Chapter 27: Hindi Pinipilit
Nagising ako nang dahil sa tunog na nanggagaling sa phone ko. Sino ang tumatawag sa akin ng ganto kaaga? Kinapa ko ang phone ko sa ilalalim ng unan na hinihigaan ko. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag ko hindi.
Ilang minuto pa at hindi parin tumitigil ang pagri-ring ng phone ko.
Napagdesisyunan kong sagutin ang tawag. This must be important. Hirap na hirap ko pang kinapa kung nasaan ang accept button dahil nakapikit pa ako at ayoko pang buksan ang mata ko.
"Hello?" Aantok antok kong sagot.
Sa tono ng pananalita ko ay mauulinigan mo pang galing ako sa isang mahimbing na pagkakatulog at magi-guilty ka dahil mare-realize mong isa kang istorbo.
"Nasaan ka?" Boses ni Lauren. Akala ko pa naman ay kung sino.
"Dorm and I'm still sleeping. Why?" Tanong ko habang nakapikit parin ang mga mata ko.
Paano ba naman ay anong oras na ako nakatulog kagabi kakagawa ng mga blue prints, projects, at yung thesis namin ni Sky. Ngayong linggong 'to kasi ang deadline ng pasahan namin.
"I'm just going to invite you for a breakfast here at ihop, pwede ka?" Dahan dahang sambit ni Lauren na tila ba nangangapa ng sasabihin.
"I'm still sleeping, Lauren. Hindi naman ako addict sa pancake. I slept at almost three in the morning. Mamaya pa naman ang pasok ko," Sambit ko.
Narinig kong parang may kausap si Lauren sa kabilang linya. Hindi ko nalang pinansin i'yon dahil sa sobrang antok na antok pa ako. Binaba na rin ni Lauren ang linya at nag-sorry pa dahil daw naka-istorbo siya sa pagtulog ko.
Nag-ring ang alarm clock ko saktong alas diyez. Nagmamadali akong naligo at nagbihis para hindi ako ma-late sa klase ko sa prof kong bading na may British accent.
Dinungaw ko ang sarili ko sa salamin. My face looks so tired and it's kinda swollen. Sigurado akong dahil ito sa stress ko kagabi kaka-isip ng mga bagong ideas para thesis at kung paano ko mapapaganda ang blueprint na ginagawa ko.
Nag-bihis ako ng puting dress na hanggang tuhod, itim na pumps at naglagay din ako ng kaunting make up bago ako umalis. Natawa pa ako noong muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin dahil naalala ko si Luna Crescent na laging naka kulay puting dress.
Bumaba ako patungo sa parking lot. Habang naglalakad ako ay dala-dala ko pa ang mga pinrint ko kagabing hard copy ng thesis namin ni Sky, tatlong blue prints, laptop at kung anu-ano pang gamit na may kinalaman sa school.
Hirap na hirap kong binitbit ang lahat ng ito. Naglalakad ako patungo sa Mazda 3 ko nang makita ko si Sky Schreiber na nakasandal sa kulay itim niyang BMW convertible. Nakapamulsa siya habang titig na titig sa direksyon ko.
H'wag kang assuming, Allison. Hindi ikaw ang tinitignan n'yan! Baka mamaya ay nasa likuran ko si Blue.
Luminga ako para hanapin kung nasaan ang sasakyan ko dahil alam kong dito ko ipinark ang kotse ko kagabi. Inikot ko ang buong paningin ko ngunit wala akong nakitang kulay pulang Mazda 3 na kaparehas ng sa akin.
Where the hell is my car?!
Hirap na hirap kong idinial ang number ni Lauren ngunit nakita kong may isa siyang text message sa akin. Binasa ko i'yon.
Bestie Lauren:
I borrowed your car. Sorry walang pasabi. Flat ang kotse ko. :/ Don't worry, pinasundo kita kay Sky. Enjoy! ;-)
BINABASA MO ANG
Never Had I Ever
RomanceCrescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong ito, face your fears ika nga. Gagawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan. Kaya...