Chapter 31

1.2K 40 2
                                    

Chapter 31: Forgiven


Hinawakan ko ang dibdib ko para pakiramdaman ang puso ko. Ang kaninang galit, inis at pagka-irita ay napalitan kaagad ng magkahalong paghuhumarentado at kilig ng dahil kay Sky.

Ikaw lang ang nakakagawa sa akin ng ganito, Sky. Binabaliw mo ako ng husto pero hindi dapat ganito kabilis!

Kumakalabog ang dibdib ko nang makarating kami sa tapat ng unit namin. Buhat-buhat ako ni Sky na hanggang ngayon ay walang tigil sa kasasalita.

"Am I forgiven already?" Hindi ko mabilang kung naka-ilang tanong siya sa akin ng tanong na yan.

"I understand," Sagot ko.

I'yan din ang paulit ulit na sagot ko sa kanya. Naiintindihan ko na kung bakit siya masyadong sensitive sa tuwing pamilya o ang mommy niya ang pinag-uusapan.

"But that's not my question," Giit niya.

"Fine, you're forgiven," Sambit ko.

Totoong pinapatawad ko na siya. Wala na din naman kong magagawa. It's either I will forgive him or I will forever have this anger against him. Tsaka wala naman akong magagawa kung ganun talaga ang tingin niya sa akin.

People will still like or hate me for who I am. The only matter here is how you will handle the situation.

"But I don't forget, Sky," Dugtong ko.

Huminga si Sky ng malalim bago ako sinagot, "I understand,"

I may forgive but I do not forget. There's this piece of his words that I will always carry on the back of my mind.

Pinagbuksan kami ni Lauren ng pintuan. Nakaramdam ako ng hiya dahil naalala kong buhat-buhat ako ni Sky at si Janus ay nandito sa sala namin.

"Dito nalang muna ako sa sofa, Sky," Sambit ko.

Inupo niya ako sa katapat na sofa kung saan naka-upo si Janus. Umupo naman si Sky sa tabi ko. Hindi naman sa pinapa-alis ko siya pero ano pa bang gagawin niya dito?

Nakita kong nagbatian sila ni Janus na siyang dorm mate pala ni Sky.

Nakapameywang na humarap sa amin si Lauren. Magsusungit nanaman siguro ang best friend ko.

"Saan kayo nagpunta?" Medyo nauulinigan ko ang mataray na tono ni Lauren.

"Ah- jan lang!" Nagmamadali kong sagot kay Lauren.

Tinignan ako ni Sky na para bang nagtataka kung bakit hindi ko sinabi ang totoo kung saan kami nagpunta. Binalewala ko na lang 'yun.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng awkward feeling dito dahil parang kalmadong kalmado si Sky na nakikipag usap pa kina Janus at sa best friend ko.

Nang sumunod na araw ay mas maaga akong nagising dahil sa sobrang bagal kong kumilos.

Mas inagahan ko ang gising dahil may usapan kami ni Sky na susunduin niya daw ako bilang pambawi dahil first off all, siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako nagkasugat.

I have to admit na may naging kasalanan din ako pero ewan ko ba kung bakit parang masyado yatang na-konsensya si Sky. Pinabayaan ko na lang siya sa gusto niyang maramdaman o isipin.

Sinundo ako ni Sky sa tamang oras. Pinagtalunan pa namin ang pagbubuhat niya sa akin dahil nahihiya akong magpabuhat. Sino ba naman kasing hindi?

"'Wag na kasi!" Giit ko sa kanya pagkapasok niya ng unit namin.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon