Chapter 41

1.1K 34 2
                                    

NOTE: Happy Valentines Day, everyone! 


Chapter 41: Never Had I Ever


"Uh, yeah? Naglalakad na ako papunta jan." Sambit ko kay Sky na kausap ko sa kabilang linya.

"Dapat sinundo na lang kita."

"No! Okay lang naman. See? Nakapunta ako dito." Proud kong sambit.

"Even though." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Oh! I can already see you from here. Look straight ahead." Nakita kong sinunod niya ang sinabi ko. Kumaway ako sa gawi niya para malaman niyang ako ito.

Mas binilisan ko ang paglakad, "You look so serious. Are you pissed?"

"No, I'm just... stunned." Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya ay mas lalo kong nakikita ang mukha niya. Titig na titig siya sa akin kaya naman medyo na na-conscious ako sa sarili ko.

"Heh! Ang aga mong mangbola."

Pinatay ko ang linya ng tawag nung makalapit ako ng tuluyan sa kanya. Hinalikan ko siya sa labi at nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Ang cute talaga!

May usapan kami ngayon na maglu-lunch kami together at sabay na magre-review para sa nalalapit na prelim exam. Medyo nahihiya akong sumabay sa kanya sa pagre-review dahil sa pagkakaalam ko ay matalino siya. Kamusta naman ako?

Nagtungo kami sa isang pizza parlor dahil dito ang gusto ko. Medyo matagal na din akong nagcra-crave sa pizza at tsaka ko na lang iisipin ang page-exercise kapag sinipag na ulit akong mag-diet.

"I thought you don't like pizzas?" Tanong niya.

Tinitigan ko muna siya bago ako sumagot. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang kanyang mga pilik mata. His eyes are expressive.

"Wala akong sinabing ganyan, no." Pagtangi ko.

Umorder siya ng isang good for four person na Manhattan pizza, chicken wings, mojos, spaghetti meatballs at soda.

"Bakit ang dami mong inorder, Sky?"

"Because you look sa thin. Tigilan mo na ang pagdi-diet. Okay na yan." May awtoridad niyang sambit.

"Okay po," Tumango ako sa kanya na parang bata. "Saan tayo magre-review?"

"Where do you want? Sa stadium sana." Sagot niya.

Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pagkain. Masyado itong marami para sa aming dalawa. Pinabayaan ko nalang siya sa gusto niyang mangyari. Ginugutom na din naman ako kaya naman kakalimutan ko muna ang pagdi-diet ko.

Nakahalumbaba ako kay Sky habang pinapanood ko ang ginagawa niya. Seryoso ang mukha niya habang naglalagay ng mga pagkain sa plato ko. Hindi ko mapigilan ang pagngiti sa ginagawa niya.

"Why are you staring?" Naputol ang pagtitig ko sa tanong niya.

Ngumiti ako at tsaka umiling. "Wala,"

"Kain na!"

Tinitigan ko ang plato kong puno ng spaghetti meatballs, isang slice ng pizza, at chicken. Kaya ko ba itong ubusin?

"Ang dami ng nilagay mo! Kasya ba itong lahat sa tiyan ko?" Kunwari akong sumimangot sa kanya.

Tumawa siya. "Kainin mo yan. Bata nga kasya jan, yan pa kaya."

"What? Gago!" Mura ko.

"Why? Totoo naman."

"Hindi naman kasi sa tiyan yun!" Dipensa ko.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon