Kinain ng katahimikan ang buong silid sa sigawan namin ni lance . Gusto nya maging ama ? Parang may gusto pa akong marinig mula sa kanya kahit alam ko na mahal nya pa rin ako ay gusto ko pa rin na ulitin nya . Gusto kong mapagod sya sa kakakumbinsing mahal nya ako .
"You're selfish Erika -"
Am i ?
"Mister Parker wants the approval miss erika "
Kukunin nya ang kumpanya ko tss so sino samin ang makasarili ? Hahayaan nya na magutom kami ng anak nya ?
"May pagkakataon ka pa erika , save your company and marry me or else kukunin ko ito pati ang anak ko "
Demonyo ! Ugh
"Still no " Sabay alis sa harap nya kinuha ko si Austin kay Yasmin at sumakay ng sasakyan at umuwi .
Wala ka ng babalikan erika , kinain na sya ng sistema nya . Pagkababa ko ay naabutan Kong may naglilipat sa katabi Kong bahay . Lumabas ang makisig na lalaki na may kausap sa phone , hindi nya ako nginitian gayong nakita naman nya ako . Mukha itong mayaman at mayabang .
Kinabukasan ay tumawag ako kay tito yohan . Alam kong busy sya sa abroad taking some personal matters . But still wala na akong malapitan wala na akong pambayad sa mga bills and ayokong magutom ang anak ko .
"Oh sige ipapadala ko mamaya , take care dyan " ani Tito Yohan .
Nakakahiya mang manghingi ay wala akong magagawa .Nag apply ako sa ibang company ngunit ni isa ay walang tumanggap sa akin . Nakapagtapos ako ng pag aaral pero bakit ang hirap mag apply .
Ilang buwan kong tiniis ang kahirapang yon . Ngunit nang pag gising ko kinagabihan ay para akong mabaliwbaliw sa taas ng lagnat ni Austin .
Holy crap .
"Baby no " dinala ko sya sa hospital at dun ko nalaman ang sakit nya .
"Dengue ? " ulit ko sa doctor .
"Yes misis buti nadala nyo agad sya rito nang maagapan " lumandas ang luha ko habang nakatanaw sa kawawa kong baby .
"Erika !" Napalingon ako sa malakas na sigaw sa pangalan ko .
"Hayop ka ! Kasalanan mo tong lahat !" Sinuntok suntok ko pa ang dibdib nito .
Di ko na napigilang humagulgul sa kanyang dibdib dahil hinayaan nya namang gawin yon sa kanya ay ako na mismo ang huminto .
"Shh im sorry " aniya .
Niyakap nya ako ng mahigpit .
"Please lance ibalik mo na ang kumpanya ko -"
"Sure ibabalik ko naman talaga yon sayo and you can take mine too ..."
What pati sa kanya ay magiging akin ?
Ano nanaman to?,"Just marry me "
Nag isip muna ako .
Binitawan nya ako at nilingon ang anak namin .
"...kahit para na lang sa anak natin "
BINABASA MO ANG
My Possessive Crush
ChickLit"it seems like i stubbornly in love with that guy ..."- erika __________________________________________________ "just shut up , and let me protect you ......aren't you my girlfriend?" lance -------- "I can be her Possessive Man too '- Milo. ...