Chapter 23: Miss Na Miss
Paggising ko kinabukasan ay inaya akong mag-gym ni Lauren, tinanggihan ko siya. Mukhang hindi na yata ako babalik pa sa gym na i'yon o matatagalan pa bago ako bumalik muli.
Medyo maayos na ang pakiramdam ko kumpara kagabi.
Natulog lang ako buong araw.
Dinungaw ko ang aking telepono paggising ko. Nakita kong may iilang text doon si Sky at isang mensahe galing sa aking email.
Kaagad kong binasa ang mensahe sa email ko at nakita kong i'yon ang confirmation galing sa agency ni Mrs. Pezquina.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya. Muli kasing nabuhay ang takot sa aking sistema nang makita ko ang lalaking i'yon.
Nag-reply ako sa mensaheng i'yon at nagsabing hindi na ako makakadalo. Humingi ako ng paumanhin dahil paniguradong bawas puntos nanaman sa akin i'yon kay Mrs. Pezquina.
Sana ay hindi ko pagsisihan ang desisyon kong ito.
Ang gusto ko na lamang gawin ngayon ay ang pumasok sa mga klase ko, umuwi ng maaga at umiwas kay Sky. Isa pa ang lalaking i'yon! Magkaibigan lang kami. Okay, natanggap ko na sinabi niyang i'yon kaya hindi na dapat niya ako pinapaasa sa mga mabubulaklak niyang mga salita.
Binasa ko ang mga text message na galing sa kaniya.
Sky Schreiber:
Good morning! Nag-gym ka daw kahapon? Sana sinama mo ako. :)
Sky Schreiber:
Bakit hindi ka nagre-reply? Are you mad?
Sky Schreiber:
Noong isang araw pa ako nagte-text sayo. I'm really worried dahil simula noong nag-lunch tayo kasama ang mga kaibigan ko ay naging malamig ang tungo mo sa akin. Please reply. :(
Sky Schreiber:
Mag-reply ka naman ng kahit ano, please?
Nag-type ako bilang reply.
Ako:
Bakit?
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto at nakita ko sa screen ng aking telepono na tumatawag si Sky.
Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko bago ko sinagot ang tawag niya.
"Hello?" Sambit ko.
"Allison," Husky niyang pagkakasabi sa aking pangalan. Tumaas ang balahibo ko dahil doon.
"Bakit?" Tanong ko.
Narinig kong huminga muna siya ng malalim bago nagsalita, "Akala ko hindi mo sasagutin,"
"Bakit mo naman naisip yun?" Tanong ko.
"I thought you're mad, hindi ka kasi nagre-reply," Nag-aalangan niyang sambit dahil patigil tigil siya sa pagsasalita.
"I was just busy," Sambit ko.
"Okay. Bakit gising ka pa?" Tanong niya.
"Wala naman," Sagot ko.
"Let's have a lunch together tomorrow?" Naramdaman ko ang pagpintig ng matulin ng aking dibdib. Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Sky?
Hindi kaagad ako nakapagsalita kaya nagsalita siyang muli, "Kung okay lang sayo?"
"Ah, ano, Sky kasi-" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Hindi ka pwede?" Bigo niyang sambit.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...