Chapter 5

2.1K 53 3
                                    

Chapter 5: Some People Just Can't Walk The Talk


Automatic na tumaas ang kilay at alta presyon ko dahil sa lalaking nakabungguan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" May halong pandidiri sa tono ng pananalita ko.

"Why?" Casual na tanong niya.

Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay may kinuha siya sa kanyang bulsa. Pinindot niya ang unlock button galing sa remote ng kotse niya, malamang. Kaagad namang nag-unlock ang isang kotse mula sa di kalayuan.

Ang yabang!

Tinapunan ko ng tingin ang sasakyan niyang na-unlock sa 'di kalayuan. Ang yabang talaga! Kulay itim na BMW convertible ang sasakyan niya.

"Tsk. Baka gusto mong ipa-alala ko sayo ang nangyari kaga—" I cut him off.

Anong gusto niyang iparating? Hindi ba niya alam na sobrang nakakahiya gusto niyang sabihin? Hindi lang siya gangster at manyak, wala din siyang respeto!

"Shut up and get out of my way, will you?" Sambit ko.

"Arte talaga." He murmured.

"What did you just —" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay biglang tumunog ang mga bell na nakapalibot sa buong Crescent University — naagaw nito ang atensyon naming dalawa.

"Calling for the attention of Mr. Sky Schreiber and Ms. Allison Reid of New Moons, class of Civil Engineering. The class of Professor Mondego is waiting for you. Please proceed to your respective classes now."

Wala akong ideya kung sa bakit ako pinapatawag ng aming propesor. Nakapagpaalam na ako sa kaniyang hindi ako makakapasok ngayong araw dahil sa aking photoshoot, ah?

At isa pa, bakit kasama ang lintek na gangster na 'to?

"Oh paano? Mauna na ako." Naglakad siya sa kaniyang kotse na naka-park sa 'di kalayuan.

Inabot ako ng ilang minute bago ako makadating sa klase ni sir Mondego. Ganun ba ka-importante ang sasabihin niya para i-cancel ko ang photoshoot ko today? Mabuti na lang dahil agency namin ang may hawak ng photoshoot na iyon at kadikit ko ang mga photographers kaya walang problema.

Pagka-upong pagka-upo ko ay may kung sinong barabas ang kumalbit sa akin. Ayoko pa naman sa lahat ng kinakalabit ako. It's so disrespectful kaya.

"What?" Mataray kong tanong.

Kung kanina ay mataas na ang dugo ko ngayon ay mas lalong tumaas. Kung sinuswerte nga naman ako. Siya nanaman! Talaga bang pinagtatagpo kami para sirain ang araw ko?

"Sungit." Para bang nawalan siya ng ganang sabihin ang sasabihin niya dapat.

Kahit pa nakita kong ang cute na cute siya habang nagpo-pout ay hindi iyon effective sa akin!

"As you all know, Moon Isis Festival is just around the corner. Since all of you are new here, I'll give a brief introduction about this festival," Paninimula ng aming nasa late 50's naming propesor.

"Moon Isis Festival is considered a grand party for all. You'll have the opportunity to meet new faces and form bonds with the others. And so to make this event successful, we need to appoint representatives from each level."

"Based on the popularity poll among you, New Moons, Ms. Allison Reid and Mr. Sky Schreiber will be your batch representatives for our upcoming Moon Isis festival. I hope these two will do a great job for us. That's all for today. Class dismissed."

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon