Chapter 46

1K 33 2
                                    

Chapter 46: Sign

Nang sa wakas ay nag-go na ang traffic enforcer ay mabilis akong tumawid patungo sa kabilang kalsada kasabay ang iba pang mga graduates na kasama ko. Saglit nawala ang paningin ko kay Sky dahil sa dami ng mga tumatawid ngunit pagdating ko kung saan siya nakatayo kani-kanila lamang ay wala na siya. Wala nanaman siya.

Namamalikmata nanaman ba ako? O sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana?

"Oh, Allison. Bakit tulala ka, darling?" Puna sa akin ni Mommy ng makalapit ako sa sasakyan namin. "May nangyari ba?"

Kaagad akong umiling. Namamalikmata lamang ako or rather hindi talaga si Sky ang taong iyon. "Wala po, my."

"Are you sure? Oh, paano. Sumakay ka na ng kotse dahil kanina pa tayo hinihintay ng Daddy mo."

Sinunod ko ang sinabi ni Mommy. Ilang saglit pa ay nag-drive na ang driver namin pauwi sa amin.

Habang pauwi kami ay hindi ko maiwasang malungkot sa araw na ito. Hindi dahil akala ko ay nakita ko si Sky kundi na-realize ko lang na mami-miss ko ng sobra ang school na ito. I can't imagine myself that I already miss going to school kahit pa kaka-graduate ko pa lang.

Nagdaan ang ilang minuto at nakadating na kami sa bahay. Medyo natagalan pa nga kami dahil sa heavy traffic.

Pagkapasok ko ng bahay ay kaagad akong sinalubong nina manang Rose, iba ko pang mga kaibigan, at ang aking mga relatives. I didn't know that they would be here!

May banner pang 'Congratulations Engineer Alexandria Allison L. Reid' at maraming mga lobo na nakadikit sa dingding. May confetti ding inihahagis ang mga pinsan ko sa akin.

Isa-isa nila akong kinongratulate at nagpasalamat ako sa kanilang lahat. Tuwang tuwa ako dahil hindi ko inaakalang pupunta silang lahat dito ngayon. Ang alam ko ay isang simpleng dinner with friends lang ang mangyayari.

"Congrats, Ate Ali!" Bati sa akin ng pinsan kong si Morisette. Tinabihan niya ako sa lamesa habang ako ay kumakain.

"Thank you, Molly." Ngumiti ako. "So you're already in college this coming August, right?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yes, Ate! Sa Crescent din ako mag-aaral." Proud niyang sambit sa akin.

"Talaga?" Hindi ko naman makapaniwalang tanong.

"Magpapasa na nga ako ng form next week. Huhu, sana talaga makapasa ako sa entrance exam!" Nag-sign of the cross pa siya. Natawa na lamang ako sa kanya.

"Ano ka ba! Kayang kaya mo yun 'no!"

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ni Morisette at iba pa naming pinsan hanggang dalawin ako ng antok.

Puro relatives ko sa mother side ang nandito. Nagulat nga ako dahil kumpleto kaming magpipinsan ngayon. Anim lang kaming magpipinsan at kaming dalawa lang ni Molly ang babae. Halos kaedaran ko lang ang mga pinsan kong lalaki at si Molly naman ang pinaka bata.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako. Ang mga pinsan kong lalaki naman ay nagyayaya pa ng beer pong game at sinabi kong susunod ako pero ang totoo ay aakyat na ako sa kwarto ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naabutan ko pa ang iba sa mga pinsan ko na kumakain na ng breakfast. Sa pagkakaalam ko ay ngayong araw din ang uwi nila. Ang mga aunties at uncles ko naman ay umuwi na daw kagabi pa.

"Allison, kain?" Alok sa akin ni Miguel. He's already 24 at siya ang pinaka matanda sa amin.

"Sure. Tulog pa sina Molly?" Umupo ako sa tapat ni Miguel at nagsimula na ding kumain.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon