Kinaumagahan ay maagang umalis si lance para magtrabaho. Hindi man lang sya nang gising o nag iwan ng notes. Itinupi ko ng mariin ang damit ng anak ko sa sobrang inis . Mahirap ba mag paalam? Bakit ganun sya? Nung isang araw naghahabol sya pero ngayon binabaliwala nya ako ngayon?!
Lumipas ang maghapon at wala man lang na text galing sa kanya. Baka naman pinatay nya na si lukas? Naibaba ko si Austin sa sahig sa pag iisip.
Mag aalas sais na ng may bumukas na gate sa labas. Sinilip ko agad iyon.
Umatras ako para masalubong sya sa pagpasok.
"bakit ngayon ka lang? " humalukilkip ako sa harap nya. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Nilapag nya ang kanyang bag at inalis ang neck tie saka ako nilagpasan.
What? Nilagpasan ako? Yung beauty ko nilagpasan? At parang ang sungit nya ata ngayon? Sinilip ko sya sa kwarto nya at saktong paglabas nya sa c r.
Lumapit sya sa kunaroroonan ko at hindi ko alam ang sasabihin ko. "um ahh "
Akala ko ay may sasabihin sya ngunit nabigla ako ng isinara nya ang pinto. Kumalabog ang dibdib ko.
"Bakit." Naibulong ko na lang sa sarili ko .Kinaumagahan ay dinala ko si Austin sa mall para makapaglibang man lang pero sa totoo'y na sstress na ako kay lance . Hindi nya talaga ako kinakausap.
Sa sobrang pagiisip ay nabangga ako humingi agad ako ng paumanhin. "sorry po " .
"erika? " . Inangat ko ang ulo ko. It's lukas.
"hi " pilit akong ngumiti.
Si lukas naman ay mukhang mabait sinamahan nya kaming mamili ng anak ko maghapon sa mall. Masaya syang kasama dahil sa mga korni nyang jokes. Pero palagay ko may itinatago yang mukhang yan. Hindi kasi pwedeng puro saya na lang diba? Ano sya perpekto?
Lumabas kami sa mall alas singko ng hapon pero nabigla ako sa nakita ko.
"lance? " gulat ko.
Sa tapat ng mall ay may cafe house at doon ko sya nakita, na may kasamang iba. Sumikip ang dibdib ko . Bakit? Nakita din ito ni lukas at agad nyang hinawakan ang kamay ko. Masayang nakikipag usap sa babae si lance habang ako'y gumuguho.
"Halika na ibaba muna natin yang pinamili mo sa kotse " sinabi ni lukas.
Hinatid nya ako hanggang bahay ng walang imik. Tanging ingay lang ng anak ko ang maririnig. Hindi na nagsalita si lukas na para bang ang lalim ng iniisip.
Bumaba kami at nagpasalamat sa kanya.
"erika! " nabigla na lamang ako sa sumalubong sa amin .it's Miss shasha na ang ganda ganda kahit nagbubuntis sya ngayon. Malawak ang ngiti nito na sumalubong sa amin.
"ate bakit ka nandito? Si tito po? " tanong ko.
Tumingin sya kay lukas. "who are you ?" tumaas ang kilay nito. Nag panic agad ako.
"ate si lukas po kaibigan ko " . Tinago nya ako sa likod nya. Hala patay na!.
"so you are the Chef Lukas Hyun huh? " napakamot sa batok si lukas.
"yes miss nice to -"
"tara na erika sumasama ang pakiramdam ko dito " binitbit ko na ang pinamili ko at stroller ni Austin.
I feel some tension over there my god. Di pa rin sya nagbabago .
Nasa hapag kami noong dinner apat si ate si Austin si lance at ako. Pinapakain ko ang anak ko para may magawa dahil sa awkward moment na ito. Parang nag uusap ang magkapatid sa isip lang at labas kami ng anak ko sa ka abnormalan nila.
BINABASA MO ANG
My Possessive Crush
ChickLit"it seems like i stubbornly in love with that guy ..."- erika __________________________________________________ "just shut up , and let me protect you ......aren't you my girlfriend?" lance -------- "I can be her Possessive Man too '- Milo. ...