NOTE: Votes and comments are really appreciated. Just message me po if you want some dedications. Thank you! (^O^)
Chapter 2: The Game Itself
Bumagsak ang dalawang balikat ko pagkatapos kong mabasa ang mga walang ka-kwenta kwentang mga tanong dito sa Never Had I Ever. Ito na ba yung well awaited and traditional game nila?
Umirap ako at napagdesisyunan kong sagutan na lamang ang mga tanong na narito.
Binasa ko ang unang tanong na nakasulat. Gusto kong lukutin ang papel na ito ng dahil sa pagka-irita. Nakaamoy ka na daw ba ako ng kili-kili ng lalaki? That's so disgusting! Of course I answered, no.
Ang ikalawang tanong ay mas maayos na. Do you already have your first kiss? Ang sinagot ko ay yes dahil nagka-boyfriend na rin naman ako dati.
Iginala ko ang aking paningin dahil sa stress. Nakita kong papalapit sa direksyon ko ang lalaking kulay azul ang buhok. Kaagad akong nag-panic dahil baka kung anong gawin niya sa akin. Lumapit siya sa tabi ko at kumuha rin ng forms katulad ng sinasagutan ko.
Naamoy ko kaagad ang pabango niyang swabeng swabe sa ilong. Hindi masakit sa ilong ang amoy niya at mukhang nakaka-adik pa yata ito.
Habang titig na titig ako sa kanya ay heto siya na mukhang walang pakialam sa akin. That should be a good news right? Wala siyang pakialam sa akin therefore, makakaiwas ako sa mga taong katulad niya.
Kinausap niya i'yong babaeng naka-upo sa harapan namin. Administrator yata iyon ng school na may hawig sa kay Luna Crescent. Maikli ang itim na buhok, balingkinitan at maputi ang babaeng aming nasa harapan. Sigurado akong may koneksyon siya kay Luna Crescent dahil nakikita ko ang resemblance sa kaniyang mukha.
Habang kinakausap niya ang babae ay titig na titig parin ako sa kaniya. I don't know if I'm just amazed by his hair color o sadyang nandidiri ako sa mga piercings niya.
Bahagya siyang lumingon sa akin. Marahil ay naaasiwa dahil sa paninitig ko sa kaniya.
Kaagad kong inalis ang aking tingin sa kanya at nagpatuloy ako sa aking pagsasagot. Mabuti na lang dahil mukhang harmless naman ang isang ito kahit pa mukha siyang gangster at madumi.
Pasimple kong sinilip ko ang papel na kanyang sinusulatan at napag-alaman kong Sky Schreiber ang pangalan niya, BS Civil Engineering din ang kurso katulad ng sa akin.
Halos mabilaukan ako kakapigil ng tawa dahil nakita kong Sky ang pangalan niyang bagay na bagay dahil sa kulay ng kanyang buhok. Kakapigil ko ng tawa ay nakuha ko ang atensyon niya. Nahuli niya akong nakatingin sa sinusulat niya.
Tumingin din siya sa sinusulat ko at saka nagsalita, "What's so funny all about, Ms. Allison Reid?" Sambit nito gamit ang isang matigas na Ingles.
"Nothing, Mr. Sky Schreiber." Mabilis ko ding tugon sa kanya at binaggit ko din ang buo niyang pangalan. Still, hindi ko parin mapigilan ang tawa sa aking tono.
Kumunot ang noo niya bilang reaksyon. Nagpatuloy siya sa kanyang pagsasagot at ganun din naman ang ginawa ko. Habang nagsasagot ako ay pasimple ulit akong sumilyap sa sinusulat niya at nakita kong puro 'yes' ang sagot niya at kakaunti o isa lamang nag 'no'. Mukhang nanghuhula lamang siya.
Ang huling katanungan ay kung naka-experience na ba daw ako makipag-sex. I honestly answered no dahil tunay namang virgin pa ako 'no!
Nang matapos magsagot ang lahat ng mga New Moons na kagaya ko ay pinapasok na nila kami sa main hall kung saan talaga gaganapin ang mismong party.
Winelcome kami ng mga administrators ng Crescent University na hindi ko naman gaanong napakinggan. Kanina pa ako palinga linga dahil hinahanap ko kung nasaan ang bestfriend kong si Lauren.
Pagkatapos nuon ay inihayag na ng Emcee na sisimulan na ang Never Had I Ever.
Ang sistema pala ng larong ito ayon sa pagkakaintindi ko sa sinabi ng Emcee ay yung mga sinagutan naming mga katanungan kanina ay dare kung saan gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan.
Hindi ako gaanong nakikinig sa program pero time to time ay pinapanood ko kung ano ang nangyayari. Hanggang ngayon kasi ay hinahanap ko kung nasaan si Lauren. Saan naman nagpunta ang isang i'yon?
Natawa akong mag-isa dahil sa dare na ginagawa nila ngayon.
The dare is kung nakapagsuot ng undies ng opposite sex. Yung mismong suot ng kapartner mong guy or girl ang isusuot mong undies throughout the event.
Hindi ko alam sa sarili ko kung matatawa ba ako o mandidiri. Paano kung may sakit pala yung ka-partner mo pagkatapos ay nagpalit kayo ng undies? So unhygienic, right? Unhygienic plus disgusting, perfect combination.
Ito pa yung isang nakakatawa na dare. Mayroon pa palang mga taong walang first kiss kaya hayan sila sa harapan at ako na ang nahihiya para sa kanila.
Pagkatapos nun ay hindi na ako masyadong nakinig. Kinalikot ko na lamang ang cellphone ko para mag Twitter o Instagram dahil hindi ko alam kung ako lang ba ang nabo-bore sa party-ing ito.
May mga tinatawag pang pangalan yung mga nasa stage na hindi ko na nasundan pa dahil busy akong mag-post ng selfie.
"And last but not the least, the Never Had I Ever sex partners. They're both from the College of Engineering Department. Let's all give them a round of applause." Sambit ng lalaking host sa stage.
Nakuha ng aking atensyon ang panghuling dare sa napaka walang kwentang game na ito. Sex partners? Really? Sino namang mga administrator ng school na ito ang mag-uudyok sa mga estudyante na makipag-sex?
"Ms. Allison Reid and Mr. Sky Schreiber." Nagpalakpakan nag mga tao.
Tumaas ang isang kilay ko dahil gustong gusto kong magprotesta ngunit ayokong gumawa ng eksena dito. Nakatingin silang lahat sa akin na para bang hinihintay ang magiging reaksyon ko.
What?! No fucking way!
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...