Chapter 10

1.3K 49 8
                                    

Chapter 10: LoCo


Dahan-dahan syang lumapit sakin.

Nakasuot siya ng navy blue jeans, polo shirt na kulay puti at isang pares na Jordan shoes. May dalawa siyang hikaw sa kanyang left ear na kumislap pa dahil sa sinag ng araw. Kung titignan mo ang porma ng isang ito ay mapapansin mo ang karangyaang nananalaytay sa dugo nito.

"Anong paki mo?" Kunwaring naiinis kong sambit. Hindi ko tuloy narinig ang sinabi ni Luna Crescent.

Nang dahil sa inis ko ay hindi ko namalayang sobrang magkadikit na pala kami. Kung kanina'y medyo may puwang pa sa aming dalawa ngayon ay wala na.

Ngayon ko lang na-realize na matangkad pala siya. 5'9 na ang height ko pero hanggang balikat niya lang ako. Sa estima ko ay nasa 5'11 hanggang 6'2 ang height niya. Damn this Goliath!

Kaunting kaunti na lang at dadampi na ang ilong ko sa dibdib niya. And Jesus! He smells so damn good! Hindi na yata ako magsasawang ulit ulitin ang bagay na iyon.

Kumunot ang noo niya, "Why are you sniffing me? Aso ka ba?"

Ganun ba ako ka-obvious para mahalata niyang sarap na sarap akong amuyin siya? Kainis! Bakit ba kasi sa lahat ng taong pwedeng makakita sa akin dito ay siya pa? Nasa likuran pa kami ng puno, ah! Baka mamaya ay kung anong isipin ng ibang tao.

"P-pwede ba?! Hindi kita inaamoy jan, ah! Assuming much? Alis nga!" Dipensa ko.

Nakakahiya ka talaga, Allison! Caught in the act ka na nga, nagde-deny ka pa.

Napairap ako sa sobrang inis. Naglakad palayo sa punong iyon. Palayo sa lalaking iyon. Ay, wow? Medyo madrama ka ata sa huli mong sinabi, Ali? And the drama award goes to me!

Dinampot ko ang naiwan kong libro sa bench. Makaalis na nga. Hindi na maganda ang atmosphere dito. Polluted na dahil sa pagdating ni Sky.

Binilisan ko ng kaunti ang aking paglalakad. Napipikon na kasi talaga ako at hindi yun makakabuti sa mga pores ko. I should visit my derma na.

Pero dahil sa may lahing mala-aso ang isang 'to, hinabol nya pa rin ako.

"Where are you going?" Sigaw niya sa likod ko.

Papalubog na pala ang araw at malapit ng magsimula ang lantern parade o kung tawagin nila ay Wish Lantern ng mga Half Moon. Yun ang huling event ng Moon Isis Festival dun kasi binibigay o nililipat ng mga Full Moon ang authority or leadership sa mga Half Moon.

Tinatawag nila itong community wishes for every Crescentium students kasi they wishes everyone of us a goodluck for being part of the Crescent society as New Moons.

Syempre pwede rin silang magwish ng mga personal wishes, for example to be gorgeous, pretty and sexy like me pero sa tingin ko hanggang wish na lang nila yun.

"Manonood ng lantern parade," Tugon ko.

Ang lantern parade ay isa rin kung tawagin nila na "LoCo" short for Love Confession. Dito nagco-confess ang mga makakapal ang mukha o kaya naman yung mga totorpe-torpe. Sabi nga nila walang kwenta ang wish mo kung hindi ka gagawa ng paraan to accomplish it, kaya 'yan may loco-loco pa silang nalalaman.

Narinig ko ang mga papalapit na hakbang ni Sky papunta sa akin. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok bago muling nagsalita.

"Sakto! I'm going to watch it too, gusto mo sabay na tayo?" Alok niya. Tinignan ko siya ng masama. Manood siyang mag-isa 'no!

"Manood ka mag-isa mo!" Medyo harsh kong tugon.

Papunta akong Selene lake ngayon para panoorin ang lantern parade ng mag-isa. Sabi kasi nila ay mas maganda daw ang view dun. Pang-Instagram dun yun, 'no! Sana nga lang ay walang masyadong tao. Ayoko talaga ng maingay.

"Why do you hate me?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"Kasi gangster ka. Yuck!" May bahid ng pandidiri kong sambit.

"I'm not a gangster, Miss Maarte."

Pinagtaasan ko siya ng kilay, "And you have a blue hair."

Para tuloy kaming naghahabulan dito. Mabuti na lang dahil naka sneakers ako ngayon.

"Pati ang buhok ko may epekto sa iyo?" Aniya.

"Hindi lang ang buhok mo. Buong pagkatao mo ay nakakainis. Nakakairita." Inirapan ko pa siya.

Sana lang ay tigilan na niya ako dahil wala siyang mapapala sa akin. See? Nung wala siya ay ang ayos-ayos ko. Ngayong nandito siya ay parang naghuhumarentado na ang sistema ko.

Finally! After that ten minute walk ay nakarating ako dito sa Selene lake. Nauuna na saking maglakad si Sky. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Ayos lang kahit naiinis ka. Basta may nararamdaman ka lang sakin, kahit yang inis mo tatanggapin ko." Humalukipkip siya at nag-igting ang mga panga.

Umihip ang malakas na hangin at naamoy ko nanaman ang nakaka-adik niyang amoy. Damn! I really like his smell.

May mga paru-parung parang nagwawala sa aking tiyan. This is bad. May kung ano sa akin ang naghuhumarentado. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ay ang mas lalo pang pagwawala ng mga paru-parong nagwawala sa aking tiyan.

"W-what the h-hell are you talking about?!" Medyo tumaas ang boses ko.

Hindi ko namalayang kanina pa pala nagsimula ang lantern parade. Ang mga nagkikislapang mga ito ay malapit ng maabot ang langit. Ang iba ay papataas pa lamang. Parang napanood ko na ang ganitong scene sa isang animated film na napanood ko noon. That scene was very romantic. Ours is not. I didn't expect na magiging romantic ang scene na ito para sa aming dalawa.

"Sige lang, magtaray ka pa. Mas lalo lang kitang nagugustuhan kapag nagtataray ka," Saka siya tumalikod at umalis.

Iniwan niya ako doon na literal na nalaglagan ngpanga. Kasabay ng pagwawala ng mga paruparo ay ang mabilis, sobrang bilis atnakakatakot na pagpintig ng aking puso.    


Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon