ama ko na nagkukulitan sa tabi ko. Wala naman kasing perpektong relasyon minsan sa simula akala mo hanggang sa huli masaya lang nagkakamali kayo sa pagdadala yan.
Dapat matuto tayong sumayaw sa bagyong alam naman nating titila din at magbibigay ng bagong simula kinabukasan.
"lance mahala na mahal kita " sabay yakap ko sa kanya .
Nagulat naman sya at niyakap din ako.
"mamamatay ka na ba? May taning na ba ang buhay mo? Bakit parang nagpapaalam kana? "
"araaaay ko naman " binatukan ko nga.
"baliw ka na talaga, bahala ka dyan sa sofa ka Matutulog mamaya " sabay tayo ko.
Nakakainis talaga ang isang to panira ng moment.
"sandali nga lang mahal kong asawa tampo agad ashu ashu shu "
"aso ba ako?? "
"ang sungit naman ng honey ko sorry na. Alam mo naman na mahal kita mas mahal pa kita kahapon at mamahalin pa lalo kita bukas at bukas at bukas at bukas at sa mga susunod na bukas, walang hangan kitang mamahalin dahil mahal kita " lance.
Siguro ako na ang isa sa pinaka maswerte na babae sa mundo dahil mahal nya ako . Napaka swerte ko. Jackpot. Lord thank you. Kinikilig ako. Kahit may anak na kami kinikilig pa rin ako. Walang takas nya akong niyakap ng mahigpit. At niyakap ko din sya at inamoy amoy pa.
I know marami pa kaming problemang pagdadaanan at alam ko na ang susi sa tagumpay na pagmamahalan namin ni lance.
Ang tanggapin ang bawat isa at magtiwala. May magbabago, oo. Pero araw araw ko sa kanya ipapakita at ipaparamdamdam na mahal ko sya at nandito lang kami ng mga anak nya para sa kanya.
"lance " tumingala ako sa kanya.
"hmm? "
"gusto ko makita si Gong Yoo "
Naitulak nya naman ako bigla.
"ano? "
Gusto ko naman talaga e. Kagabi pa, ahh hindi ilang linggo na akong di mapakali pag di ko sya nakikita.
"lance naman e " iyak ko.
"ano bang nangyayare sayo? Pinagpapalit mo na ba ako sa ibang lalaki? "
"I'm pregnant .....again "
"what? " nanlaki ang mga nya
"i want Gong Yoo please tara na punta na tayong korea "
Nagmamaktol kong sabi.
"ngayon na? "
"yes "
"sige sige ng mabigwasan ko yang Gong gong na yan huh! Kala nya ahh "
Natawa naman ako kasi umaamba talaga sya. I hug him more.
"i love you "
"i love you too. Thank you na surprise ako grabe. I love so much "
"but I like Gong Yoooooo-"
"tss "
Naglakad na kami papasok ng bahay dala dala ang mga ngiti sa aming mga labi. Syempre dala namin si Austin baka isipin nyo naiwan namin sya mag isa dun. Love love ko yun e.
+++++++++++
The end.
BINABASA MO ANG
My Possessive Crush
ChickLit"it seems like i stubbornly in love with that guy ..."- erika __________________________________________________ "just shut up , and let me protect you ......aren't you my girlfriend?" lance -------- "I can be her Possessive Man too '- Milo. ...