Chapter 33

1.2K 35 6
                                    

Chapter 33: Surprise Gift


Nang sumunod na araw ay hindi ako pumayag sa gusto ni Sky na before lunch niya ako susunduin dito sa bahay, kaya naman napagkasunduan naming sa gate na lang ng subdivision niya ako susunduin.

Nagpahatid pa ako sa driver papunta sa gate dahil ayokong maglakad.

Nakasuot ako ng simpleng navy blue three-fourths flare dress na mukhang gawa sa lace sa unang tingin at isang pares ng cream high heels. Ito na yata ang unang beses kong magsu-suot muli ng high heels pagkatapos kong maaksidente.

Pagkababa ko ng sasakyan ay naabutan ko na ang guwapong guwapong si Sky na nakapamulsang nakasandal sa kulay itim niyang BMW 4 convertible.

Nakasuot siya ng dark jeans, topsider shoes, at white polo shirt na may kulay blue na eagle sa gilid at konting touch ng blue at naka-wayfarers pa. Nakita ko ding may bouquet na nakapatong sa hood ng kotse niya.

Gustong gusto kong sumigaw ng "Ang gwapo mo!" Pero pinigilan ko ang sarili kong sabihin yun dahil baka lumaki ang ulo ng isang 'to. Mahirap na.

Umayos siya ng tayo nang makita niya ako. Tinanggal niya ang wayfarers niya at bumungad sa akin ang naka-ngisi at guwapo niyang mukha. Nagtama ang mga mata namin at uminit ang pisngi ko dahil dun.

Lumakad ako papalapit sa kanya at iniabot niya sa akin ang bouquet ng flowers na kanina lang ay nakapatong sa hood ng lintek sa ganda niyang sasakyan.

"Surprise!" Sambit ko sa kanya nang medyo makalapit ako sa kanya. Umikot pa ako para maipakitang ayos na ang paa ko.

Ngumisi siya at kinagat ang pang-ibabang labi, "Why didn't you tell?"

"Kasi nga surpise diba!" Sagot ko.

Hinawakan niya ang beywang ko at ipinulupot niya ang mainit n'yang mga braso dun. Inilapit niya ang katawan ko sa kanya at ibinaba niya ang mukha niya sa pisngi ko. Akala ko ay hahalikan niya ako kaya naman bigla akong nagsalita.

"Iiwanan kita kapag hinalikan mo ako," Seryoso kong sambit.

Narinig ko siyang tumawa. Mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa may bandang tainga ko at bumulong sa akin.

"You damn smell so nice," Uminit ng husto ang pisnge ko at halos mabitiwan ko ang bouquet na hawak ko.

Lumayo siya sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan para makapasok na ako. Umikot siya sa driver's seat at nakita kong nakasalubong ang mga kilay niya. Anong problema ng isang 'to? Akala ko ba I damn smell so nice?

Pagkapasok niya sa driver's seat ay may kinuha siya sa likuran. Inabot niya yun sa akin at kinuha ko naman.

"Ano 'to?" Tanong ko. Isa yung paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman.

"Wear that. I want you to wear that," Sambit niya habang nakatingin sa dinadaanan.

Kahit pa minsan ay ngumingisi siya ay nakakunot ang noo niya habang nagdi-drive siya. Bukod ba sa mabango ako ay hindi niya na-appreciate ang ginawa kong pag-aayos?

Binuksan ko ang paper bag at nakita kong isa yung pares ng itim na flat shoes, "Ayos naman ang sapatos ko, ah?" Tanong ko.

"Ayos pero hindi ayos sa akin," Sumimangot ako sa sinabi niya.

Kahit na gustong gusto ko ang kulay cream na high heels kong ito ay igi-give up ko nalang muna dahil paniguradong kapag hindi ko siya sinunod ay mabu-bugnot ang isang 'to.

Ngumiwi ako sa gusto niya pero dahan-dahan akong nagpalit ng sapatos. Tinitigan ko pa ang black flat shoes na binigay niya dahil baka hindi yun kasya sa akin.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon