NOTE: What can you say with our new book cover? Haha! YAY
Chapter 8: Pissed
Buong araw akong nawalan ng gana dahil sa nangyari kahapon.
I've heard na ganun daw talaga si Mrs. Pezquina sa mga model na hindi pa nakakagawa ng kanyang mga gawa kaya dahil dun ay medyo umayos ang pakiramdam ko.
Si Mrs. Pezquina kasi ang paborito ng mga local and international models dahil kahit basahan pa ang iparampa niya sa runway ay talagang sisikat ito at mabebenta.
Pati tuloy ang mga models na nagsusuot ng mga gawa n'ya ay nagiging in-demand sa market. That's what the fashion industry called Mrs. Pezquina's touch. There's no other way but to be on the top.
So now tell me, who wouldn't be interested to her?
Ngayon ang pangatlong gabi ng Moon Isis Festival. Niyaya lang ako ni Lauren na sumama sa kanya dahil napansin niyang off ako buong araw. Nandito kami ngayon sa auditorium kung saan gaganapin ang auction ng mga Full Moons.
Sa totoo lang ay ayoko naman talagang pumunta. Sumama lang ako kay Lauren at ayoko namang masabing mahirap ng mga batchmates ko kaya sumama na din ako. Pagta-tsagaan ko nalang 'tong event na 'to.
You know me pals, my image is everything above all. Hindi uso sakin ang pangit nga pero maganda naman ang ugali. Like what kind of hypocrisy is that? Kahit pag bali-baligtarin ang mundo, ang magaganda pa rin ang unang napapansin.
Mabuti na lang dahil hindi ako binuwisit ni Sky ngayong araw. Medyo nahihila lang naman kasi ako sa kanya dahil umiyak ako sa kanya kaganda. And yes, marunong din akong mahiya kahit sobrang ganda ko.
Subukan lang talaga niya akong asarin tungkol sa pag-iyak ko kagabi ay malalagot siya sa akin. Gagawin kong color red ang bubble gum niyang buhok!
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang event. May mga hawak na rin kaming mga numbers kung sakaling gusto naming mag-bid.
"Allison! Answer your goddamn phone!" Mahina ngunit iritadong sambit ni Lauren na nasa tabi ko.
"Huh?" Tanong ko rito dahil hindi ko siya narinig. Medyo maingay rin kasi dito sa auditorium dahil sa mga background music.
"I said, answer your phone! Kanina pa nagri-ring yan." Ani Lauren.
"Sorry! Give me a minute." Tugon ko sa kanya atsaka ko sinagot ang aking phone sa labas ng auditorium.
Nag-effort pa talaga akong lumabas ng auditorium para lang sagutin ang tawag na ito ha. This should be important!
"Hello?" Sagot ko. Hindi na ako nag-aksaya pang tignan kung sino ang tumatawag.
"Good evening, Miss Maarte!" Mapang-asar na pambunggad sa akin ng nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko.
"Bakit ka naka-simangot? Lalo kang pumapangit 'pag ganyan ang itsura mo." Dugtong pa niya.
Hindi ko na kailangang manghula kung sino ang tumatawag sa akin. Wala namang ibang tatawag sa akin para lang asarin ako. It's Sky! Dapat talaga ay hindi na kami nag exchange numbers. Kung hindi lang dahil magka-partner kami dito sa festival na 'to ay hindi niya makukuha ang number ko.
I'll delete his number after this call, I swear!!!
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Paano naman niya nalaman ang itsura ko ngayon? Manghuhula na ba siya ngayon or something?
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...