Chapter 1: Crescent University
Crescent University.
Ang eskwelahang pinakaaasam ng maraming estudyante na hindi ko maintindihan. What's so extravagant about this school? Bukod sa yes, napakalaki at maganda ang mga facilities dito ay wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit marami ang nagkakandarapa sa eswelahang ito.
I've heard a lot about Crescent University like all the students who attend here come from wealthy and reputable families. But frankly speaking, I think it didn't do any justice sa kung gaano talaga karangya ang school na ito.
Bukod kasi sa university mismo nito, halos lahat na yata na kailangan ng mga estudyante ay makikita na sa loob mismo ng vicinity ng Crescent.
Nandito na ang isang shopping district kung saan pwedeng mag shopping ang mga estudyante, mga food chains, malls at maging mga pasyalan like amusement parks.
Can you believe that? Kung ano ang makikita mo sa labas ng Crescent ay meron din sa loob nito. Expected naman siguro yon dahil this school is not your ordinary school.
Nasa loob na nga rin nito ang mga dorms naming mga estudyante. Scent dorms are for girls and Crest for guys. Ang cute diba?
Sa kadahilanang halos nandito na rin naman ang lahat ng kailangan ng mga estudyante maging ang mga dorm ay hindi pwedeng lumabas ang sinuman sa Crescent University. Well, ayos lang naman sakin yun basta ba I can always do my favorite hobby which is shopping.
Hindi lang yun ang meron dito, may something pa ang school na ito. Mainit ang usapan ng mga Half Moons (2nd and 3rd year students) at Full Moons (4th and 5th year students) sa aming mga Frosh tungkol sa inaabanggan daw nilang tradisyunal na laro? How corny ha!
Narinig kong Never Had I Ever ang tawag sa larong i'yon. What's with that game? It sounds exciting at the same time creepy.
Half Moon and Full Moon students are what we, Crescentium students, call to our Juniors and Seniors, respectively. This school is so creepy. Parang sinamba na ang lahat ng moons kasi naman ay halos lahat ng lugar sa loob ng eskwelahang ito ay may connect o related sa mga buwan.
Miski ang head-mistress ng eskwelahang ito na anak ng may-ari na si Luna Crescent ay talagang nakakakilabot. Her full name clearly talks about moon plus she's also creepy! Para siyang napapalibutan ng kaka-ibang awra. Kahit pa sabihin na nating maganda siya at napaka maamo ng kanyang mukha ay creepy talaga. I can't even stare back at her kasi parang binabasa ka nya na ewan.
Habang ako at si Laurence na bitch-friend forever ko ay naglalakad papasok sa main hall ng Crescent University. Hindi namin maiwasang mamangha sa aming nakikita. Para kaming nasa isang castle na kung saan sa loob ng palasyong iyon ay naghihintay ang aming prince charming!
Nakasuot ako ng isang long black gown na hapit sa katawan ko. Long sleeves siya at walang kahit anong design maliban sa kakaibang pagkakatahi sa waistline. Ito ang mga tipo ko, simple but classy.
"Are you listening, Allison?" Para bang kusang bumalik ang sarili ko sa katinuan nang marinig ko ang iritableng boses ni Lauren.
Bagay na bagay sa best friend kong singkit ang kanyang daring long black gown na mayroong mga swarovski bilang disenyo sa unahan.
"Yes, Laurence?" Kaagad kong tugon sa kanya na para bang kakagaling ko lang sa isang mahaba at malalim na pag-iisip sa isang bagay na wala namang katuturan.
"I told you, don't call me by my real name. How many times do I need to tell you that?" Medyo mahina pero mariin niyang sambit.
Ayaw na ayaw niyang tinatawag na Laurence dahil katunog daw ng pangalan ng kuya niyang si Lawrence o mas kilala sa pangalang Law. Hindi ko naman sinasadyang tawagin siyang Laurence ngayon, eh. Nabigla lang po ako, tao lang. He-he.
"Ano yun, Lauren?" Ulit kong tanong sa kanya.
Narinig kong nagsasalita si Lauren sa tabi ko pero hindi ko siya gaanong naririnig dahil ang isip ko ay naglalakbay sa kung saan. Huminto siya sa pagsasalita at tinapik niya ang balikat ko, "Are you even listening?"
"Of course, I am! Go on," Sambit ko sa kanya kahit hindi ko alam kung anong mga pinagsasasabi niya.
Nagpatuloy si Lauren sa pagku-kwento sa akin ng kung anu-ano kabilang na ang mga kumento niya sa aquintance party-ing ito.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Ang theme ng party-ing ito ay gold and black. Ang mga mantel at ang buong venue ay napapalibutan ng kulay gold okaya naman ay may halong gold. Mayroon pang red carpet sa gitna at stage sa unahan. Karamihan naman sa mga estudyanteng katulad namin ay nakasuot ng kulay black.
"Allison Reid, are you deaf?" Malakas na pagkakasabi ni Lauren.
Mabilis pa sa alas quatro ay nakuha niya ang atensyon ko. Medyo inis na siya sa akin dahil tinawag na niya ako sa buo kong pangalan. Mukha yatang may iniuutos siya sa akin pero hindi ko siya naririnig.
"Yeah? I'm listening," Sagot ko sa kanya kahit kanina pa naglalakbay ang isip ko sa kung ano.
"I said, fill this up. Puro arte kasi ang pinapairal. Get back to your senses!" Sambit niya.
Medyo napalakas ang pagkakasabi ni Lauren sa akin nun dahilan para mapatingin ang ibang mga tao sa amin.
Nahagip ng mata ko ang isang lalaking naka itim na tuxedo, matangkad, maputi, maganda ang tindig na mapaghahalataan mong mag-abs, kulay blue ang buhok at maraming piercing sa tainga na nakatingin sa aming direksyon.
Gusto kong masuka sa aking nakita. Spell yuck? Bakit may nakapasok na isang delinquent student dito sa Crescent University? Akala ko ba puro mayayaman at galing sa mga respetableng mga pamilya ang mga nag-aaral dito?
May kasama siyang isang babae at isang lalaki na kaparehas niyang may awrang gangster. Yung babae ay may makapal na eyeliner sa mata dahilan para magmukha siyang emo. Ang isang lalaki naman ay kulay itim o brown ang buhok ngunit katulad nung isa ay mayroon din siyang mga piercings sa tainga.
"Fill up-pan mo na kasi 'to, Allison. Kung saan-saan ka pa kasi nakatingin," Sambit ni Lauren sa isang mas finesse na tono.
"Alright." Sambit ko.
"Good. Kukuha lang ako ng drinks natin." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko dahil tumalikod na kaagad siya.
Binalinggan ko ng tingin ang iniabot na papel ni Lauren sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang unang mga salitang nakasulat. This is the famous never had I ever game!
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...