Chapter 29

1K 41 1
                                    

Chapter 29: Two Kinds Of Pain


Iika-ika akong nakarating ng dorm namin. Hindi ko alam kung gaano katagal akong naglakad dahil sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko mula sa paa ko. Nakita ko ding may kaunting dugo pang umaagos mula sa sugat at mukhang napuruhan ata 'yun.

Hindi ko din alam kung ano ang natapakan kong matalim na bagay ngunit panigurado akong malalim ang naging sugat ko dahil dito. Tumigil din ako ng ilang minuto kong na-realize na hindi dapat iniiyakan ang mga ganung klaseng tao. Hindi siya worth it para sa mga luha ko.

There are only two types of pain: The one that hurts you and the other that changes you. There's the pain that simply hurts you and weakens you, and then there is the pain that makes you stronger, makes you grow and changes you for the better.

Nakakatawa dahil sa tingin ko ay parehas kong nararamdaman ng sabay ang dalawang klaseng sakit na 'yan. Ang sakit dahil sa sugat ko at ang sakit dahil sa mga sinabi sa akin ni Sky.

Maybe the other pain that I'm feeling right now will make me stronger and grow but I won't ever change myself just because that Sky's perspective of me. No, I won't. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang sa ikakasasaya ng ibang tao o para gumanda ang impression nila sa akin.

Why would I impress them? Nakakatawa. People will still talk shit about me so why bother? Atsaka, hinding hindi ko babaguhin ang sarili ko dahil lang sa pananaw ng ibang tao sa akin.

As long as I know that I don't harm other people's lives, I'm who I am and there's nothing who can change that.

Naalala kong naiwan ko nga pala ang mga gamit ko kasama na ang wallet ko (kung saan nandoon ang susi ng dorm namin) kaya nananalangin akong sana ay nandito si Lauren.

Sobrang dumi ng paa ko at dumudugo pa ang isa kaya kailangan ko ng itong hugasan para lagyan ng band aid.

Sinubukan kong mag-door bell at laking pasasalamat ko dahil pinagbuksan ako ni Lauren ng pintuan. Iika-ika parin akong naglakad papunta sa C.R. sa ibaba dahil sobrang hapdi ng paa ko at hindi ko na yata kakayanin pang umakyat ng hagdanan.

Wala akong imik kay Lauren habang dahan-dahan akong naglalakad. Hindi ko napansing may bisita pala si Lauren. Nakakahiya dahil pumasok ako ng madumi, puro alikabok ang mga paa, at duguan pa. Tingin ko nga ay mayroong mga dugo ang nalakaran ko kanina.

"What happened to you?" Nagpa-panic na tanong ni Lauren.

Mabilis akong sinundan ni Lauren kung saan ako papunta.

Huminto ako para sagutin siya, "Nasugatan lang. Wala 'to," Simpleng sagot ko.

Nakita kong tumayo ang bisita ni Lauren para i-check kung anong problema dahil mukhang nakita yata niyang may dugo ang mga nilakaran ko kanina.

"Are you serious? Bakit ang daming dugo?" Tumaas ang tono ng boses niya.

"Diba pinasundo kita sa kaibigan nitong si Janus? Yung blue ang buhok? What's the name of that guy again? And why aren't you wearing your shoes?" Dire-diretsyo niyang sambit.

Nakita kong gulong gulo ang isipan niya. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ako naglalakad ng walang sapatos at kung nasaan ang sapatos ko.

"Hindi ko din alam, okay?" Mas kalmado kong sambit. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa C.R.

"Huhugasan ko lang 'to at mawawala din ang dugo jan," Dugtong ko.

"Seryoso ka ba? Patingin nga!" Sigaw niya sa akin. Mas mukha pa siyang nagpa-panic kaysa sa akin.

Never Had I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon