Sixteen

7.1K 163 11
                                    

Dumeretsyo kami sa parking lot at saka nya ako ibinaba . Pinagpag ko ang sarili ko saka sya tininapunan ng masamang tingin .

"Kung wala kang sasabihin pwede umalis na ako ? ". Tumalikod ako ngunit mabilis nyang nakabig ang wrist ko .

" sabihin mong gusto mo pa ako , Erika ! Tell me Erika ! Sabihin mong Mali lang ang narinig ko ". Medyo tumaas ang boses nya at humigpit din ang hawak nya .


Narinig nya kami kahapon ? Pero Hindi , Hindi may Mali akong nararamdaman sa dibdib ko ng hawakan nya ang puno .

"Nakita kitang hinawakan mo yung puno ,lance ! Sino si Maria ?". Wala syang maisagot tanging titig lang ang ginawa nya samantalang ako nanglalabo na ang mata ko sa nagbabadyang luha .


Luha ? Bakit ? Bakit ako umiiyak ?


" di mo na dapat pang malaman-".

"Gusto ko lance ! Gusto Kong malaman diba sabi mo sayo ako Hindi ba pwedeng sa akin ka rin ? ". Tuluyan ng lumandas ang luha ko .



" Nobody owns me Erika ". Marahas kong binawi ang kamay ko at tinitigan sya .


Naiinis ako . Hindi. Nagagalit ako obvious na nagpapahiwatig na ako sa kanya , siguro totoo ang sabi nilang paasa sya at ako naman ay tangang umaasang magugustuhan nya .



"Nasubukan mo na bang magmahal obviously Hindi, kasi kung oo dapat naiintindihan mo ako gusto ko lang namang malaman ang nakaraan mo-".

" my past can't change the fact that I'm your boyfriend ".

Pinalo ko sya ng malakas sa dibdib habang humahagulgol na ako .

" isa pa yun lance . Hindi kita boyfriend , boyfriend lang kita para Hindi ka makaalis dito sa pilipinas . Its been a month lance siguro pwede mo na akong pakawalan ". May kirot man pero matapang ko yung pinakawalan sa bibig ko .

He just look at me . yung mga mata nyang malalalim na sa sobrang lalim wala ni isang pwedeng makapasok .

" gusto mong pakawalan kita ?".

Yumuko ako at pinagsilop ang mga daliri ko .


"Yes". No , ayoko dahil di mo na ako mapapakawalan pa .kainis .


Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang hagulgol ko .


" as you wish ". Sabay talikod nya .




Naiwan akong tulala na nakatingin sa likuran nya . nakakainis ka lance ang manhid at ang sama mo .



Mabilis umikot ang mga araw , di na kami nagpapansinan ni lance sa room at kahit saan pa .


" uy uy Erika favorite mo ba ang pink ?". Napalingon ako Kay Milo nakaharap kami sa tindahan ng mga teddybear na favorite naman ni Milo ang bading noh pero wala daw akong paki .



"Oo paborito ko yun Milo bakit ? Dadagdagan mo ba si maine bear ". Siniko ko sya , sya po ang nagpangalan sa bear na binigay nya .


" great idea Erika actually naisip ko na yan eh kasi , feel ko yung mag isa ka lang , gusto ko may Alden sya sa tabi nya ". Nilingon ko sya hinahawakan nya ang bintana at matamang tinititigan ang mga stuff toy .


Sa isang linggo birthday ko na pero bago yun foundation day muna at kai kailangan naming mag practice ng mga games na sasalihan namin .


" Erika. .. para .sayo. , ako .. Ang nagluto ..". Paputolputol na sabi ni Ethan .


NASA labas kami ng canteen tanaw ang mga naglalaro ng soccer field kakatapos lang din naming mag warm up kasi mamaya practice ulit kami triathlon kasi ang sinalihan ko at isa si Ethan sa partner ko .


Pagkatapos naming Kumain ay tinungo na namin ang field pero sa kinasamaang palad nadapa ako kaya nagasgas ang tuhod ko , agad akong tinulungan ni Ethan .

"Sorry OK lang ako gasgas lang 'to ".

" dadalhin kita sa clinic ". Pumayag na lang ako .


Pagkapasok namin doon ay walang tao .

" ay nasan sila ? Hanapin ko lang ah "// bago pa ako tumanggi ay nakalabas na sya ng pinto .


Nakatayo lang ako doon pinagmasdan ko ang mga gamot doon ng may biglang bumukas ng pinto .



Nabigla ako pero sya parang wala lang , dumiretsyo sya at nilagpasan ako naaamoy ko ang mabangong pawis nya naka uniform lang sya kasi di sya mahilig sa sport pang mental game ang sinalihan nya . May hinahanap sya sa mga gamot doon .Ang awkward ng feeling .pumihit sya pabalik ng pinto nakatingin sya sa baba kaya tinignan ko rin yun napagtanto ko na ang sugat ko ang tinitignan nya nakatupi ang jogging pants ko hanggang tuhod .



" umm ". Napaupo ako ng lumuhod sya sa harap ko kinagat nya ang band aid at tinapal sa sugat ko .


Umangat ang tingin nya sa akin pagkatapos ay tumayo na sya . ang weird ng feeling bakit ba sya nandito .


" Erika wala sila eh ako na-". Ethan .

"OK na ". Sabi ni lance na di ko alam kung para sa akin o Kay Ethan .


Natahimik kami ni Ethan sa loob ng clinic , pinagmasdan ko ang band aid na di man lang nya nilinisan dahil basta tapal ang ginawa nya .



Sa loob loob ko masaya ako sa ginawa nya pero may tanong lang para saan yun ? Bakit nya pa ginagawa ang mga simpleng bagay na napagpahulog sa puso ko .








-------
Sana po nagugustuhan nyo ang simpleng story ko . na may bonggang mga readers . haha labyu guys , comment kayo reply ako pag nasa jeep kasi may signal haha . geh .




Vote na teh. At koya .

My Possessive CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon