Chapter 13: Lips Of An Angel
Linggo ng umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula kina Mommy. Nagmamadali akong nagbihis at nagtungo sa parking lot. Hindi ko maitago ang galak na nararamdaman ko ngayon.
Noong isang araw kasi ay nagpunta ako sa company namin para sana bisitahin si Mommy then kinukuha daw ako sa isang fashion show which is hosted by Mrs. Pesquina.
I'm really gonna prove her that I can surpass her standards. You can do it, Allison! Remember that you won't be Allison Reid without any reason.
Kaya walang arteng akong naglakad papasok ng building at ipinakita ang I.D ko sa guard, isang katunayan na isa akong model sa event na iyon. Kahit naman hindi ko ipakita ang I.D na ito ay siguradong makakapasok ako.
Sino ba naman kasi ang hindi makukumbinsi sa malaki kong aviators? Tingin pa lang artistahin na!
Dumiretsyo ako sa dressing room. Nakita ko kaagad ang mga modelong abala sa kani-kanilang mga trabaho. Mayroong mga Amerkana at mayroon ding mga singkit. Iba't ibang lahi ang mga modelo na narito. Sa aking estima ay nasa apat o anim lamang kaming Pilipino dito.
So this is it, Allison. You don't have your personal assistant here so you better fix yourself and your things, alone. Pinili ko talagang huwag magsama ng assistant kasi nagpapa-bango ako kay Mrs. Pezquina.
Kaagad kong nakita ang isang pwestong may nakalagay na 'Allison Reid' kaya kaagad akong nagtungo doon.
Ito ang binigay nilang pwesto sa akin. May salamin ito sa harap ngunit ito ang nasa pinaka sulok. Maliit ito kumpara sa mga nakukuha kong pwesto sa iba ko pang events na sinalihan.
Pwede na rin siguro ito, I guess? Huwag kang mag inarte, Allison. Pagtsagaan mo na yan.
Kaagad kong inilapag ang gamit ko at nag-ayos. Hindi ko mapigilang mag-angat ng tingin sa buong paligid. Nakita kong maraming pwesto pa ang walang pangalan sa mga upuan. Ibig sabihin, walang gagamit ng mga pwestong iyon.
Sinuri ko ang pwestong ibinigay sa akin. Bukod sa dito ang pinaka mainit ay ito rin ang pinaka masikip. Wala rin itong lagayan ng mga bag sa ilalim kaya sa lapag ko nalang inilapag ang mga gamit ko. Sa gilid naman ng pwestong ito nakatago ang mga walis at iba pang mga panglinis. Kaya pala parang maalikabok!
I cannot stay on this place and if I do, I will not able get out of this room alive. Papatayin ako ng mga alikabok dito. Baka mamaya pa ay atakihin ako ng asthma. Mahirap na.
Muli kong inilibot ang aking paningin sa buong silid at nakita kong wala paring gumagamit ng mga bakanteng upuan. Lilipat ba ako? Of course. Hindi sa pag-iinarte ngunit talagang aatakihin ako ng asthma.
Wala naman sigurong magagalit kung lilipat ako ng pwesto, hindi ba? Lahat ay narito na kaya sigurado akong walang gagamit ng mga pwestong iyon.
Dali-dali kong binuhat muli ang aking mga dala at naglakad papunta sa pwestong katabi ng dalawang sikat pang modelong Pilipino. Ngumiti ako sa kanila at ganun din naman sila sa akin.
"Hey Allison, long time no see," Sambit ng isang modelong Pilipino na nakilala ko sa isang event sa Palawan.
I cannot remember her name to be honest but I don't want to be rude so I gave her a huge smile atsaka kumindat.
"Yes, I'm quite busy these past few weeks. My schedule is a mess. Buti nga ay naisingit ko pa itong event na 'to," Mayabang kong tugon. Busy my ass!
"Napaka-swerte mo naman. Naku! Kinakabahan tuloy ako." Sabat ng isang modelong hindi pamilyar sa akin. "First time ko kasi ito and I'm really looking forward for more interactions with you. By the way, I'm Charlene." Pormal na pagpapakilala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...