Chapter 36

1.1K 35 1
                                    


Chapter 36: Always


Masayang masaya ako nang matapos ang game na panalo sina Sky. Hindi matapos tapos ang pangta-trash talk ng ibang players ng nakalaro nila sa team namin. Mabuti nalang dahil hinayaan nalang nila yun.

Inulan naman si Jace ng pang-aasar dahil sa 'miracle shot' na nagawa ni Max. Panay ang pag-simangot ni Jace sa tuwing inaasar siya nina Max at Sky dahil sa anila ay "bulok na captain style" ni Jace.

Panay ang tawa ko sa mga biro nila.

Nandito pa kami sa loob ng gym ngayon dahil sa hinihintay ko sina Sky, Jace at Max na magpalit ng damit. Naka-upo ako sa isang monoblock na malapit sa dressing room ng mga boys. Iilan na lang ang nandito dahil sa tapos na ang game. Ang iba ay may hinihintay na lang din katulad ko.

Ginawa ko nalang abala ang sarili ko sa pagbo-brows ng feed ko sa Instagram.

May tatlong lalaki sa gilid ko na nagtutulakan papunta sa akin. Tinignan ko sila at kaagad kong nalaman na sila ang nakalaro nila Sky kanina dahil sa kulay pula nilang jersey na suot.

Mukhang nahihiya silang lumapit sa akin kaya naman nginitian ko sila. Marahas na tinulak ng dalawang lalaki ang kasamahan nila papunta sa akin kaya naman nakalapit siya ng husto sa akin.

"Hi, Miss Allison!" Awkward siyang ngumiti sa akin na para bang nahihiya. "P-pwede bang pa-selfie din?" Tinaas niya ang cellphone na hawak-hawak niya.

"Sure, no problem! Yun lang pala." Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at lumapit sa lalaki.

"Uy, ako din! Ako din!" Sambit naman nung isa.

Pinagbigyan ko ang hiling ng dalawa at nakipagpag-selfie ako sa kanila. Namukaan ko yung isang lalaking hindi nakipagpa-picture sa akin. Siya yung lalaking nauna ng nakipag-selfie sa akin kanina bago kami pumasok.

"Salamat, Miss Allison!" Sambit ng dalawa sa akin. Tumango ako bilang tugon.

Ang dalawang lalaki na nakipag-selfie sa akin ay umalis na. Nagtaka ako kung bakit naiwan yung isang lalaki sa harapan ko pero binalewala ko na lang yun at umupo ulit ako. Lumapit siya sa akin.

"Pasensya ka na, Miss Allison," Kumamot siya sa kanyang batok. Natawa ako sa ginawa niya dahil may naalala ako. Madalas din kumamot sa batok si Sky kapag naiinis o naiirita siya sa akin.

"Uh, may nakakatawa ba sa-"

"Ah, wala! May naalala ko." Sambit ko kaagad. "Tsaka Allison or Ali na lang. Masyadong formal kung may 'miss' pa," Ngumiti ako.

"Okay, Allison. Pwede huling favor?" Sambit niya.

"Sure, ano yun?" Tanong ko.

"Wag ka ng masyadong ngumiti," Tinapik niya ang bandang dibdib niya, "Tinatamaan ako masyado."

Obviously, he's hitting on me and I'm not dense para hindi iyon malaman.

Humalakhak ako at ginawang biro ang sinabi niya, "Bolero!"

"Yan napatawa kita! Ako nga pala si Anthony." Pagpapakilala niya sa sarili niya.

"Nice meeting you, Anthony." Ngumiti akong muli at kinamayan ko siya.

"Uh, can I get your--"

"Ano yun, dude?" Naramdaman kong pinatong ni Sky ang braso niya sa balikat ko.

Tiningala ko si Sky na titig na titig kay Anthony. Nahagip din ng paningin ko sina Max at Jace na parehas nasa likuran namin ni Sky. Mabuti naman at nandito na 'tong tatlong 'to. Kanina pa ako naghihintay, ah!

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon