Chapter 49

1K 34 1
                                    


Chapter 49: Hindi Pa Pala



"What the fuck is that, Allison?" Nakataas ang kilay ni Lauren sa akin.

"Anong mga pinagsasasabi mo kay Sky, Allison? Nababaliw ka na ba?" Medyo galit ding utas ni Gail.

"What?" Medyo pasigaw kong utas sa kanila.

"Allison, I think dapat hindi mo sinabi yun." Mas malumanay na sambit naman ni Jennifer.

Nagkakagulo kami ngayon dito pagkabalik namin sa aming suite. Nalilito naman ang mga mata ni Chelsea dahil hindi niya nakukuha ang pinaguusapan namin.

"Kumalma nga kayo, girls! Anong problema?" Tanong ni Chelsea sa amin.

Tumingin ako kay Lauren at inirapan niya lamang ako.

"Yang kasi si Allison." Huminga ng malalim si Gail. "Well to cut the story short is nakita namin si Sky sa baba kanina. He's with his friends, I think? At itong si Allison ay may kung anu-anong sinabi."

Nanlaki ang kanyang mga mata, "Sky? Sky Schreiber? Yung ka-something ni Ali--"

"Yes." Sagot ni Jennifer. "Bakit mo ba kasi ginawa yun, Ali? I think he's cool with you kaya dapat ay cool ka na din,"

"Chill guys. Ano ba!" Nagkunwari akong natatawa. "Kaya ko nga yun nasabi dahil cool na ako," Dugtong ko.

You are a big liar, Allison. Ikaw, cool? E halos malusaw ang mga tuhod mo kanina dahil sa kanya pagkatapos ngayon ay magtatapang tapangan ka at sasabihin mong cool ka?

It's just that, I don't want them to see me that I'm still hurting. Defense mechanism ko na lang siguro iyon. I already built concrete barriers around my heart. Kung mayroon man siyang bago ngayon ay dapat cool ako lalo na sa kanya, sa kanila.

I can't let them see that I'm suffering so much. Tama na ang apat na taon. I need to stand on my feet because this is all for me. Gagawin ko ito para sa sarili ko.

Napa iling na lamang sila sa akin. Lauren probably know that I'm lying pero sa tingin ko naman ay hindi niya iyon sasabihin sa iba pa naming mga kaibigan.

"If that is what you say, sige." Huminga ng malalim si Gail. "I don't want to ruin the mood anymore, who's gonna join me to boy hunt?" Dugtong niya.

Umiling ako. I already lost my mood.

Sumama sa kanya si Jennifer. Si Lauren naman ay lumabas ng suite dahil may kausap siya sa kanyang cellphone.

Humiga ako sa katabing pwesto ni Chelsea.

"Are you alright?" Nag aalala niyang tanong sa akin.

"O-oo naman," Nag iwas kaagad ako ng tingin.

Am I really alright? No but I must keep pretending. Kahit sa vacation lang naming ito dahil pagkatapos nito ay magiging busy na kaming muli sa pagre-review para sa board exam. Hindi na ulit kami magkikita ni Sky pagkatapos nito. That's for sure.

Ilang oras akong nakatulog. Nagising lang ako dahil sa maingay na si Gail na tumatalon talon pa sa kabilang kama. I wonder why she's seems so happy. Baka nakahanap na ng bae.

"Ayan gising na si Allison." Sambit ni Jennifer.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"Six thirty. Kakain na tayo ng dinner." Sagot niya.

Nakita kong lumabas ng bathroom si Lauren. Nakapag palit na siya ng damit. Nang tignan ko silang apat ay pare-parehas na pala silang naka maxi dress.

"Mag ayos ka na, Ali. We'll going to eat after mo mag ayos," Sambit ni Chelsea.

Tumango ako at saka dumiretsyo sa bathroom para makapag ayos na din. Nakakahiya naman dahil mukhang hinintay lang nila akong magising para makakain na ng dinner.

"Gosh! He texted me na!" Kinikilig na sambit ni Gail.

Pagkatapos kong magbihis ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. I'm wearing a white floral tube maxi dress. Nagdala din ako ng sarong dahil baka mamaya ay lamigin ako.

Sa katabing seafood restaurant kami kumain. Kumpleto na kaming pito ngayon kasama sina Rocelle at James.

Inilibot ko ang aking paningin dahil baka mamaya ay makita ko siya. Mind you, hindi ko siya hinahanap!!

Sa isang long table kami pumwesto. Biglang tumayo si Lauren na nasa tabi ko at may kinausap. Ilang saglit pa ay dumating ang naka ngising si Sky at isang babae na kasama niya.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. Ano 'to?

"Sorry, medyo late kami." Sambit ni Sky tsaka pumwesto din sa tapat ko. Ganun din ang babaeng kasama niya.

"This is my friend Georgy," Pagpapakilala niya sa babae.

"Friend lang, Sky?" Natatawang biro ni Gail.

Tumawa ang babae at saka umiling. I must admit, she's so gorgeous. Para siyang may lahing Australian or something sa ganda niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-insecure.

Naka-tiim ang bagang ko habang nagpipigil ng emosyon.

"Friend lang, Gail!" Sagot naman ni Sky. Friend your ass!

Nagsimula na kaming kumain. Ako naman ay hindi ko mawari ang magiging reaksyon ko. Kasama ni Sky ang girlfriend niya. Fuck!

Nagkwe-kwentuhan at tawanan silang lahat maliban sa akin na nasa pagkain ang buong atensyon. Gusto kong mabilis matapos sa pagkain para makapag pahinga ng saglit at didiretsyo na ako sa beach party sa 'di kalayuan.

Pasimple akong bumulong kay Lauren na nakikitawa din sa kanila. "What the hell is this, Lauren!" Medyo mahina ngunit may diin kong sambit.

"Akala ko ba cool ka?" Sagot niya.

Napa-irap ako. Magaling! Magaling! Mukha yatang pinlano nila ito habang natutulog ako.

Pinilit kong sulyapan ang si Sky na naglalagay pa ng ulam sa plato ng girlfriend niya. Fudge! Mamamatay na yata ako sa sobrang pagka-insecure!

"Rice pa, Ali?" Sambit ni Sky sa akin saka akmang lalagyan ng kanin ang plato ko.

"N-no, t-thanks. B-busog n-na 'ko," Tinitigan ko siya pabalik at tsaka ako kumurap. Biglang may bumagsak na luha na kanina pa nagbabadya. Kaagad ko iyong pinunasan. He saw my crying!

I cleared my throat. Not now, Allison! Mabuti na lang dahil busying busy ang mga kaibigan ko sa pagkwe-kwentuhan. Tanging si Sky lang ang nakakita sa pagtulo ng luha ko. Masyado palang masakit. Akala ko ay kaya ko na, hindi pa pala.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"U-uh, y-yes." Muling tumulo ang mga luha ko at napatungo na lang ako habang pinupunasan ko ang mga iyon.

"E-excuse me," Tumayo ako at tsaka dire-diretsyong lumabas sa restaurant na iyon.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon