Chapter 19

1K 33 0
                                    

Vote and comment!! :) 

Chapter 19: Stares


Narinig kong tumunog ang alarm clock ko. Kinusot ko ang aking mga mata. Nasinagan na ako ng araw galing sa bintana. Sa pagkaka alala ko ay naisara ko ang mga kurtina kagabi. Maybe Lauren opened it?

Aantok-antok pa akong bumangon at naligo dahil napuyat ako kagabi, kakagawa ng reaction paper na naipasa ko naman on time at sa tingin ko ay tama ang ginawa ko.

Nagbihis ako ng simpleng white v neck shirt, ripped jeans, at triple white Airmax 90. Muka yatang nadala na ako sa pagsu-suot ng high heels.

Hindi na ako nag-agahan pa dahil 9:00 na din naman. Mamaya nalang ako kakain ng lunch. Tsaka nagcra-crave ako sa nuggets kaya most probably ay sa McDonalds ako kakain. Kakalimutan ko munang may mini-maintain akong weight.

Medyo na-late pa ako sa pag pasok dahil sa kaka-ayos ko ng aking sarili. Kaklase ko si Sky sa dalawa kong subject ngayong araw kaya kailangang presentable ako.

Umupo ako sa gitnang bahagi ng classroom at nakinig ng sa isa sa paborito kong professor sa major. Mabilis ngunit napaka galing magturo. Magaling.

Luminga linga ako sa paligid at napagtanto kong wala pa si Sky. Nasaan siya? Pinagpaliban ko ang pag-iisip sa lalaking i'yon nang bigla akong tawagin ng aming propesor,

"Miss Reid, I think you're not paying attention to this class," Sambit niya sa akin.

"Sir?" Clueless kong tanong at saka ang tumayo.

"Answer my question. What is the logical negation symbol that is used in Boolean algebra to indicate that the truth value of the statement that follows is reversed?" Tanong niya sa akin.

Ang mga kaklase ko ngayon ay nakatingin na sa akin. Kailangan ko 'tong masagot. Isip! Isip!

"Sir, I think the answer is a dash with a tail?" Patanong kong sagot. Hindi ako sigurado sa sagot ko.

"Are you telling or asking me?"

"Telling you, Sir. The negation symbol in Boolean algebra is a dash with a tail," Medyo kinakabahan kong sagot.

"Good. You may now take your seat," Huminga ako ng malalim dahil nasagot ko ng tama ang tanong.

Pagkatapos nun ay mas naging attentive ako sa klaseng ito dahil ayokong mapagdiskitahan. Nag notes at nakinig ako ng tahimik hanggang matapos ang isa't kalahating oras ng klase ngunit wala pa ding Sky Schreiber na nagpapakita.

Lumabas ako ng classroom at saktong nakita ko si Chelsea na may kausap. Lalapitan ko siya at itatanong ko kung paano ang mangyayari mamaya para sa rave.

Lumapit ako sa kanya, "Chelsea!" Tawag ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Ganun din ang kasama niyang babae na pamilyar ang mukha ngunit hindi ko alam ang pangalan.

"Allison!" Tawag n'ya rin.

"So, what's up? Tuloy ba tayo sa rave mamaya?" Masigla kong tanong.

"Yup! I have tickets na. You can bring your friend and your boyfriend later. I have extra ticks," Kinindatan niya ako sa at saka ipinakita sa akin ang mga tickets para mamaya.

"Friend? And boyfriend?" Naguguluhan kong tanong. I'm pretty sure na si Lauren ang tinutukoy niya ngunit gusto ko lang maka sigurado. And a boyfriend? I don't have a boyfriend!

"Yup. Lauren Lee? The student council officer? Isn't she your friend?" Tanong niya.

"Ah, yeah. I'll ask her later if she wants to come. And hey, a boyfriend? I don't have a boyfriend!" Tangi ko. Kasi wala naman talaga.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon