Please do not forget to vote and comment guys!!
Chapter 21: To Forget
Kahit gustong gusto kong umalis ngayon ay hindi ko magawa. Ayoko namang maging bastos sa paningin ng dalawa niyang kaibigan dahil mukhang mababait naman sila.
Pagkabalik ko sa aming lamesa ay naka-serve na ang mga pagkain. Mukhang ako nalang yata ang hinihintay nila.
Umupo ako sa katabing upuan ni Sky.
"Ang tagal mo," Bulong niya sa akin.
"Sorry," Hindi ako lumingon sa kaniya.
Nagsimula na kaming kumain habang sina Max at Jace ay parehong madaldal at tawa ng tawa. Sinasabayan din ni Sky ang mga biro at tawanan nila. Kinakausap din nila ako minsan. Sa tingin ko ay ginagawa nila i'yon para hindi ako ma-out of place sa kanilang tatlo o talagang feeling close lang ang dalawa.
Tahimik kong tinusok ng tinidor ang manok na kinakain ko.
"So what's your course, Allison?" Pormal na tanong ni Max sa akin.
Sumipsip ako ng iced tea bago ko siya sinagot, "Civil Eng. Uh, Ali nalang." Sagot ko.
"Oh, talaga? Parehas pala tayo!" Magiliw na sambit ni Jace.
Hilaw akong ngumiti bilang tugon.
Pagkatapos nuon ay panay 'oo', 'hindi', 'baka', 'sana' na lamang ang sinagot ko. Napansin ko ring pilit na ginagawang buhay nina Max at Jace ang usapan.
I somehow feel guilty because I can see their efforts just to keep up the conversation with me but I'm just really, really not in my mood right now.
Sinusulyapan din ako paminsan minsan ni Sky. Sa tingin ko ay nagtataka siya kung bakit ganito ang asal ko. Kasalanan mo ito, asshole!
Tahimik ang naging byahe para sa aming dalawa pabalik ng school. Pinark niya ang kotse niya sa parking lot ng Scent dorm.
"Thanks," Lalabas na sana ako ng kotse niya nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko para pigilan akong makalabas.
"You okay?"
Nilingon ko siya, "O-oo naman!" Pinilit ko pang tumawa para lang mapaniwala kong ayos lang ako. "Bakit?" Tanong ko pa.
Huminga siya ng malalim, "Good. Wala naman,"
Tuluyan kong binuksan ang pintuan at lumabas na ako. Ganun din ang ginawa niya.
"Bakit ka sumunod?" Nilingon ko siya pabalik.
Nagtataka ako kung bakit siya sumunod sa akin dahil wala naman na siyang gagawin dito sa dorm. Saka nawiwili siyang pumunta ng dorm namin. Alam ko namang bawal ito ngunit sadyang walang sinasanto ang isang 'to.
"Wala, bawal ba? Patambay naman?" Sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "M-may gagawin pa kasi ako,"
"Huh? Ano? Tulungan na kita!" Anyaya niya.
"Wag na. Kaya ko naman. Tska, ano kasi, ayaw na ni Lauren nagpapapasok ng lalaki sa dorm," I lied.
Talaga naman kasing bawal magpapasok ng lalaki sa dorm namin ngunit nag-isip lamang ako ng maidadahilan para hindi na ulit siya dumalaw o magpunta sa dorm namin.
Hindi dapat ginagawa ng magkaibigan ang mga ginagawa ni Sky para sa akin. Hindi dapat siya pumupunta sa dorm dahil bawal i'yon.
Ako rin naman kasi ang may kasalanan kung bakit ba kasi hinayaan ko siya.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...